Episode 45

1703 Words

Chapter 45 Ravena Sumapit ang alas-kwatro ng hapon nang tawagan ako ni Elias. Nandito pa rin ako sa pwesto ko. Tinitingnan ko ang mga beautician ko habang gumagawa sila sa mga customer namin. Parang gusto ko rin matuto mag manicure at pedicure. Parang ang ganda kasi tingnan habang nililinisan ni Aiza ang kuko ng isa naming customer. Sinagot ko muna ang tawag ni Elias. "Hello, hon?" Malalim na buntong hininga ang narinig ko sa kabilang linya. "Alas-kwatro na wala ka pa rin. 'Di ba sabi ko sa'yo kanina umuwi ka ng alas-dos ng hapon? Hinihintay ka rito nila Mommy at Daddy," sabi pa nito sa akin. Sa tuno ng boses niya halatang naiinis ito. "Pasensya na marami kasing customer dito sa salon. Hindi naman yata aalis ang Mommy at Daddy mo mamayang gabi?" naiinis kong tanong kay Elias.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD