Chapter 46 Ravena Pumasok ako sa silid namin ni Elias. Sumunod naman ito sa akin. "Kapag hindi pala kita nabigyan ng anak maghahanap ka rin siguro ng iba katulad ng sinabi sa'yo ng Mommy mo?" naiinis kong sabi kay Elias. Pabagsak niyang isinara ang pintuan. "Sabi ko naman sa'yo huwag mong pansinin ang sinabi ni mommy dahil mahilig lang siya magbiro," sagot naman nito sa akin. "Pero hindi maganda ang biro niya. Alam ko may laman iyon at alam ko na naghihintay sa'yo ang ex-girlfriend mo," naiinis kong sabi kay Elias. "Bakit ba ganiyan ang pag-iisip mo? Simpleng pagbibiro ni Mommy, ginagawa mong big deal. Tapos sinagot-sagot mo pa siya kanina tungkol sa pagkakaroon natin ng anak. Kinumpara mo pa ang pagkakaroon natin ng anak sa kapatid ko," sabi pa nito sa akin na halatang nagagalit n

