Chapter 40 Ravena Dalawang araw na akong badtrip dahil dito sa regla ko. Sumasakit pa ang puson ko. "Hon, papasok na ako sa trabaho," paalam sa akin ni Elias. Nakahiga lang ako na nakatagilid habang hawak-hawak ko ang puson ko. "Ano oras ka na naman uuwi?" tanong ko sa kaniya. "Maaga pa ako uuwi mamaya. Gusto mo ba pasamahan kita kay Manang sa hospital?" nag-aalala naman itong sabi sa akin. "Masakit pa rin ba ang puson mo?" muli niya pang tanong. Tumango-tango naman ako sa kaniya. "Natural lang talaga ito kapag nariyan ang rekla ko. Sige, na umalis ka na baka maliit ka na sa trabaho mo," wika ko sa kaniya. "Ang mabuti pa pasumahan na kita kay Manang sa doktor. Kaysa naman magtiis ka sa sakit ng puson mo," pag-aalala pa nito sa akin. "Okay lang ako huwag mo akong alalahanin. Ga

