Chapter 41 Ravena Nasa gilid ako ng pool alas-kwatro ng hapon nang dumating si Elias. Gusto ko sana maligo sa pool subalit baka mamula ang tubig. Bagsak ang balikat ng asawa ko habang patungo ito sa kinaroroonan ko. Parang ang laki nga ng problema niya at siguro isa sa dahilan 'yong sinabi sa akin kanina ni Brian. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinalubong siya. Hinagkan naman niya ako sa aking labi at inabot ang isang bouquet ng bulaklak. Araw-araw na lang siyang may dala na bulaklak. Ito 'yong tao na namomroblema na ang kompanya niya sa financial, pero bili pa rin siya ng bili sa akin ng bulaklak. "How's your day?" nakangiti na nitong tanong sa akin. "Masakit pa rin ba ang puson mo?" muli niya pang tanong na may kasamang pag-alal. "Medyo nawawala na ang sakit. Malungkot lang

