Chapter 42 Ravena Dumating kami ng alas-tres ng hapon sa Batanggas. Ang ganda ng view dito sa resort na pinuntahan namin. Isang silid ang pina-reserve ni Elias, para sa aming dalawa. Ang ganda ng tubig na para bang nang-aakit ito na maligo ang bawat tao na dumadating. Bumaba kami ng sasakyan ni Elias at agad na pinuntahan ang bahay kubo na pinareserve niya para sa aming dalawa. Iyon ang tutulugan naming dalawa. Siya na ang nagbitbit ng maleta na may laman na mga damit namin. Tiningnan namin ang silid ng bahay kubo. May kama ito na double lang ang size. May lababo rin at gasul, kaya pwede kami rito magluto-luto ni Elias. "Okay naman ang pwesto natin,'' sabi niya at inilapag niya sa gilid ng kama ang maleta naming dalawa. May sarili rin banyo ang silid namin. Ang kagandahan dahil hindi d

