bc

Desiree's Desire

book_age18+
969
FOLLOW
4.7K
READ
love-triangle
contract marriage
HE
independent
bxg
lighthearted
mystery
campus
highschool
musclebear
addiction
like
intro-logo
Blurb

"Pwede naman nating ibalik yung dati na bestfriends tayo. Ikaw naman kasi eh, kung bakit naisipan mo pa kong gustuhin ng more than friends parati tuloy tayong nag aaway ngayon!"

Hindi siya nagsalita. Yumuko siya. Maya maya ay tumitig uli sakin.

"Iwasan mo kaya akong tignan o titigan malay mo effective din yun pampawala ng love mo sakin." Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko ba yun sinabi.

"Why. Gusto mo bang mawala na yung pagmamahal ko sayo?!" Malamlam yung mga mata niya.

"Ha?..." Matagal bago ako nakasagot. Bigla akong napaisip.

"May boyfriend ako. I desire someone else." Sabi kong hindi makatingin sa kanya.

"So gusto mo nga!"

"Sabi ko, I desire someone else. Hindi pala one, dalawa pa nga sila eh, si Paolo at Calix at kung dumating yung Kuya mo tatlo na sila."

Nakurot ko yung hita ko. Kailangan ko yun sabihin baka sakaling ma-turnoff siya at ayawan na niya ko. Mas gusto ko siya na kaibigan lang.

Napayuko siya. Tinungkod niya yung mga siko nya sa hita niya at napahawak sa batok niya. Maya maya hinilamos niya yung mga palad niya sa mukha.

Nasaktan ko na naman siya.

"Alam mo kotang kota ka na naman ngayong araw ng pananakit sakin ha!"

Dinaan na lang niya sa pagtawa yung nararamdaman niya.

"Kanina lang nakita ko kayo ni Calix na naghahalikan. Tapos pinag awayan ka ng dalawang lalake. Tingin mo susuko na ko dahil dun."

"Kiel..." Nasambit ko.

"Sige na, I have to go na baka madagdagan pa yung pananakit mo." Tumayo na siya.

"Ingat!" sabi ko.

"Let me tell you this!" Bumalik siya sa pag upo sa kama.

"I don't care kahit iba pa ang gusto mo. Kahit paulit ulit akong masaktan. I know one day you'll fall for me and you're gonna fall hard. You'll desire no one else but me."

---------

This story contains s*x scenes, drug use and some inappropriate language. Please read at your own risk as a trigger warning will not be designated at each chapter.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
(Desiree's POV) Napahinto ako sa pagfe-f******k ng marinig ko ang boses ni Kuya at mga kaibigan niya sa labas ng bahay. Sumilip ako sa terrace. They are about to enter our house. Bigla akong kinilig nang makita ko na nandoon din siya. I immediately went down the stairs. I went back to the room again because I forgot something. I looked at myself in the mirror and put powder on my face. I took my accessories box and chose a hairclip. Ano kayang maganda dito? Pinili ko ang kulay pink na hairclip na may design na tatlong heart at nilagay yun sa right side ng buhok ko. Mahilig siyang humawak sa buhok ko kaya for sure mapapansin niya yung pusong yun. Sana mapansin na din niya yung puso ko. Napangiti ako habang palabas ng kwarto. Nang marinig ko ang iba't ibang boses sa baba ay agad akong bumaba ng hagdan. I went to the study table opposite Kuya's room and sat down. Tiniis ko na lang yung nakakarinding bunganga ni Kuya Dexter habang nagsasalita siya papasok sa kwarto niya. Sumunod sa kanya si Kuya Marc. Sumunod si Kuya Darwin at Kuya Reymund. Napatingin ako sa pinto biglang lumukso ang puso ko ng mabungaran si Alex. Siya lang ang hindi ko tinatawag na Kuya kasi siya yung mapapangasawa ko. Mabilis kong kinuha ang ballpen at notebook at nagkunyaring nagsusulat. "What's that? Ulan?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig. Nagulat ako ng paglingon ko ay bumungad sakin ang mukha niya sobrang lapit niya sa mukha ko. Muntik pang dumikit ang labi ko sa pisngi niya paglingon ko. Naiurong ko bigla ang upuan ko dahil awkward yung feeling. Nakatingin siya sa notebook na kunyari ay sinusulatan ko. Pagtingin ko ay puro guhit lang pala ang naisulat ko dun. "Ha? Oo ulan yan. Ang init kasi gusto kong umulan kaya nagdrawing ako." palusot kong sabi sa kanya. "Huwag naman may laban kami ng basketball mamaya!" He sat next to me. Kikiligin na sana ko ng bigla siyang tawagin ni Kuya Reymund kaya tumayo uli siya at pumasok na sa kwarto ni Kuya. Nakabukas ang pinto ng kwarto kaya panay ang lingon ko sa kanya. Kinuha niya ang gitara na hawak ni Kuya Reymund at umupo sa sahig. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko ng umpisahan niyang tapikin ang gitara. Napalingon siya sa lugar ko kaya biglang naisubsob ko ang mukha ko sa notebook. Napalingon uli ako sa kanya ng marinig ko na ang pagtugtog niya ng gitara at kumanta. ?Minamasdan kita Nang hindi mo alam Pinapangarap kong ikaw ay akin Mapupulang labi At matingkad mong ngiti Umaabot hanggang sa langit Huwag ka lang titingin sa akin At baka matunaw ang puso kong sabik Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling At sa tuwing ikaw ay gagalaw Ang mundo ko'y tumitigil Para lang sayo Ang awit ng aking puso Sana'y mapansin mo rin Ang lihim kong pagtingin? Kinikilig ako na panay ang tingin niya sakin habang kumakanta at tumutugtog sya ng gitara. "Nandyan ba si Darwin?" I suddenly turned around when I heard a familiar voice. Si Ate Suzet, ang pinakamagandang babae sa lugar namin. Sa sobrang ganda lahat yata ng mga lalake may crush sa kanya. Napatingin ako kay Alex. So kay Ate Suzet pala siya nakatingin hindi sa akin. Badtrip tong babae na to. Lumapit ako sa pinto ng kwarto ni Kuya. "Nandito si Ate Suzet!" Pagkasabi ko nun ay ilang pares ng mga mata ang biglang napatingin sa lugar namin. Si Kuya Dexter ko na panay ang dada habang nagco-computer games ay biglang natahimik at namungay ang mata na napatingin kay Ate Suzet. Si Kuya Marc na katabi ni Kuya Dexter ay natigilan din at napangiti pagkakita kay Ate Suzet. Biglang bumangon sa pagkakahiga sa kama si Kuya Reymund at napatingin pero malayo ang tingin niya na parang may ibang hinahanap at nang hindi yun nakita ay humiga uli. Si Alex ay parang naging estatwa na sa pagkakaupo sa sahig habang nakatingin kay Ate Suzet. Natigil si Kuya Darwin sa binabasang magazine at saglit na napatingin kay Ate Suzet tapos napatingin siya sa mga kaibigan parang naimbyerna yata na halos lahat ay nakatingin kay Ate Suzet. "Kuya Darwin hinahanap ka ng asawa mo!" may halong panunukso sa tinig ko. Lahat ay nagbalikan sa dating puwesto pagkasabi ko nun. Si Kuya Darwin naman ay malapad ang ngiti habang palabas ng kwarto. "Ano ka ba Desiree!" Hinampas ako ni Ate Suzet sa balikat. She blushed and left the house. Kuya Darwin followed him. Bumalik ako sa pagkakaupo at minasdan uli si Alex. Nakisali siya kila Kuya sa harap ng computer. Maya maya ay panay ang tawa niya kaya hindi ko din mapigilan ang mapangiti. Kahit anong gawin niya ay ang sarap niya panoorin. Hindi ko alam kung kailan nagsimula na magkaroon ako ng ganitong pakiramdam sa kanya basta bigla na lang akong nagkaganito. 11 years old ako at sya ay 13. Bagay na bagay ang age gap namin. Plano kong magpakasal kami kapag 25 na ko pero ako pa lang ang nakakaalam. I know I'm young but I can't stop myself from liking him. Habang minamasdan ko siya ay idinuduyan ko ang upuan ko. Napatili ako ng maramdaman kong babagsak ang upuan ko. Nararamdaman kong may tao na nakahawak sa likuran ng upuan kaya naka-hang ako. Habang nakatingin sa kisame ay may mukhang bumungad sakin. Si Kiel. Nakangisi siya habang nakahawak sa likuran ng upuan para hindi tuluyang bumagsak. "Grabe ang bigat mo Peppa." Aniya habang nakahawak sa upuan. Inaasar niya ko ng peppa kasi medyo chubby ako. "Kiel please itayo mo ko." "Ayoko nga". He chuckled. "Ano ba itayo mo yung upuan." Ulit ko sakanya. "Are you scared to fall?" "Of course itayo mo na ko." Napahampas ako sa braso niya. "Sabihin mo muna I'm peppa pig oink oink!" He said laughing. Ginawa ko na lang ang gusto niya dahil natatakot akong bumagsak sa sahig "I'm peppa pig oink oink" Binangon niya ko pagkasabi ko nun. Pagkabangon ko ay ginulo niya ang buhok ko tsaka tinanggal ang hairclip na nakaipit sa buhok ko. "May paipit ipit ka pa na ganito nagpapaganda ka na ang bata bata mo pa." "Bakit ikaw matanda ka na? 1 year lang naman ang tanda mo sakin ah." Umalis siya at pumasok sa kwarto ni Kuya. Umupo uli ako. Inayos ko yung buhok kong ginulo niya. Wala sa buhok ko yung hairclip ko. Hinanap ko yun sa sahig baka nahulog pero wala din. Kinuha siguro ni Kiel. Nakita kong nakaupo si Alex sa kama na may hawak uli na gitara. Hanggang sa nawala na siya sa paningin ko dahil humarang si Kiel sa inis ko ay kinuha ko ang pencil sharpener na nasa table at binato yun kay Kiel. Tinamaan siya sa ulo at napahawak dun. "Tang juice ano yun!" Napatingin siya sa pantasa na nahulog sa sahig at matalim ang mga mata na napatingin sakin. Bigla akong nagtatakbo paakyat sa hagdan ng makita kong palabas siya ng kwarto. "Peppa makita lang kita lagot ka sakin". I heard him shout bago ako pumasok sa kwarto ko. Magkapatid si Alex at Kiel. Si Alex ang panganay at mas matanda ng isang taon kay Kiel. Iba ang tropa ni Kiel pero minsan sumasama siya sa barkada ng mga Kuya namin. May isa pa silang kapatid, yung bunso na si Greyson pero malayo na ang agwat ng edad niya kay Kiel. Tatlo silang lalake na magkakapatid sa pamilya Lorenzo. Nakita kong naglalakad si Alex kasama si Ate Suzet sa labas. Nagselos na naman ako feeling ko crush talaga ni Alex si Ate Suzet. Nang makita kong pumunta sila sa isang tindahan ay sumunod ako dun kunyari may bibilhin ako. "Next week na kami aalis." Narinig kong sabi ni Alex. "Kailan kayo babalik?" Tanong ni Ate Suzet. "I don't know maybe not anymore, doon na kami sa California magbe-base." Nakita kong lumungkot ang mukha ni Alex pagkasabi nun. Aalis sila at sa California na titira. Bigla akong nalungkot. "Mamimiss ka namin." Sabi ni Ate Suzet. "I'm gonna miss you too. Baka next time na magkita kita tayo mag asawa na kayo ni Darwin". Alex smiled bitterly. "Huy grabe ka naman." Ate Suzet blushed. "Malamang kayo na ni Darwin nun. Kung hindi lang kami aalis-" Hindi naituloy ni Alex ang sasabihin nang biglang dumating si Ate Ana kasama si Kuya Reymund at Kuya Darwin. "Bes kanina pa kita hinahanap eh. Tara sama ka." Hinawakan ni Ate Ana ang braso ni Ate Suzet tsaka sila umalis. "Saan tayo pupunta?" Tanong ni Ate Suzet. "Basta". Sagot ni Ate Ana. "Tara Lex" pagyaya ni Reymund kay Alex. "Sige sunod ako." Umalis ang apat na magkakasama. Umupo si Alex sa upuan na nasa gilid ng tindahan. "Aalis pala kayo". Tumabi ako sa kanya ng upo. "Oo. Mamimiss kita Peppa." Bakit kapag si Alex ang tumatawag nun sakin kinikilig ako. Pero hindi pa rin mawala ang kalungkutan ko na aalis siya. Paglabas ko ng classroom ay nakita ko si Kiel sa corridor sa tapat ng room namin. He smiled when he saw me. Hinihintay niya siguro ko kaya sabay na kami umuwi. "Kiel bukas na pala kayo aalis." Sabi ko habang naglalakad kami sa campus. "Oo". He suddenly felt sad. "Mamimiss kita!" Tumingin siya sakin at ngumiti. Parang may kung anong kakaiba sa ngiti niya na ngayon ko lang napansin. "Hindi kita mamimiss manood lang ako ng Peppa pig makikita na kita eh". Tumawa siya ng malakas pagkasabi nun. "Pag laki ko papayat ako tapos sesexy at gaganda din ako. Pag nakita kita who you ka sakin." Napasimangot ako sa inis dahil hanggang pag alis niya ay binubully pa rin niya ko. "Kahit who you ako sayo lalapitan pa din kita". Ngumiti siya. Hindi ko na pinansin yung sinabi niya dahil naalala ko si Alex. "Mamimiss ko din si Alex". "Hindi ka talaga marunong gumalang sa mas matanda sayo. Call him Kuya." Parang galit yung pagkakasabi niya. "Ikaw nga Kuya mo siya mas matanda siya sayo pero hindi mo siya tinatawag na Kuya." Nainis ako na parati niyang sinasabi na tawagin kong kuya si Alex. "1 year age gap lang naman kami. Tinatawag ko naman siyang Kuya kapag trip ko." "So 1 year age gap natin tatawagin din ba kitang Kuya dahil mas matanda ka sakin". Pang aasar ko sa kanya. Ayaw kasi niya na tinatawag ko siyang Kuya. "Try it. Babe ang itatawag ko sayo". "Ano?" Para kong nabingi sa sinabi niya. "Babe. Diba may palabas na babe yung piggy". Napakamot siya bigla sa ulo niya. "Ah. Akala ko yung babe na gaya ng tawag ni Kuya dun sa girlfriend niya." Parang napaisip siya. "Pwede rin pero bata ka pa. Hintayin mo ko pagbalik ko pwede na". Ngumiti siya. "Babalik ako dapat wala ka pang boyfriend o asawa ha. Kung meron gugulpihin ko yun." Bakit parang seryoso siya. Kung magsalita siya parang ang tanda na niya eh 12 years old lang siya. Naalala ko tuloy nung mga bata pa kami sa tuwing naglalaro kami ng bahay bahayan parati kong sinasabi sa kanya na magpapakasal kami pag laki namin. Yun nga lang habang lumalaki kami nag iiba ang ihip ng hangin at ngayon yung kapatid na niya ang gusto kong pakasalan. "Huy Kiel Brother in law kita. Huwag kang ganyan". Nagbago na naman ang reaction ng mukha niya. "Bakit ba si Alex ang gusto mo eh hindi ka naman niya gusto. Kapatid nga ang turing niya sayo eh." "For now hindi. Maybe someday magugustuhan niya ko". Hoping talaga ko na magugustuhan ako ni Alex someday. "Someday you'll fall for me and you're gonna fall hard. That's my goal" Hindi ko na pinansin ang sinabi niya siguro dahil hindi pa yun naiintindihan ng bata kong pagiisip noon. Kinabukasan ng gabi nang umalis si Kiel at pamilya niya. Lumapit muna si Alex kila kuya at isa isa silang niyakap tapos may binigay na papel kay Ate Suzet siguro love letter. Nung nakita niya ko hinaplos niya yung buhok ko. "Bye Desiree." Sumakay na siya sa kotse. Para akong maiiyak dahil huling beses ko na siyang makikita. Lumapit yung magulang nila sa mga magulang namin at nagpaalam. Lumapit sakin si Kiel. May binigay siyang ponytail hairtie na may design na peppa pig. Hindi ko alam kung maiinis o malulungkot ako pero natuwa na din ako dahil nageffort siyang maghanap ng panali na may ganung design. Pagkabigay niya nun sakin ay umalis na siya at sumakay sa kotse. Nangilid bigla ang luha ko kaya umalis na ko sa kinatatayuan ko at pumasok sa bahay namin. Naiiyak ako dahil nalulungkot ako na hindi ko na makikita si Alex na crush ko at si Kiel na kaibigan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
33.3K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
67.0K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.4K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
232.1K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
89.9K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
42.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook