Nasa Tagaytay kami para sa kasal ni Mama at Tito Felix. Bukas pa ang kasal pero nagcheck in na kami sa hotel. Naboring ako sa kwarto kaya naisipan kong mamasyal sa labas. Paglabas ko ng room napatingin ako sa katapat na room ng bumukas din yun. Agad kong nakita yung ngiti ni Kiel. "Hi... Diyan yung room mo?" Tanong niya sakin. "Nakita mo naman diyan ako galing eh." Asik ko sa kanya. "Sungit naman!" Habang naglalakad ako pansin kong nakasunod sakin si Kiel. Sumunod din siya nang pumasok ako sa elevator. Agad kong pinindot yung ground floor. "Anong floor ka bababa?" Tanong ko sa kanya . "Kung saan ka bababa." Sagot niya. "Bakit saan ka ba pupunta?" Tumingin ako sa kanya. "Kung saan ka pupunta". Ngumiti siya. Nainis ako dahil hindi ko na naman naiwasan yung smile na yun. Pagbukas ng

