CHAPTER 3

2064 Words
"Si Kiel yun?". Bulalas ko ng sabihin ni Kuya na si Ezekiel na kababata namin yung pogi kong classmate. "Shunga mo naman hindi mo man lang namukhaan". Sabi ni Kuya habang panay ang nguya ng pagkain. Ang shunga ko para hindi ko mamukhaan si Kiel. Ngayon ko narealize na si Kiel nga yun kaya pala pamilyar siya. Almost 9 years mula noong umalis sila. Binatang binata na siya ngayon at ang gwapo pa. Bigla kong naisip si Alex. "Kuya si Alex nandito na din ba sa Pilipinas?" "Si Alex lang ang naiwan sa U.S tatapusin niya dun yung Doctorate course niya." "Ah ganun" Bigla ko namiss si Alex. "Saan sila nakatira? Diba binenta na nila yung bahay nila dito" tanong ko. "Nakabili ng bahay sa Antipolo yung magulang ni Kiel. Si Kiel at Greyson sa condo nakatira. Doon din sa condo ko. Sa ibang floor lang sila." Sagot ni Kuya. Pagdating sa School hinanap ko si Kiel. Naexcite ako makipag kwentuhan sa kanya. Sayang sa PolSci ko lang sya kaklase. Tinanong ko si Sabrina na isa din sa friend ko about sa schedule ng Engineering kaklase kasi ni Kiel yung boyfriend ni Sab. "Hindi pumasok si Zeus ngayon eh" sagot ni Sabrina. "Grabe kababata mo pala si pogi. Pakilala mo ko ha" biglang singit ni Zia sa usapan. "Huy ako yung unang nakakita sa kanya". Sumingit din si Ara. Pag agawan ba nila si Kiel. "Ayun si Kiel oh". Tinuro ni Ara si Kiel habang nakaupo kami sa canteen. Lalapitan ko sana si Kiel kaya lang may mga kasama siya na dalawang lalake at may mga babae din silang kasama. Katabi niya si Maureen na HRM student. Kasama din nila yung mga babaeng nakikita kong parating kasama ni Maureen. Ex ni Paolo si Maureen. "Bakit kasama nila yung HRM?" narinig kong tanong ni Zia. "Gf kasi ni Miguel yung isang friend ni Maureen" Sagot ni Sab "Sinong Miguel?" Tanong ko. "Yung isang Engineering jan. Nakakasama din ni Zeus mga yan kaya kilala ko" Sagot naman ni Sab. Umakbay si Kiel kay Maureen at hinilig naman ni Maureen ang ulo sa balikat ni Kiel. "Tignan nyo parang si Maureen at Kiel na" sambit ni Zia. "Oo nga. Sa gwapo ba naman ni Kiel hindi yan palalampasin ni Maureen" pabulong na sabi ni Sab. Kahapon lang nag start ang klase at kahapon lang ang first day ni Kiel dito sa School may GF agad siya. Grabe binatang binata na talaga siya dati pacrush crush lang siya sa sa school eh. Malamang sa US marami siyang naging Gf at for sure naadapt din niya ang pagiging liberated ng mga tao dun. Si Alex ganun din kaya. The next day, may PolSci kaming subject kaya naexcite ako dahil kaklase ko si Kiel. Nang mag roll call napalingon ako sa kanya ng tawagin ang pangalan niya. Nakapuwesto siya sa bandang likod 2 rows lang ang pagitan namin. Hindi niya ko tinignan siguro hindi niya ko nakikita. Nang tawagin ang pangalan ko sinadya kong lakasan ang pagkakasabi ko ng present para mapansin niya at malaman niya na ako to. Nilingon ko uli siya pero nakatingin siya sa katabi niya na kausap niya. Habang naglelecture si Prof panay ang tingin ko sa kanya. I didn't expect na gugwapo siya ng ganyan sabagay bata pa lang kami gwapo na talaga siya. Tumingin siya sakin, nginitian ko siya pero nawala agad dun yung atensyon ko nang tawagin ako ni Prof. "Miss Roque. What are the three branches of the Philippine Government?" "Po?" Mabuti na lang madali lang yung tanong kaya nasagot ko. "Ahm Executive, Legislative and Judicial branches" Nakahinga ako ng maluwag grabe yung kaba ko. "Akala ko may pagtatawanan kami eh" bulong sakin ni Zia habang tumatawa. "Kapag tinawag ka dito tapos hindi ka nakasagot nakakahiya ang daming boys". Sabi ni Ara. "Kaya magfocus tayo" bigla kong sabi. Nagfocus ako sa lecture ni Prof dahil baka tawagin uli ako at hindi ako makasagot. Nakakahiya yun. Nilapitan ko si Kiel pagtapos ng klase. Inaayos niya yung gamit niya sa bag. "Kiel". He looked at me. "Hi Kumusta? It's been years" I smiled at him. "Hi!" Nag smile din siya. Bakit parang kinilig ako dun?! "Okay naman. I thought you forgot me". He stared at me. Para akong malulusaw. "Ha? Eh actually kahapon ko lang nalaman na ikaw yan. Sinabi sakin ni Kuya." "Ah. I know it's you from the first time i saw you. Hindi lang kita malapitan. You're always busy". Nakangiti si Kiel kaya nahawa ako sa pagngiti niya. Mas lalong ang gwapo niya tignan. "Busy?" Napaisip ako. "Anyway i'm happy nandito ka na uli tapos classmate pa kita. Namiss kita" Lalong lumaki yung smile niya sa sinabi ko. "I miss you too". Biglang nagdatingan yung mga estudyante na susunod na gagamit ng room kaya lumabas na kami. Paglabas namin nakita ko si Paolo sa tapat ng pinto parang may tinatawagan siya sa cellphone. Nakita niya din ako paglabas namin. "Nandiyan ka pa pala eh. I've been calling you, you're not answering". Halos pasigaw na sabi ni Paolo. Hinawakan niya ang kamay ko. "Sige". Yun lang nasabi ko kay Kiel dahil hinila na ko ni Paolo. "Sino ba yun?" Sobrang seloso si Paolo kaya malamang pinagselosan niya si Kiel. "Kababata ko yun. Classmate ko" "Kababata o classmate. Bakit kasama mo?" "Same. Childhood friend ko nga eh. Nag usap lang kami dahil matagal kaming hindi nagkita" "Ayoko ng makikitang kausap at kasama mo yun ha". Hindi na lang ako nagsalita para matapos na. Nakaupo kami ni Ara at Zia sa isang bench sa campus nang dumating si Sab. "Des si Paolo mo may kaaway". Hinihingal na sabi ni Sab. "Kaaway? Sino? Si Kuya?" Nagpanic ako bigla. "Hindi. Si Kiel." Sagot ni Sab. "Si Kiel. Bakit sila nag aaway?" Agad naming pinuntahan yung lugar kung saan nag-aaway si Kiel at Paolo. Pagdating sa likod ng sports field sa bandang dump area ay may mga estudyante na nag-uusyoso sa paligid. Naabutan ko na nakadapa si Paolo sa sahig. Lumapit si Kiel sa kanya at tinayo siya habang nakahawak sa kwelyo. "Bakit?" Lumapit ako sa kanila. Tumingin sakin si Kiel. Nakita kong may dugo sa labi si Paolo. "Kiel bakit ba?" Napahawak ako sa braso niya para bitawan niya si Paolo. "Stay away from her" nanggigigil sa galit si Kiel pagkasabi nun kay Paolo. Her? Sino? Si Maureen? Ex ni Paolo si Maureen at classmates sila. Baka nakita ni Kiel na magkasama si Paolo at Maureen. "Ano ba nangyari? Kiel please let him go" medyo mataas na ang boses ko. Kiel glared at me. "Bakit ba kasi. Ano bang problema mo?" Hinawakan ko yung kamay ni Kiel na nakahawak sa kwelyo ni Paolo at pinipilit tanggalin yun. "Tarantado ka pala eh. Kung syota mo si Maureen wala akong pakealam dun nakasabay ko lang siya maglakad jan" asik ni Paolo na pinipilit makawala kay Kiel. "Hindi ko nilalapitan si Maureen ah siraulo ka ba?" Nakawala si Paolo. Agad niyang sinuntok si Kiel sa mukha. "Siraulo ka pinagpipilitan mong layuan ko yung syota mo eh hindi ko naman yun nilalapitan" Akmang susuntukin uli ni Paolo si Kiel pero naunahan siya ni Kiel na masipa sa tyan. "Tama na nga kayong dalawa" I shouted at them pero mukhang hindi sila paaawat. Napahiga si Paolo sa sahig kaya lumapit ako at niyakap siya para hindi na malapitan ni Kiel at tumigil na sila. Parang lalong nagalit si Kiel pero hindi siya makalapit kay Paolo dahil nakaharang ako. Inawat na siya ng kaibigan niyang si Miguel at nilapitan siya ni Maureen. "Tama na Kiel please umalis ka na." Naiyak na ko dahil sa nakita kong itsura ni Paolo. Inis na inis ako kay Kiel. "Fvck" narinig kong sabi ni Kiel bago siya umalis. Sinipa muna niya yung basurahan na nasa gilid. Dinala ko si Paolo sa infirmary ng university para magamot ang mga sugat niya. "Kapag nalaman sa office to malamang ipatawag kayong dalawa baka masuspend pa kayo." sabi ko kay Paolo habang nagpapahinga siya sa infirmary. "Ano ba kasing ginawa nyo ni Maureen?" "Wala kaming ginagawa. Nakasabay ko lang maglakad si Maureen sa sports field katatapos lang ng P.E class namin natural magkaklase kami kaya magkakasama kami pero hindi kami nagpapansinan. Nagulat ako bigla na lang ako hinila nung Kiel na yun hanggang dun sa dump area. Siraulo ba yung kababata mo na yun?" "Eh bakit ganun yung galit niya sayo kung wala kang ginagawa umamin ka nga sakin!". Sinamaan ko siya ng tingin. "Babe wala nga ko ginagawa wala na kami ni Mau siraulo lang talaga yung gagung yun." Pag uwi sa bahay ay hindi ko expect na makikita ko dun si Kiel. Nagiinuman sila nila Kuya at Kuya Marc sa bar counter. Nagkatinginan kami bago ako umakyat sa hagdan pero bigla akong umiwas ng tingin at dire diretso sa paglalakad. Nabuhay na naman ang inis ko sa kanya ng maalala ko yung ginawa niya kay Paolo. "Bakit gabi ka na naman umuwi? Hanggang alas kwatro lang klase nyo ah alas nuwebe na." Napahinto ako sa pag akyat ng magsalita si Kuya. "May group study kasi kami" dahilan ko kay Kuya kahit ang totoo ay tumambay kaming magkakaibigan sa condo ni Zia at napainom kami ng konti. "Tigil tigilan mo ko sa group study na palusot mo ha hindi mo ko mauuto jan. Kasama mo lang yung ungas eh." "Paolo yung pangalan niya Kuya. Huwag mo na nga lang ako pakealaman. Ikaw nga puro pag inom inaatupag mo eh" binilisan ko pag akyat sa hagdan dahil siguradong mag aalburuto si Kuya. Naririnig ko siyang nagsasalita pero dire diretso na kong umakyat at pumasok sa kwarto. Nag open ako ng f******k habang nakahiga sa kama. Unang bumungad sa newsfeed ko yung upload na picture ni Kiel kasama si Kuya at Kuya Marc sa bahay namin. 10mins ago ang nakalagay na uploaded time. Hindi ko friend sa f******k si Kiel pero dahil tinag niya sila Kuya kaya lumabas sa feed ko. Tinignan ko yung profile niya na mukhang bagong create lang. May 1 week pa lang yung nakaupload na profile picture at cover photo niya. Naalala ko na hindi mahilig sa social media si Kiel kahit dati pa kahit si Alex ay ganun din. Mahigit 1k na agad yung friends niya karamihan babae at mga pamilyar sakin mukhang mga taga La Teneo din. Marami kaming mutual friends. Nakita ko si Zia. Ang tindi talaga ng babaeng yun hindi pahuhuli. Nilike ko yung picture nila ni Kuya na inupload niya tapos inadd ko siya. Naisipan kong asarin siya kaya minessage ko. Desiree: Congrats tao ka na ? After a few minutes nagreply siya sakin. Ezekiel: Come down Bakit niya ko pinapababa. Bumaba na din ako dahil gusto ko siyang kausapin. Nagpapaliwanag kanina si Paolo pero ayaw niya makinig siguro sa akin makikinig siya. Pagbaba ko wala na sila sa bar counter. Naririnig ko yung boses nila sa labas kaya lumabas ako. Naabutan kong paalis na si Kuya Marc na nakamotor. Si Kiel naman nakasakay sa motor niya at nagsusuot ng helmet. Hinubad niya uli yung helmet ng makita ako. "Ingat ka bro ha" matapos nilang magfistbump ni Kuya ay pumasok na si Kuya sa bahay. "Kiel ano ba nangyari kanina?" I asked. He just stared at me. Wala ako mabasa sa mga titig niya sakin. "Classmates si Paolo at Maureen huwag mo bigyan ng malisya kung makikita mo silang magkasama. Ganyan din ako nung una sa kanila inintindi ko na lang" "It's not about Maureen. Alam mo malaki na yung pinagbago mo but you're still naive." he smirked. "Hindi si Maureen. So ano yun bakit ginulpi mo si Paolo?". "You forgot" "Ha?" "Tsk. Remember it." "Ang alin?" Nagtatakang tanong ko "Yung sinabi ko sayo bago kami umalis 9 years ago" Binalikan ko sa isip ko yung pangyayari pero ang naalala ko lang ay yung binigyan niya ko ng ponytail tie. "I remember binigyan mo ko ng ponytail hairtie" "Before that" "Naalala ko nung nagpaalam si Alex hinaplos niya yung buhok ko tapos sabi niya mamimiss niya daw ako" Bigla ako napangiti nang maalala yun. He flicked my forehead. "I'll go ahead na. Wala ka naman pala maalala eh". Sinuot ni Kiel yung helmet at inistart yung motor. "Ingat ka ha" I smiled wide at him. Tinaas niya yung visor ng helmet niya. "Sabihan mo na lang yung bf mo na huwag haharang harang sa dadaanan ko nang hindi ko siya magulpi" ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD