Si Kiel ang emcee ng event. May konting speech pa siya sa simula ng program diniscuss niya yung about sa business. Naisip ko bigla na kaya pala niya ko nabobola dahil magaling talaga siya magsalita. Tinuloy ng Daddy niya yung discussion. May ilang minuto siyang nagsalita. May projector at powerpoint na pinapakita sa front ng stage habang nagdidiscuss siya. Isa isa ding pinakilala silang magkakapatid at mga propesyon nila. Kaya siguro hindi si Alex ang pinakasal sakin dahil iba ang propesyon niya, Doctor siya unlike Kiel na Engineer at isa din sa magmamanage ng business in the future. Diniscuss din yung about sa partnering with Chavez Land. May ilang minuto ding nagspeech si Tito Felix. He introduced Kuya Marc as the new CEO ng Chavez Land. Pinakilala din niya kaming magkakapatid bila

