"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang nagda-drive siya. "Sasagutin ko ang tanong mo kanina," nakangiti niyang sabi. "Ano 'yon?" Tanong ko. "Ulyanin ka na madam, 'di ba tinatanong mo kung ano 'yong pangarap mo," sabi niya habang nakangiti. "Oo nga," sabi niya. Ngumiti lang siya sa akin at nagpatuloy sa pagdrive. Nagulat na lang ako nang papunta na kami sa Clash restaurant. Nagulat ako nang nagpark siya doon, at lumabas ng kotse niya kaya sumunod din ako. Tinuro niya ang Clash restaurant sa akin. "Iyan ang una mong pangarap na ginawa ko," sabi niya. Nakanganga naman ako na nakatingin sa kanya. "Clash restaurant, C for Criszana, L for Lianne, A for Akkiro, SH for Josh," nakangiti niyang sabi. "Paano mo nagawa 'yan?" Tanong ko Pinakita niya sa akin ang hawak-hawak

