"'Nak may bisita ka," nakangiting sabi sa akin ni mommy, nandito ako ngayon sa bahay namin ilang araw na rin ako rito. Simula kasi noong araw na nalasing ako at doon nakatulog sa bahay ni Akki ay naalala ko kung bakit nga ba ako nalasing. Gusto ko muna malayo kay Akki ng pansamantala. At sa ilang araw na pananatili ko sa bahay nila mommy ay halos araw-araw rin pumupunta rito si Akki. Lagi ko naman siyang 'di hinaharap lagi lang akong nasa kwarto ko at nagkukulong. "Sino po Mom?" Tanong ko. "Si Akki," nakangiting sabi ni Mommy. "Mommy paki sabi busy pa ako may tatapusin pa akong mahalagang dapat gawin, paki sabi sa ibang araw na lang po siya pumunta rito," sabi ko lumapit naman sa akin si mommy at umupo sa kama ko. Nilagay ni mommy ang ulo ko sa lap niya at doon ay hinahaplos niya an

