Nagising ako nang nasa loob na ako ng kwarto napatingin ako sa paligid at nakita ko na 'di ko ito kwarto. Nasaan ako? Hindi ko 'to kwarto? Baka na-r**e na 'ko? Ano ba nangyari kagabi? Napatingin ako sa damit. Malakas akong napasigaw nang makita kong iba na ang sout kong damit. Oh my gas ang pinakaiingatan ko. Ang bataan! Wala na, sino kumuha ng bataan ko? Sino ang lapastangan gumahasa at nagsamantala sa fresh kong katawan? Lapastangan? Wow lalim noon. Bakit ko ba na-i-isisingit 'yon? Napatingin ako sa kama pero wala naman akong nakita stain. Baka hindi rito nangyari? Baka sa kotse? Sa sofa? Sa elevator? Sa hagdan? Wala akong maalala. Pilit kong inaalala ang ginawa ko kagabi. Nagbar ako kasama si Zander tapos uminom ako tapos sumayaw ako. 'Di ko na alam! Baka si Zand

