Palakad-lakad ako sa may garden ng bigla kong nakita ang number one pampatanggal boring sa akin walang iba kun'di si Akki. Napangiti ako habang papalapit sa kanya, napakunot noo ako ng marinig ko na kinakausap niya 'yong halaman doon. "Alam mo, 'yong amo mong maganda 'yong tinatawag kong madam, napakapasaway at kulit, kakaibang babae, akalain mo ba namang ligawan ako, iba talaga ang kagwapuhan ko," sabi niya roon sa halaman, makikisabat na sana ako ng bigla ulit siyang magsalita. "Pero alam mo, natutuwa ako sa kanya, kahit pasaway siya na ang sarap itapon sa bangin," sabi niya habang nakangiti pa sa halaman. Nabaliw na ba siya sa pagiging sakit ng ulo niya dahil sa akin. "Bakit 'di mo try itapon sa bangin?" Patanong kong sabi, halata namang nagulat siya at napatingin sa akin. "

