Naglakad-lakad lang kami ni Akki habang magkahawak ang kamay namin. Ewan ko ba rito kay Akki kung aware siya na magkaholding hands kami, kanina pa kasi kami magkawak ang kamay pero hindi man lang niya tinatanggal ang kamay niya sa kamay ko. Choosy pa kasi siya gusto rin naman, sarap niyang halika--- I mean suntukin. At syempre lagi niya akong hila-hila na parang bang tali ng aso na basta niya lang mahila. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa perya, pumasok kami sa loob doon at nag-ikot-ikot lang. Nang may makitang pop corn na tinda si Akki ay bumili siya, gutom na rin siguro siya, medyo pagabi na kasi e. Humanap kami ng mauupuan ng may makita kaming bench ay umupo kami roon. "Hay salamat nakaramdam din siya ng pagod," pagpaparinig ko kanina pa kasi kami palakad-lakad but

