Ano magdodoorbell ba ako o hindi? Itatapat ko ulit ang kamay ko roon sa may doorbell tapos ilalayo ko ulit at kakagatin ang daliri ko. Nandito ako sa tapat ng condo ni Akki at kanina pa ako rito nag-iisip kung magdo-doorbell ba o hindi. Naglakad ako pababalik-balik mula sa tapat ng condo ni Akki papunta sa condo ko. Hay, bahala na si Batman! Humarap na ako sa tapat ng condo ni Akki at bumuntong hininga. Bahala na si Batman, bahala na si Dora, si Deigo, si Powerpuff girls, si spongebob, lalakasan ko na ang loob ko. Magdo-doorbell na sana ako ng bigla bumukas ang pintuan niya kaya naman napatingin ako sa kanya at awkward na ngumiti. "H-hi," sabi ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti rin. "Hi," sabi niya. "Ay ano, a-ano kasi," sabi ko na 'di makatingin sa kanya wagas naman kasi si

