Pabalik-balik ang tingin ko kay Zander at kay Akki. Masama ang tingin ni Akki kay Zander, samantalang si Zander straight face lang na nakatingin kay Akki. Naku naman, e. "Zander inaaway ako niyan." Sumbong ko habang nakaturo pa kay Akki, ay letse 'di ako pinansin, nakatingin lang din siya ng deretso kay Akki. Patay iba na yata 'to. 'Di pwede. "Pst! Akki!" Tawag ko kay Akki pero nakatitig pa rin siya kay Zander. E? 'Di pwede kailangan mapigilan ko agad sila. Hinila ko agad si Zander na nakatingin lang kay Akki papunta sa elevator, nakasunod naman si Akki sa amin. Hawak-hawak ko sa kamay si Zander ng bastusang dumaan doon si Akki. E? Tapos itong si Akki ay pumagitna sa amin ni Zander. E? Naku naman. Nang bumukas na 'yong elevator na sasakyan namin ay pumasok agad kami, nasa gi

