Bumaba kami ng tree house ni Norrain. Hindi naman kalayuan ang pinuntahan namin sapat na 'yon para hindi nila kami marinig pero nakikita nila kami. "Criszana, please 'wag kang magsasalita," sabi ni Norrain. Tumingin naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Sino ka para utusan ako at isa pa anong 'wag magsalita, ano ako pepe?" Tanong ko. "No, not literally I mean," sabi niya. "At bakit natatakot ka ba?" Tanong ko sabay cross arm. Hindi naman siya makaimik. "So natatakot ka na pala ngayon, wow himala 'yon," sabi ko. "Huwag si Akki, please," sabi niya. Ngumisi naman ako sa kanya. "Nagmamakaawa ka na ngayon? Bakit dati ba 'di mo rin ito ginawa sa akin?" Halos pasigaw na tanong ko. "Criszana, please," sabi niya. "Wala ka ng magagawa malalaman at m

