Nagtagal ako sa pwesto ko habang umiiyak sa ganoong posisyon ko ay may nakita akong paris ng paa. Mga paa. Napatingin ako sa kanila na nakatingin sa akin, ngumiti sila sa akin at pinantayan ako. "Senorita, 'wag ka ng iiyak papangit ka niyan sige ka, 'di ba sabi mo pa naman dyosa ka, sige ka gusto mo ba pumangit?" Tanong ni Kiko na nasa harap ko nasa gilid niya naman ang dalawa niyang bestfriend. "Oo nga senorita, sige ka-iiyak din kami, alam mo naman na tropa tayo, 'di ba," sabi ni Ariel. "Atsaka hindi natin bati 'yan sila Akki kaaway natin sila kami ang tunay mong kakampi, ngingiti na 'yan si Senoritang maganda," sabi ni Makoy. Napangiti naman ako sa kanya. Buti pa sila. Nandito sa tabi ko 'di gaya nila iniiwanan nila ako. Tumayo ako at ganoon din naman sila n

