Chapter 4

1148 Words
Mga bandang alas sais ng gabi dumating na si Akki sa bahay para sunduin ako. "Wala ka na bang ibang damit?" Tanong sa akin ni Akki pagbaba ko ng hagdan. Naka sleeveless lang kasi ako pero hindi na gaano mababa ang neckline at naka-shorts short lang ako. "Wala, bakit ba?" Tanong ko. "Lalamigin ka mamaya bahala ka," sabi niya. "Sanay na ko," sabi ko sabay irap. "O siya, tara na," sabi niya sabay lakad palabas ng bahay namin sumunod naman agad ako. Nang makalabas na kami ng bahay derederetso lang siya sa paglalakad. "Hoy!" Sabi ko hindi niya naman ako pinansin. Kaya naman binato ko siya ng tsinelas ko. "Aray naman madam," sabi niya. "Bingi mo kasi, maglalakad lang ba tayo?" Tanong ko. "Oo madam, kaya bilisan mo kasi gagabihin talaga tayo," sabi niya sabay hatak sa akin. "Teka lang, wala ka ba talagang awa sa akin ha, pinagsaka mo na nga ako tapos paglalakarin mo pa ako," sabi ko. "Ano naman ngayon para 'yon nga lang ginawa mo," sabi niya sabay hila ulit sa akin. "Anong 'yon lang? Hoy weak sa nineteen years na nag-exist ako sa mundong ito, ngayon ko lang nagawa 'yon," sabi ko. "Paki ko," sabi niya sabay hila ulit sa akin. "Bwisit ka talaga," sabi ko. "Bilisan mo na lang may maligno pa namang pagala-gala rito, sige ka baka k---" "Bakit ba ang bagal mo maglakad ha? Hay naku, weak ka talaga," sabi ko habang hila-hila ko na siya may kalayuan din ang bahay nila mang Berting sa mansyon namin kaya naman masakit na ang paa ko bago pa kami makarating sa bahay nila mang Berting. "O senyorita, nandito ka na pala halika po sa loob at kumain kayo," sabi sa akin ni mang Berting. Nang makapasok kami sa loob pinakain kami ni Akki in fairness masarap 'yong luto nila. Nang mag-alas-otso ng gabi ay niyaya na ng mga iba pang magsasaka si Akki na uminom. "A, hindi po pwede e, ihahatid ko pa si madam," sabi niya. "Ako! Ako na lang po game ako riyan," sabi ko habang nakataas pa ang kanang kamay ko. "A, e, madam iba po ang lasa niyan," sabi ni Akki. "So, ano naman? Alak din naman 'yan," sagot ko. "Bahala ka," nakangising sagot niya. Pinaupo naman nila ako sa upuan at nilagyan nila ng alak 'yong baso. Inamoy ko muna 'yon bago ko inumin. "Ano 'to?" Tanong ko. "Gin 'yan madam," sabi ni Akki. Tumango-tango na lang ako kahit na hindi ko naman talaga alam 'yon at ininom ko na. "Ang pangit ng lasa," sabi ko sabay punas sa bibig ko gamit ang likod ng kamay ko. "Ano kaya pa?" Tanong ni Akki. "Ako pa!" Sabi ko sabay inom ulit ng gin daw. ------ Mga ilang tagay pa ang nainom ko ay nalasing na ako. "Madam naman, tama na 'yan marami ka nang nainom" sabi sa akin ni Akki. "Hiynji pah kosh lashing 'no," sagot ko naman habang umiinom pa rin ng alak. Mayamaya ay may nagpatugtog, bigla na lang akong tumayo at sumayaw sa ibabaw ng lamesang pinag-iinuman nila. "Madam!" Sigaw ni Akki ngumisi lang ako sa kanya at nagpatuloy sumayaw chi-ne-cheer naman ako ng mga kapwa ko kainuman. Napahilot naman sa sentido si Akki. "Pasaway talaga," sabi niya, lumapit si Akki kay sa akin habang sumasayaw ako sa ibabaw ng lamesa. "You wannash dansh witsh me?" Tanong ko kay Akki. "Hindi uuwi na tayo," sabi ni Akki sabay buhat sa akin na parang sako lang ng bigas. "Baligtad kayo mga pare," sabi ni ko sa mga kainuman niya ng mapatingin ako sa kanila. "Uuwi ko na po ito," sabi ni Akki. "Anak sa bahay mo na lang patulugin 'yan gabi na," sabi ng nanay ni Akki tumango naman si Akki at naglakad papunta sa bahay nila. "Babyesh mgash paresh kosh," sabi ko sa mga kainuman ko. "Ayan kasi ang yabang yabang," sabi ni Akki. "'Di ako mayabangsh nush, babash mo kosh," sabi ko habang pinapalo ang likod ni Akki. Binaba naman agad ako ni Akki at nagsimula na akong lumakad pero pagiwang-gewang lang ako hanggang sa muntik na akong matumba, mabuti na lang ay na nasalo agad ako ni Akki. Shit, nahihilo ako. "'Yan ba 'yong kaya?" Tanong ni Akki. "Oy gwaposh!" Sabi ni ko. Binuhat naman agad niya ako na parang bagong kasal. "Hey handsome, wanna playsh with me," sabi ni ko sabay bungisngis. "Manahimik ka na," sabi ni Akki. "Alamsh mo ang ganda ng lipsh mo pwede ko bangsh halikan," sabi ko. Natigilan naman si Akki at napatingin sa akin na nakatingin na sa labi niya papalapit na ako sa labi ni Akki ng bigla akong napasumuka. "Tsk," sabi ni Akki sabay iling ng ulo niya. Nang makarating na kami sa bahay nila Akki ay dinala niya ako sa kwarto, tinawagan niya muna ang nanay niya para mabihisan ako ng bagong damit. Nang mabihisan na ako ay kinumutan niya ako at lumabas ng kwarto ako naman ay tuluyan ng nakatulog. Nakarinig ako ng tunog ng sandok na pinupokpok ang kaserola. Bwisit talaga, sino na naman bang istorbo ito? Antok pa ako at masakit ang ulo ko. "Hoy madam gising na tanghali na, magtatanim pa tayo ng palay kaya bangon na," sabi ni Akki habang pinapalo niya ang kaserola. "Wait lang five minutes," sabi ko sabay tabon ng unan sa ulo ko at tumagilid ako pero mali yata kasi nahulog ako sa kama, isang malakas na tawa ang narinig ko kaya naman ng madampot ko ang isang lotion sa gilid ng kama ay binato ko 'yon sa Akkirong istorbo. "Ano gising ka na ba?" Tanong niya sa akin sabay abot ng kamay niya sa akin kinuha ko naman 'yon at tumayo ako. Napansin ko naman na wala ako sa kwarto ko at iba ang suot ko, napahawak naman ako sa katawan ko. "Hoy ikaw, wala ka bang ginawang masama sa akin?" Tanong ko habang turo-turo siya. "Aba, kahit na maganda at sexy ka 'di kita pag-iisipan ng masama, 'no," sabi niya. "Talaga?" Tanong ko. "Oo ikaw pa nga 'tong may balak akong halikan," sabi niya. "Kapal mo rin, 'no," sabi ko. "Totoo kaya 'yon, tinanong mo pa nga ako kung pwede akong halikan," sabi niya. "H-hoy, hoy 'wag ka nga mag-imbento riyan," sabi ko. "Hindi ako nag-iimbento," sabi niya. "Ewan ko sa'yo," sabi ko sabay bato ng unan sa kanya. "Ayaw mo maniwala, gusto mo ulitin pa natin," sabi niya habang lumapit sa akin, napaatras naman ako. "Oo na," sabi ko pero palapit pa rin siya ng palapit sa akin. Hanggang nagdikit na ang ilong namin. "Madam, alam mo bad breath ka," sabi niya sabay layo sa akin. Nilagay ko naman ang kanang kamay ko sa bibig ko at hiningahan 'yon. Hindi naman, e. "Bwisit ka talaga, Akkiro," sigaw ko sa kanya ng tumakbo siya palabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD