Chapter 3

991 Words
Beast mode ako sa lalaking nag-ngangalang Akkiro. Bwisit siya! Paano ba naman ang aga-aga niya ako ginising alas quadro pa lang ng madaling araw nasa kwarto ko na siya at may dalang kaldero at sandok, sabay kanta ng christmas song. Bwisit talaga 'yon! Pagkatapos niya akong gisingin, dinala niya ako sa kusina at pinagluto, hindi pa naman ako marunong, pagkatapos noon pinaglinis niya ako ng bahay may mga kasambahay naman kami. Ewan ko ba sa trip ng mokong na 'yon. Mga alas nwebe na yata ako natapos maglinis ng bahay, after noon naligo na ako, pagkatapos kong magpahinga ng fifteen minutes kinatok na niya ako at may pupuntahan daw kami. "Saan mo ba ako dadalhin ha? Ang sakit na ng paa ko," reklamo ko naka-high heels kasi ako ngayon at naka-shorts na maiksi at sleeveless na mababa ang neckline. "Malapit na tayo, bakit ba kasi nakaheels ka pa?" Tanong niya. "Paki mo," sabi ko. "Bahala ka," kibit balikat na sabi niya. Naglakad-lakad pa kami hanggang sa nakarating na kami sa pupuntahan. Napanganga ako ng makita ko ang lugar na pinagdalhan niya sa akin. "Seriously? Dito, ayoko uuwi na ako," sabi ko sabay talikod sa kanya napatingin naman ako sa dadaanan ko. Shit! Saan nga ba 'yon? "O? Bakit hindi ka pa umu-uwi?" Tanong niya. "Bwisit!" Asar na sabi ko sabay harap sa kanya. "Tara na madam at magtanim ng palay!" Sabi niya "Bwisit," sabi ko. Magtatanim ng palay, no way! Paano na 'yong kuko ko? "Madam tara na!" Tawag niya sa akin habang naglalakad na siya roon sa maliit na daanan lang. "Madam!" "Oo na teka lang, s**t 'yong heels ko lumubog!" Sabi ko, narinig ko naman na tinawanan niya ako. "Sabi na sa'yo," sabi niya inirapan ko naman siya sabay hubad ng heels ko, s**t! Ang putik noong paa ko. "Kaya pa madam?" Tanong niya ng makatawid na siya sa kabilang side "Ewan ko say----Akkiro!" Sigaw ko na mahulog ako putikan na tataniman ng palay. Narinig ko naman ang tawanan ng mga tao, asar na asar akong nagpapadyak sa putikan puro putik na ako. "Tara na madam," sabi ni Akki na nasa harap ko na pala at nasa harapan ko na rin ang kamay niya kinuha ko naman 'yon. At dahil may naiisip ko, hinila ko siya para mahulog din siya. "Madam!" Sigaw niya ng tumakbo na ako. "'Yong mga palay madam! 'Wag mong apakan!" Sigaw niya binilatan ko lang naman siya. Mayamaya ay nakarating na rin ako sa kabilang side, ganoon din naman siya, naghugas muna kami sa isang poso para natanggal ang dumi namin, pinahiram ako ni Akki ng pangsakang longsleeve. "Tara na madam, magtatanim na tayo ng palay," sabi niya. "Ayoko," sabi ko. "Sa pagkakaalam ko darating ang kuya mo mamaya, bahala ka hawak ko pa naman ang kapalaran m--" "Oo na nandiyan na nga, 'di ba," sabi ko sabay punta roon sa pagtataniman ng palay. "Good," sabi niya sabay tanim na ng palay pinanood ko lang siya bago ko gayahin at bilis niyang magtanim. "Madam mali 'yan. Bakit ang dami niyan? Bawasan mo mga anim na dahon lang," sabi niya ng mapansin niya na marami nga 'yon napatingin naman ako sa mga natanim niya. "Sorry ha! Baguhan lang ako e, at tsaka 'di ko 'to gawain, 'no," sabi ko sabay bilang na anim na dahon lang at tanim. "Pwes gawain mo na 'yan ngayon," sabi niya sabay kindat. Inirapan ko naman siya sabay bilang ulit ng anim na dahon at tanim, ganoon lang ang ginawa ko. "Ang bagal mo naman madam, wala pang-one-fourth 'yang nagagawa mo," sabi ni Akki. "'Wag mo nga ako paki-alaman," sabi ko habang busy sa pagbibilang ng dahon at tanim ulit. "Ang init shete, umiitim na ako," sabi ko kahit na ka long sleeve ako ngayon nakashort shorts pa rin naman ako, hindi pa naman ako naglagay ng sun block. "Ayan kasi! Bakit ba ganiyan ang pormahan mo?" Tanong niya. "Walang may paki," sabi ko. "Toto, senorita! Kain na tayo," tawag ng isang katandaang babae. Napatingin naman ako kay Akki na nakangiti sa akin. Natawa naman ako ng sobra-sobra. "Toto? Seryoso, ang pangit!" Sabi ko. "Ang cute kaya, inggit ka lang," sabi niya. "Ako inggit hindi, 'no," sabi sabay tawa ulit. "Tara na madam kain na tayo," sabi niya sa akin naglakad naman kami papunta roon sa mga taong nagtumpukan sa may puno na may mahabang lamesa at mga upuan. Naghugas muna kami ng kamay bago lumapit doon sa lamesa. "Seriously? Magkakamay tayo, e 'di ba nagtanim tayo?" Tanong ko ng makita ko na nagkakamay na 'yong ibang tao na kumakain. "Yes madam! Masarap kaya," sabi niya. Nandidiri ko naman siyang tiningnan. "Ano 'yan?" Turo ko roon sa parang dried fish at 'yong kulay brown na may maliliit na buto. "Tinapa at monggo 'yan, masarap 'yan promise," sabi ni Akki sabay bigay sa akin ng plato na may laman ng monggo at tinapa raw. "Wala ba talagang kutsara at tinidor?" Tanong ko sa kanya. "Wala, 'wag ka ng maarte masarap 'yan," sabi niya sabay subo sa akin ng kanin na may monggo. "Yuck may germs," sabi ko habang punong-puno ng kanin at bibig ko. "Arte mo, kainin mo na lang 'yan," sabi niya wala na akong nagawa kun'di kainin nga 'yon, masarap nga naman. Kumain na rin ako habang nakikipagkwentuhan sa mga tao, masaya naman sila kasama napupuno rin ng tawanan sa lamesa namin. "Senorita, mamaya po may kaunting salo-salo sa bahay, birthday kasi ng anak ko," sabi ni manong Berto. "Pupunta po kami, 'di ba madam?" Tanong ni Akki. "Oo na," sabi ko. "Bilisan mo kumain, madam marami pa tayong tatapusin," sabi ni Akki. "Whatever," sabi ko. Tinapos ko na ang pagkain ko, at mayamaya ay nagsimula na ulit, nakakapagod pala ito, ang sakit sa balakang mga alas sinco ng hapon ay umuwi na kami naligo ako at nagpahinga muna habang wala pa ang pahirap sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD