Tahimik lang kami ni Akki habang tulak-tulak ko ang wheelchair niya, pauwi na kaming dalawa ngayon. Wala ni-isa sa amin ang nagsasalita, tahimik lang kami. Nang makarating kami sa bahay nila ay nandoon na ang nanay at tatay niya kaya naman kinuha na sa akin ng tatay niya ang wheelchair at pinasok sa loob ng kwarto ni Akki. "Aalis na rin po ako balik na lang po ako bukas," sabi ko sa nanay ni Akki, ngumiti lang sa akin ang nanay ni Akki nagbless ako sa kanya at naglakad papunta sa kwarto ni Akki para magpaalam na aalis na ako. Nasa may pintuan lang ako noon ng narinig ko na nag-uusap sila ng tatay niya hindi na sana ako makikinig kung 'di ko narinig ang pangalan ko. "Anak nagiging malapit yata kayo ng senorita," sabi ng tatay ni Akki. "A, opo 'tay pero, alam niyo naman po na sa akin ib

