Bakit nga ba ang weird ko ngayon? Ay ewan ko. Baka nae-engkanto lang ako. Umupo ako sa tabi ni Akki at kumuha ng isang pirasong grapes at kinain ko. "May alam ka bang nagtatawas?" Tanong ko kay Akki. Kunot noo naman siyang tumingin sa akin. "Ha? Bakit?" Tanong niya. "Wala lang, gusto ko lang bumili ng tawas," sabi ko. Binatukan niya naman ako. Grabe talaga 'tong lalaking 'to, iwan ko ito rito mag-isa, e. Bahala siyang umuwi mag-isa. "Ano nga?" Tanong niya. "Papagawa ako ng gayuma at gagayumahin kita," sabi ko. And again binatukan niya ulit ako. Kaya naman sinabunutan ko siya. "Ikaw ha namumuro ka na, ha," sabi ko sabay sabunot sa kanya. "Madam! Masakit teka 'yong pilay ko, madam! Aray!" Sabi niya, sinakyan ko na kasi siya habang sinasabunutan pero 'di ko pinansin ang sinasab

