"Madam naman, saan mo ba talaga ako dadalhin? Madam ako na magbibihis lumapas ka na!" Biglang sigaw ni Akki ng akmang huhubarin ko na 'yong damit niya. "Arte mo, o ayan basta may date tayong dalawa peace offering ko," sabi ko sabay bato sa kanya ng damit niya. "Saan naman madam?" Tanong niya. "Sa Saturn," sabi ko. "Ano?!" Gulat na tanong niya. "Joke lang, sige na bihis ka na," sabi ko habang nakangiting nakatingin sa kanya. "Labas madam, mamboboso ka lang," sabi niya. "Ang kapal mo, sige na nga pa-virgin ka pa riyan," sabi ko namula naman siya sa sinabi ko. "O, namumula ka naiinitan ka?" Tanong ko. "Labas na madam!" Asar na sabi niya. "Oo na," sabi ko sabay lakad palabas ng kwarto niya ng nasa may pintuan na ako tumigil ako at humarap sa kanya. "Wala ka na bang ibang kailanga

