Chapter 1
Bata palang si Ailene ay pangarap na niya maging isang madre. Sa kabila ng pagtutol ng kanyang mga magulang sa kanyang napiling bokasyon ay wala silang nagawa kundi suportahan nalang ang napiling bokasyon ni Ailene.
Sa pagluwas ni Ailene sa Maynila ay pumasok siya kumbento ng Saint Therese na kung saan ang pangunahing layunin ay tumulong sa mga mahihirap na pamayanan sa pamamagitan ng pagtuturo ng katekismo sa mga batang edad anim pataas.
Sa pagpasok ni Ailene sa Kumbento ng Saint Therese ay nakilala niya si Sister Yanie.
“Hi! I am sister Yanie ako pala ang magiging buddy mo dit at makakatulong mo rin sa mga gawain dito sa kumbento”
“Nice to meet you, sister Yani sabi ni Ailene. Alam mo sister Yani ang saya saya ko ngayon kasi sa wakas matutupad ko na rin ang pangarap ko na maging isang madre. Sa totoo lang until now i can’t believe na nasa kumbento na ako at nakadamit na pang madre” Ay!! sister Yanie Nakailang taon ka na dito sa Kumbento ng Saint Therese?
Magdadalawang taon palang sagot ni Sister Yanie.
“Kamusta naman ang experience mo dito tanong ni Ailene kay Sister Yanie”
Sa una nakapanibago pero eventually nasanay na din ako. I find this place my home
By the way, lahat ng novice o bagong madre dito may kanya kanya silang adopted community and nabanggit pala sa akin ni Sister Ana na ikaw ang makakasama ko sa pagtuturo sa mga bata sa Baranggay 458 sa Lungsod ng Maynila ng katekismo” dagdag ni Sister Yanie. Kaso bukas hindi kita masasamahan kasi mag pinapagawa sa akin si Sister Ana”
Kinabukasana nga ay naghanda na si Ailene patungong Brgy. 458.
Habang si Ailene ay patawid sa kalsada papuntang Brgy. 458 ay biglang may isang humaharurot na sasakyan na dumaan at muntik siya nitong masagasaan.
Sa gulat ni Sister Ailene ay napasigaw siya ng “ Sa susunod mag iingat ka dahil makakapatay ka sa ginagawa mo! Ang bata bata ko pa para mamatay. Marami pa akong gusto tulungan at higit sa lahat hindi pa ako ganap na isang madre”
Dahil dito bumaba ang lalaking sakay ng kotse “ hindi ko po kasalanan kong masagasaan kita dahil hindi ka po marunong sumunod sa batas trapiko” Sister bawal ka pa pong tumawid dahil nakared pa po” wika ng lalaking may brown na mata, matangos na ilong at dalawang malalim na dimples.
Dahil dito napahiya si Ailene at sinabing “ alam mo ang yabang mo !! Hindi mo na ko ginalang ! Hello !! hindi mo ba nakikita na madre ako kaya konting respect naman” sabay irap at iniwan ang lalaki