Kabanata 2
Nag-start na siya sa pagta-trabaho sa bar. Seven to twelve ng gabi pasok ko dahil iyon ang pakiusap ko sa manager na bakla. Mabait ito kaya mabilis ko lang nakasundo.
Sabi pa nito hindi ako dapat nagtatrabaho pa sa ganitong lugar. Dahil minor de edad palang ako. Hindi daw halatang eighteen ko na. Malapit na nga ako mag nineteen eh. Kaya taga serve at punas ako ng mga lamesa. Iyon ang unang trabaho ko dito sa bar.
Maganda dito at first time kong makapasok sa ganitong lugar. Napakaganda ang loob. Kada gabi daw may live band hanggang alas onse ng gabi. Mga sikat daw na banda ang nirerentahan dito kaya laging puno ang bar na ito.
May mga uniform din kami at libre iyon. Maganda naman ang damit bumagay sa seksi kong katawan. Kahit ganito lang ako kung tutuusin may ibubuga din naman akong kunting ganda. Sakto lang din ang tangkad ko. At sure akong tatangkad pa kunti.
Kabado siya sa unang sabak niya sa trabaho. Ako na ang naglagay ng make-up sa mukha ko. Kinapalan ko ang paglalagay at naglagay pa ako ng malaking nunal sa may gilid ng labi ko. Para hindi ako makilala ng mga college student na pumupunta sa mga ganitong Lugar. Baka may kakilala o makilala ako ay kukutyain ako ng bongga.
This world nowadays is full of judgemental people. Dirty mind and rude.
Mediyo maayos naman ang pagse-serve ko ng mga inumin. Thankful siya na walang pumapansin o pagtitripan siya na mga lasing. Mabuti na iyon para iwas gulo.
Nagtungo muna siya sa banyo saglit dahil naiihi na siya. May mga ilan din na kababaihan sa banyo at safe siya. Mukhang mga elite na kababaihan ang mga ito dahil ang bobongga ng suot nila. Maseseksi at magaganda pati kutis nila.
Paglabas niya ng banyo ay nagmadali na siyang nagtungo sa counter. Pero nagulat siya ng may nabangga siya. Nainis ako dahil hindi man lang ito nagsorry sakin.
"Hoy! Mister hindi ako pader! Para basta mo na lang ako banggain ng hindi ka man lang nagso-sorry!"inis kong sabi.
Lumingon ito sakin at nangunot pa ang noo. Pero wala naman ito sinabi. Ako na lang ang umalis para wala ng gulo pa. Umirap muna ako dito bago tumalikod. Nakita kong ngumiti ito pero diko sure kung ngiti ba iyon. O, baka sadyang umangat lang ng kunti ang labi. Bahala siya sa buhay niya!
Sobrang busy ang mga nagdaan na mga oras dahil padami ng padami ang mga tao. Pero nakakawala ng antok dahil sa mga magagandang tugtog. Mas lumalakas pa ang energy ko dahil sa mga kanta na kinakanta ng mga banda. Ang ganda ng boses nila sarap ma-inlove sa boses nila.
Napatunganga siya sa gilid habang pinapanood ang kumakanta sa stage.
"Hindi pa tapos ang trabaho mo para tumunganga ka diyan sa tabi!"rinig niya ang baritonong boses na nagpagulat sa kanya.
"Sorry po!"sabi niya ng hindi tumitingin sa lalaking nasa gilid niya. "Ang gwapo kasi ng boses at nakakadala yung boses ng lalaki. Sarap ma-inlove."bulalas ko pa. Habang nakatingin sa harapan.
"Baka gusto mong masesante? Mamili ka?"nahimigan ko ang galit sa boses nito.
"Sorry po. Aalis na ako. I mean magtatrabaho na po ako. Ba-bye po!"agad na akong umalis doon sa tabi nito. Ang bango niya pero takot akong tignan ito. Baka bigla akong bumulagta dito sa kinatatayuan ko.
Patakbo akong nagtungo sa counter ulit parang hiningal pa Ako dahil sa pagtakbo. Tinignan niya ang oras sa relo niya. Alas onse palang may Isang oras pa siya bago umuwi. Sana may masakyan pa siya. Kung wala na pwede ko naman siguro lakarin. May mga ilaw naman sa kalsada at hindi kami sa eskwater area nakatira.
Kahit papano maganda ang bahay nila Tita kahit bungalow iyon pero malaki din naman. Tatakbo na lang siguro siya para makarating agad sa bahay. Sana naman walang mga masasamang nilalang na lalapitan Ako at dukutin. Wag naman po sana God, kawawa ang kapatid ko kapag nawala ako dito sa mundo.
"Hoy! Tulala ka diyan! Mag-serve kana. Baka makita ka pa ni Sir na tutunganga diyan masesante kapa! Sungit pa naman niya."mahina lang pagkakasabi sa huli.
"Sorry."at agad na niyang kinuha ang tray na may lamang alak. Sa VIP ko ito ise-serve so ibig sabihin mga hunk na lalaki ang mga makikita ko? Sana. Pwede din mga model or artista. Yay!
Bumati muna ako bago ko nilapag ang mga alak na orders nila. Nailang siya bigla ng mapatingin silang lahat sakin. Alam kong hindi kaaya-aya ang makapal kong make up sa mukha, idagdag pa ang malaki kong nunal sa gilid ng labi ko.
"Bago ka lang ba dito?"tanong ng isa na mukhang may tama na pero hindi pa naman sila lasing.
"Opo Sir. Kaka-start ko lang po ngayon."magalang kong sagot. Ang sabi kasi ng manager pwedeng sumagot as long as hindi naman ako binabastos.
"Is this mole? Pahawak."akmang hahawakan nito ng may tumabig sa kamay ng lalaki.
"Fake po yan Sir. I mean..gusto ko lang po maglagay ng nunal sa mukha."sabi ko na lang dahil nadulas na ang bunganga ko.
"Sige po Sir, enjoy po kayo at magpakalasing kayo hangga't buhay pa kayo. Bye po!"tumalikod na siya agad.
Narinig pa niyang humalaklak sila sa sinabi ko. Hindi na ako lumingon dahil parang naamoy ko ang pabango na naamoy ko kanina. Isa siguro doon ang Boss namin. Pero hindi ko sure kung Boss nga namin kanina yung nagalit sakin dahil nakatunganga ako. Makikilala din kita Boss stay put ka lang diyan. Sabi ko pa sa sarili ko.
"Uwian ko na!"bulalas ko. Habang nagbibihis ako ng damit. Mabilis kong tinali ang buhok ko at lumabas na ng banyo. Naalis ko na din ang mga makeup na nilagay ko sa mukha pati ang nunal na malaki sa gilid ng labi ko.
"Saan ka uuwi Alora?"tanong ng kasama ko sa trabaho na bago lang din dito.
"Diyan lang ako sa Mandaluyong malapit lang. Pwede ko nga lakarin kung walang masakyan eh."sabi ko.
"Tara sabay na tayo madadaanan ko ang Mandaluyong. May mga masakyan pa naman na jeep last trip."Sabi nito.
"Sige tara na."agad kong sabi. Mabuti na lang mabait ito. Kagaya ko kailangan niyang kumayod para sa nanay niyang may sakit. May mga kapatid pa itong pinapaaral.
Kaya wag akong magreklamo na mahirap ang buhay ko dahil may mas mahirap pa ang sitwasyon ng iba kisa sa sakin. Kahit na wala na akong mga magulang at nagkawatak watak kaming magkakapatid. Panalangin ko lang na healthy lahat ang mga kapatid ko. Lalo na ang bunso naming kapatid na si Ajela.
Mabilis kaming nagtungo sa paradaan ng mga jeep. Puno na ng malapit kami at paalis na sana. Pero nakiusap kami na kung pwede maupo na lang kami sa likod importanti makauwi kami. Pumayag naman ang driver kaya no choice kami kundi maupo sa gitna ng jeep.
"Ayos na ito importante makauwi tayo ng maayos. Kisa maglakad tayo sa kalsada ang dilim at nakakatakot pa naman."sabi ko.
"Oo tama ka. Hindi naman ito nakakahiya. At Isa pa wala na silang pakialam."sabi naman nito.
Napahagikhik kaming dalawa. Isang babaan lang ako. Ito ay mediyo malayo pa ng kunti.
Pagbaba ko ng jeep ay dali-dali akong nagtungo sa gate. Napatda ako ng mabungaran ko si Tito na may kahalikan sa labas ng bahay namin.
"Sh!t! Alam ba ito ni Tita? Ang gago lang talaga ni Tito, bwesit siya!"bulong ko.
Sumiksik Ako sa mayabong na halaman sa tabi nga gate namin. Ng makita kong patungo na sila dito sa may gate. Mabuti at nakita ko sila agad. Baka kung anong gawin nila sakin kapag nabuking ko silang naglalampungan sa labas ng bahay.
Naging alerto ako ng lumabas na sila ng gate. Pero ang mga baboy tinuloy pa talaga nila dito sa labas ang maglampungan. Pumikit ako para hindi ko makita ang ginagawa nila. Ang bababoy nila tangina! Tumigil lang ang mga ito ng may tumigil na sasakyan sa tapat nila at agad na sumakay doon.
Yumuko siya para hindi siya makita ng mga ito. Ang liwanag pa naman ang ilaw ng sasakyan ng sumundo sa kanila. Nang mediyo makalayo na sila ay dali-dali akong nagtungo sa gate at pinuksan iyon para pumasok na sa loob.
Pagod ang naramdaman ko ng makapasok na ako sa loob ng bahay. Ayaw niyang maupo sa sofa baka may bakat ng landian ng mga baboy kanina. Yuck!
Nagtungo siya sa kusina nagtingin siya kung may tirang pagkain pa. Nagulat pa siya ng may magsalita sa likuran niya. Si Tita iyon.
"Tita."
"Kauuwi mo lang ba?"tanong nito na halatang kagigising lang.
"Opo Ta. Wag na po sana kayong gumising okay lang naman po ako."sabi ko.
"Nagtira kasi Ako ng ulam mo. Baka hindi kapa kumakain at hindi mo makita kung saan ko nilagay. Nakalimutan ko din itext sa'yo kanina dahil wala naman akong load pang text sa'yo."malumanay na sabi ni Tita.
"Ayos lang po Tita. Sana nagpahinga na lang po kayo at wag na bumangon pa."nag-aalala kong sabi dahil mukhang pagod na naman ang Tita ko.
Tinitigan ko ito. May sugat na naman siya sa labi. Nalungkot siya at nahabag sa nangyayari sa Tita niya. Lalo na at pinagtataksilan siya ng sariling asawa. Nilapitan ko ito at niyakap ng mahigpit. Natigilan naman ito sa ginawa ko kaya yumakap na lang din ito sakin.
Bahagyan niya akong pinalo sa braso bago ito kumalas sakin.
"Masyado kang madrama."natatawang sabi ni Tita.
Napangiti na din ako. Namiss ko ang mga ngiting ito. Gusto ko na sana malinawagan ito at hiwalayan na si Tito. Napakabait ng Tita ko tapos gagaguhin lang ni Tito. Makakarma din Ang mga walang hiya!
"Pwede ka ng matulog ulit Tita. Kaya ko na ito. Kumain lang ako kahit kunti matutulog na din ako. Alas onse pa naman ang pasok ko po bukas sa school."ngiti ko.
"Sus, 'tong batang 'to. Hayaan mo na at samahan kita na kumain dito. Mamaya niyan hindi na kita makikita at hindi na makakasabay na kumain. Namimiss ka namin ni Ajela."
"Ay grabe ka naman Tita. Hindi naman ako lalayas dito ah."Sabi ko at nagsimula na akong kumuha ng plato ko at kutsara. Lumapit naman si Tita sa may kabinet at kinuha dun Ang Isang Tupperware na may lamang Ulam.
"Kunti lang kunin ko Tita, para may ulamin tayo bukas. Dibale po lingguhan po ang sahod ko sa pinasukan kong trabaho. Ako na po ang bibili ng ilang pangangailangan natin dito sa bahay."ngiti ko kay Tita.
"Wag ka ng mag-abala pa hija, mag ipon ka para sainyo ng kapatid mo. Hindi natin alam ang mangyayari sa mga magdaan araw baka bigla akong mawala. Paano na kayo ng kapatid mo."malungkot nitong sabi na nakatingin sa kawalan.
"Tita, naman wag po kayong magsabi ng kung ano-ano diyan! Walang mawawala! Magkakasama parin tayong tatlo at kapag graduate na ako. Ikaw naman po Tita ang pagsisilbihan ko. Gagawin kitang Reyna dito sa bahay."pinasigla ko ang boses ko para hindi nito mahalata na lumungkot ako at kinabahan bigla sa sinabi nito sa'kin.
"Basta kahit anong mangyari alagaan mo ang kapatid mo ha? Alam mong Mahal na Mahal ko kayo ng kapatid mo. Tinuring ko kayong totoong anak ko. Kaya nalulungkot ako sa nangyayari ngayon sa'min ng Asawa ko. Pati kayo nadadamay na lalo na ang bunso. Nagkakatruama na yata siya dahil sa Tito niyo."malungkot nitong sabi sa'kin.
"Opo Tita alam ko po iyon. Kaya nga da best ka po eh. Mahal na Mahal ka din namin ni Ajela. Pangako ko na pag aaralin ko siya hanggang sa magtapos siya ng kolehiyo. At kapag may maganda na akong trabaho magpapatayo ulit tayo ng panibagong negosyo na gusto mo Tita."
"Salamat hija. Aasahan ko yan."ngumiti ito sakin na may lungkot sa mga mata nito.
"Oo naman Tita. Laban lang wag tayo susuko. Kaya natin ito!"pagpapalakas ko pa ng loob ni Tita.
"Bilisan mo na kumain ng makapagpahinga kana. Bukas mo na yan hugasan."Sabi ni Tita.
"Ito lang naman po. Mauna na kayong matulog Tita sunod na ako. Good night po!"tumango naman ito at nauna ng umalis sa kusina.
Napatingin ako sa likuran ng Tita ko. Mukhang hindi maayos ang lakad nito. May sakit ba si Tita na hindi niya sinasabi samin? Pumayat pa ito ng kunti at parang pagod na pagod ang katawan nito. Sinasaktan ba siya ni Tito o binubogbug? Gago ang walanghiya!
Naalala na naman niya ang kataksilan ni Tito. Alam kaya ni Tita na nag-uwi ng babae si Tito dito sa bahay kanina lang? Pero mukhang kagigising lang naman ni Tita at hindi halata na walang tulog ito. O, baka nagtutulog-tulugan lang siya kanina at alam ang ginagawa ni Tito. Kawawa naman si Tita.
Sobra siyang nalulungkot ngayon para kay Tita.