Kabanata 3

1930 Words
Kabanata 3 Mag isang buwan na ako sa trabaho ko. Masasabi kong napakahirap magpuyat at lalo na ang sumakay ng jeep pauwi. Laging sa paanan ako nakaupo dahil no choice ako. Ang kasama ko dati ay umalis na sa trabaho. Hindi ko alam kung ano ang dahilan bakit siya umalis. Pero may communication parin naman kaming dalawa. Malapit na din ang exam kaya need ko pa ang magreview. May break time naman ako dito mga kalahating oras iyon. Kaya dinala ko ang mga libro at notebook ko para makapagreview ako habang namamahinga. Nandito ako ngayon sa likod sa dulo may upuan doon. Siguro pasadya iyon para sa mga gustong magpahinga at gusto ng katahimikan. Napansin din niyang wala naman madalas pumupunta dito. Kaya dito na lang siya lagi nagtatambay. Ayaw daw nila dito magtambay dahil may nagpaparamdam minsan. Pero hindi naman ako takot sa multo. Pakialam ko sa mga multo. Hindi naman nila ako matutulungan sa problema ko. Kung ang mga multo pa ang iisipin ko. Nagsimula na siyang magbasa. Pasalamat siya dahil may ilaw din dito maliwag at tahimik. Nasa kalagitnaan na siya ng pagre-review ng biglang humangin ng malamig. Nagulat siya pero hindi niya iyon pinansin. "Hindi ko kayo iniistorbo kaya sana wag niyo din ako storbuhin dito. Tahimik lang ako kaya sana tahimik lang din kayo!"mahina kong sabi. At pinagpatuloy na ang pagbabasa ko sa libro. "What are you doing here?!"heto na naman yung boses ng lalaki na nakakatakot. Pero hindi ako umimik. "I'm asking you woman!"galit na ito. "B-breaktime ko po. A-at nagre-review po ako kahit saglit lang. Wala pa namang thirty minutes Sir."sagot ko na kinakabahan. "Hindi mo ba alam na dilikado sa Lugar na ito?! Pwede ka naman sa loob magreview may kwarto naman na para sa mga empleyado dito d'ba?"galit nitong sabi sa'kin. "Lagi po ako dito Sir kapag break time ko. Wala pa namang nangyayari na masama sakin dito. Mga multo lang nagpaparamdam kanina pero ano pong pakialam ko sa mga multo."sagot ko ng hindi nakatingin dito. "Kahit na! Walang makakakita sa'yo dito kapag may masamang mangyari sa'yo. May pinatay silang babae dito banda at pinagbabawal ng may-ari ng bar na ito ang mga taong pupunta dito banda!"inis na sabi nito sakin. Mabilis akong napatayo sa sinabi nito. "Sigurado kaba sa sinasabi mo Sir?. Eh, bakit sabi nila safe naman daw dito sabi ng mga katrabaho ko Sir."simangot ko. "Dahil way back 1990 ba iyon nangyari. Talagang hindi nila alam iyon!"sabi nito at ngumisi pa na parang pinagloloko lang niya ako. At iniwan na niya ako dito. Inirapan ko na lang siya ng makatalikod na. Tinignan ko ang oras saktong tapos na ang break time ko. Sayang ang ilang minuto sa pakikipag-usap ko sa lalaking iyon. Siraulo! Istorbo sa pagre-review ko. Hindi ko alam kung Boss namin ito o hindi. Kagaya ng iba hindi pa nila nakikita ang totoong may-ari ng magandang bar na ito. I mean hindi ko pa nakikita ang kuya ng kaibagan ko. Bawal daw ipakita ang picture nito kapag empleyado ka na sa bar nito. Ang weird naman ng lalaking iyon. Akala mo naman aakitin ko eh. Tsee siya! Lagi akong excited umuwi kapag tapos na ang trabaho ko dito. Para makawala na ako dito sa maingay at amoy alak na Lugar. Amoy pa lang ng alak nalalasing na ako what more kapag uminom na ako ng alak. Nagulat pa siya paglabas niya ng Bar ng makitang malakas ang ulan. Paano ako makakauwi nito ang lakas naman ng ulan. Paniguradong nag-aalala na sakin si Tita. Lagi pa naman itong nagigising pagkauwi ko sa Bahay ng hating gabi. Nag-aalarm daw ito para makita niya akong safe na nakauwi na ng bahay. Patakbo siyang nagtungo sa waiting area ng sakayan ng jeep. Nakakatakot dahil mag-isa na lang ako dito. Wala man lang dumaan na sasakyan ang dilim at ang lamig pa. Nanalangin siya na sana may jeep parin na darating para makauwi na siya sa Bahay. Ayoko naman na maglakad delikado parin kapag ganitong umuulan. Mag-ala una na wala na siyang pag-asa na makauwi. No choice siya kundi maglakad na lang ako. Mediyo humina na din ang ulan tumayo na siya at nagsimula ng maglakad. Napatalon pa siya sa gulat ng may bumusena na sasakyan sa tabi ko. Napatigil ako at natakot na baka kidnapin nila ako. "Get in! Ihahatid na kita."natakot siya sa boses nito na parang galit. Kanina na naman galit na naman ito sa'kin. Dahil lang nakatambay Ako sa likod ng bar. "Ah..eh..wag na lang po Sir kay----" "Pumasok kana sa loob o baka gusto mong masesante sa trabaho mo!"inis nitong sabi sa'kin. "Hindi naman ikaw Boss para sisantihin mo Ako eh."yumuko ako ng makita kong galit na naman ito. "Isang tawag ko lang wala ka ng papasukan na trabaho bukas din." Hindi maaari kailangan kong magtrabaho. Ayokong masesante dahil maayos naman ang trabaho ko dito at malaki pa ang sahod ko. Nakakatulong na ako kay Tita sa unang sahod ko. Kaya hindi ako pwedeng masesante. Agad akong pumasok sa loob ng sasakyan sa likuran nito ako naupo. "Bakit diyan ka sa likod? Balak mo ba akong gawin driver mo? Ang swerte mo naman yata Miss!"galit nitong sabi sakin. "Nakakainis naman ang taong ito ang daming arte. Saan ba ako dapat maupo sa harapan ba ng manibela nito."bulong ko pa sa sarili. "Dito ka sa tabi ko maupo hindi sa manibela ko."sikmat nito. Naloko na narinig nito ang binulong ko. "Pwede mo naman isipin na wala kang kasama dito sa loob. Pinapapasok mo ako dito sa sasakyan mo para ihatid. Tapos ang dami mo pang reklamo. Gusto mo lang yata akong pagalitan dahil nabo-bored kana sa buhay mo! Ikaw ba ang Boss namin sa Bar ha?"lakas loob kong tanong sa stranghero na ito. Ang gwapo pa naman sana niya. Bagay saknya ang manipis nitong balbas sa mukha. Mas naging manly pa siya tignan. Idagdag pa na maganda talaga ang pangangatawan nito. Parang sa mens magazine lang na pinapakita ng kaibigan ko dati. Mga hot and masculine body. Mga magaganda ang katawan, abs, Vshape kung tawagin iyon ng kaibigan ko. Mga muscle nilang nagtitigasan. Sabi ng kaibigan ko masarap daw magpayakap sa ganong katawan ng lalaki. "Are you listening to me!"sikmat nito sa'kin. "S-sorry po. Lilipat na po ako."mabilis akong lumabas at lumipat sa harapan sa tabi nito. May sinasabi na pala ito hindi naman pala ako nakikinig. Pahamak na imagination na yan! Nahiya pa siya ng titigan niya ako ng masama. Imbes matakot ako eh, nahiya pa ako sa mapanuring titig nito sa'kin. "Ilagay mo na ang seatbelt mo!"painis nitong sabi sa'kin. Ang sungit talaga ng lalaking ito. Kay gwapo pa naman sana. Napasimangot siya ng hindi niya mahanap ang seatbelt. "Hindi ko---"nahigit pa niya ang hininga ng bigla itong dumukwang sa harap ko at may kinalikot sa gilid ko. Ito na din ang nagkabit sa seatbelt ko. "Sa-salamat."mahina kong sabi. "Tsk!"iritang pinaandar na niya ang sasakyan nito. Napakaganda ng sasakyan nito. Ang bango-bango pa ng loob. Pero ang lamig hindi ba niya pwedeng hinaan ang aircon sa loob. Nahiya naman siyang sabihin baka pagsungitan na naman siya nito. Nakakarami na ito ng pagsusungit sakin. "Saan ka nakatira?"kinilabutan na naman siya sa seryosong boses ng katabi. Agad naman niyang sinabi ang Lugar nila. Tabing kalsada lang ang bahay kaya madali lang nito iyon mahanap. Hindi na traffic kapag ganitong oras kaya mabilis lang silang nakarating sa tapat ng bahay namin. Bababa na sana ako sa sasakyan nito. Ng makitang papalabas naman ng bakuran ang Tito niya. Kasama na naman niya ang kabet nito. Agad siyang nagtago sa loob ng sasakyan ng mapalingon ang mga ito dito sa gawi namin. "S-sorry po. Pwedeng dito na lang muna ako saglit hanggang sa mawala sila."pakiusap ko. "Sino sila?"tanong nito. "Ang Tito ko at ang kabet nito. Kapag may pera lang sana ako aalis na lang kami diyan sa bahay na 'yan kasama ang Tita ko. Hindi ko na kayang nakikita na pinagtataksilan nito ang Tita ko! Umuuwi na palaging lasing at maraming bisyo. Sinasaktan si Tita kapag wala siyang makuhang pera. Narinig ko pa na nagdu-druga sila ng kabet niya. Natatakot ako sa kapatid ko baka kung ano ang gawin nila dito."galit kong sabi kahit hindi ko pa ito kilala ay naisiwalat ko ang hindi ko dapat sabihin dahil lihim lang iyon. "Sana wag mo na lang isipin ang sinabi ko. Wala na po ba sila?"tanong ko pa. "Nakaalis na sila."simpling sagot nito. Naupo na siya ng maayos at nagpasalamat sa paghatid nito sa akin. Nagmamadali na akong lumabas na ng sasakyan. Patakbong nagtungo na sa gate ng bahay namin. Ramdam niyang nakatingin parin ito sakin pero pinagsawalang bahala niya lang. Gusto na niyang makapasok sa loob at tignan kung maayos lang ang Tita at kapatid niya. "Tita I'm home!"Sabi ko. Pumasok na ako sa kusina namin. Nakita ko doon si Tita umiiyak ito. Hindi niya yata narinig ang pagtawag ko sa kanya. "Tita."tawag ko sa kaniya. Naawa ako sa kalagayan nito. Kung pwede lang na ilayo ko na siya sa gagong asawa nito ay ginawa ko na. Kaso ewan ko ba kay Tita, kahit alam na nitong nambabae si Tito sige parin ang pagkamartir. Nailing ako. "Nandiyan kana pala hija."nagpunas ito ng luha sa mukha. Tinititigan ko si Tita kita ko ang pasa sa labi nito. May bakat pa ng kamay sa pisngi nito. Sanhi siguro ng pagsampal ni Tito o ang kabet nito ang bakat sa magkabila pisngi ni Tita. May kalmot pa ito sa leeg. Mas lalong nahabag na naman siya sa nakikita ngayon. Nag away kaya sila ng kabet ni Tito? Napaluha na siya sabay yakap kay Tita. "Sinaktan ka din ba ng babae ni Tito ha, Tita? Wag mo ng ipagtanggol pa Ang Asawa mo Tita. Sobra na ang ginagawa nila sa'yo. Baka hinuthutan ka na naman nila ng pera. Aba, sobra na sila na ikaw nagpapakahirap maghanap ng pera! Tapos sila nagpapakasarap sa perang kinikita mo."hindi ko na mapigilan na ilabas ang galit ko. "Ayoko na!"hagulhol nito sa bisig ko. "Aalis na tayo dito Tita. Ayoko ng makita ka ulit na may mga pasa dahil sa pananakit ni Tito sa'yo. Nandito pa naman kami ng kapatid ko. Hinding hindi ka namin iiwan Tita. Tama na ang paghihirap mo sa walang puso mong asawa. Please Tita makinig ka sakin!"umiiyak ko na din na sabi. "Baka patayin ako ng asawa ko kapag umalis tayo dito. Baka madamay pa kayo ng kapatid mo."bakas ang galit sa boses nito. "Magtago tayo Tita. Uuwi tayong Quezon Province malapit lang naman dito doon eh."suggestions ko. "Idadamay niya ang pamilya ko doon hija! Pinagbantaan niya ako kanina. Kung aalis tayo dito saan tayo magtatago. Ayokong madamay kayo sa gulong ito hija." "Pwede natin silang sampahan ng kaso. Ipapapulis natin sila Tita. Lalo na sa pananakit nila sa'yo at sa harap harapan nilang panloloko sayo Tita. Magpatulong ka sa mga kamag-anak mo Tita. Mayaman naman sa buhay ang mga iyon d'ba? Yung mga kapatid mo pa po." Umiling iling ito. "Ginawa ko na iyan dati noong nalugi ang negosyo namin. Pero hindi nila ako pinansin o kahit tulungan man lang sana nila ako."lumuluha nitong sabi sa'kin. "Ang sama naman pala ng mga ugali nila Tita. Hayaan mo po magsusumikap ako para sa'yo at para sa kapatid ko. Makakaalis din tayo dito at mamuhay ng tahimik na tayong tatlo lang."sabay yakap sa kaniya. Naligo muna ako bago kumain. Gagawa ako ng paraan para makaalis kami dito sa bahay na ito. Nagpapakahirap ang Tita ko sa pagta-trabaho. Tapos ang gagong asawa lang nito ang gagastos sa perang hindi naman nito pinag hirapan. Napakagago nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD