Kabanata 4

1458 Words
Kabanata 4 Exam na nila ngayon at hindi siya makapagpokos sa exam nila. Dahil sa sobrang galit ko at inis kay Tito kaninang umaga. Akala mo hari kung makapag-utos. 'Yung perang binigay ko kay Tita kinuha niya. Nag-away pa kami na kamuntikan niya akong sampalin. Napatigil lang ng sinabi kong ipapakulong ko siya kapag sinaktan niya ako. Hindi ako nagpatalo dahil sa galit ko sa kaniya. Galit na galit itong umalis ng bahay dala ang perang pinaghirapan ko. Na sana para kay Tita dahil siya ang nagba-budget ng gastusin dito sa bahay. Bayad ng kuryente, tubig at gasol namin siya ang nagbabayad. Mga pagkain namin araw-araw siya din nagpo-provide sa'min. Mabuti na lang Ako na Ang nagbayad sa kuryente at tubig namin kahapon. Kundi baka pati iyon tangay ni Tito. Pakiramdam niya may masamang nangyayari na hindi niya mawari. Pero pinilit niyang magpokos sa exam. Dahil kapag bumagsak ako dito mawawalan siya ng scholarship. Baka hindi ko na maituloy pa ang pag-aaral ko. "Miss Delaney, are you okay?"tanong ng professor namin. "Yes Sir."sagot ko at nagpokos na sa exam namin. Sana lang talaga makapasa siya. Mag third year college na siya next year. Mag working study na lang siguro ako, kung hindi na kaya ni Tita na paaralin pa Ako. Ayos lang iyon dahil kawawa naman na si Tita. Kailangan ko lang talaga magsumikap para tulungan ko din sa kabaitan nito sa'min ng kapatid ko. Gagawin ko ang lahat mabigyan ko lang din ito ng maayos na pamumuhay. Deserve ng Tita namin ang maayos na buhay. Pagkatapos ng exam ay agad-agad akong umalis ng paaralan. Kinausap ko lang saglit ang kaibigan ko. Pinaliwanag ang bumabagabag sa kalooban niya. Kaya hindi na niya ako kinulit pa. Baka nakauwi na din ang kapatid niya. Half day lang kasi ang pasok sa paaralan kapag sa manila ka nag-aaral. Elementary palang ito pero marunong na itong umuwi mag-isa kapag uwian na. Hinahatid ko kasi ito sa umaga sa paaralan nito bago ako pumasok din sa pinapasukan kong university. May tumatawag sa cellphone ko pero hindi ko magawang sagutin dahil nakasakay na ako sa jeep. Nagchat na lang ako sa kapitbahay namin na tumatawag sakin. Na nakasakay Ako sa jeep at pauwi na ng bahay. Ang reply lang niya ay 'bilisin mo! nandito lang kami para sainyo.' Yun lang ang reply nito. Hindi na ako nagreply pa. Mababait ang mga kapitbahay namin kahit papano. Pagbaba ko palang sa jeep ay parang may kakaiba na akong nararamdaman. Hahakbang palang ako ay nakarinig na ako ng ambulance at police patrol na paparating. Kinabahan na ako. Tita ko? Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Kaya nagmadali siyang pumasok sa loob ng bakuran namin. May mga tao na sa bakuran namin na nakiki-usyoso. "Ate!"umiiyak na patakbong lumapit sakin ang kapatid ko. Mas lalo akong kinabahan tumingin ako sa kapitbahay namin na ando'n. "A-ano pong n-nangyari a-ate?"utal kong tanong. Naaawa na naluluha na din ito habang umiling-iling. Alam ko kasing close ito ni Tita. Kaedad lang ni Tita ito at ate ang gusto nitong itawag namin sa kanya. "Bumalahaw ng iyak iyang kapatid mo kanina, hija. Parang natutuliro na hindi alam ang gagawin ng pumunta siya sa bahay kanina. Halos hindi siya makapagsalita sa pag iyak at takot. Kauuwi lang niya galing paaralan. Dahil hindi niya masabi ang gusto niyang sabihin sa akin. Nanginginig itong hinila ako papasok sa bahay niyo at..at...iyon nga..n-nakita...n-nakita..ko..nakita kong na..nakab!gti na ang T-tita niyo sa kesami ng kwarto niya."humagolhul na ito. Umiiyak na ito habang nagsasalita. Napatda siya sa narinig na halos panawan siya ng ulirat. Bumitaw siya sa kapatid at patakbong pumasok sa loob. Pero hindi siya pinayagan ng mga pulis na pumasok. Dahil kinakalas at inaalis pa lang daw ang Tita niya sa pagkakatali sa kisame. Pero nagpumilit ako na pumasok at wala silang nagawa. Pagpasok ko palang sa kwarto nito ay nakita ko ng naibaba na nila. Marahan na nilapag sa kama nito. Patakbo akong lumapit sa kama at malakas akong humagolhul. Niyugyog ko pa ang magkabilang balikat ng Tita ko. Ginigising kahit alam kong wala na itong buhay. Humagolhul na naman ako. Mahigpit ko itong niyakap na halos magwala na ako sa kakaiyak. "Bakit mo kami iniwan Tita!"umiiyak niyang sigaw. "Hindi pa ako nakakabawi sa kabutihan mo sa'min ng kapatid ko. Gumising ka.. gumising kana Tita! Hindi pwedeng iiwan mo na lang kami ng ganito basta-basta..Titaaaa!"sigaw na niya kasabay ang malakas na pag-iyak niya. Niyugyog pa niya ang balikat nito ng ilang beses habang tinatawag ang pangalan ng Tita niya. Pinigilan siya at pinipilit na ilayo sa wala ng buhay na katawan ng Tita niya. Ng mailayo na siya ay doon naman siya nawalan ng malay dahil sa kakaiyak. **** Nang magising siya ay nandito na ako sa kwarto namin ng kapatid ko. Napabalikwas siya. Pakiramdam niya nanaginip siya pero parang totoo naman ang nangyari. Nalilito siya nasa school lang ako kanina tapos umuwi ako ng maaga at...at wala ng buhay si Tita ng maabutan ko dito sa bahay. Hindi... hindi totoong wala na si Tita. Hindi maaari kung meron man mamatay dapat ay ang Tito niya iyon hindi ang Tita kong napakabait. Naglandas na naman ang luha sa mga mata niya. Sakto naman na bumukas ang pinto at nakita ko ang matalik na kaibigan ni Tita at ang kapatid ko na napakalungkot nila. "A-ate..."garalgal ang boses nito na tawag sakin. "Si Tita? Hindi totoong patay na siya d'ba?"umaasa parin siyang hindi pa ito namatay at panaginip lang ang lahat. Pumasok na sila ng tuluyan sa kwarto at lumapit sila sa akin. Agad akong niyakap ng kapatid ko. Ramdam ko parin ang nginig sa katawan nito at malakas ng kabog ng dibdib nito. Alam kong malaki ang impact nito sa nangyari dahil ito ang unang nakakita kay Tita na nakabitin sa kisame. "Kung sana nakinig sakin ang Tita niyo na iwan na ang asawa nito. Hindi sana nangyari ang ganito sakniya."malungkot na sabi ng kaibigan ni Tita. "Sinasabi ko din kay Tita na aalis na kami dito. Kaso natatakot siya na baka madamay kami at papatayin daw siya ni Tito. Pero...p-pero bakit naman ginawa niya ang ganito sa sarili niya."umiiyak na ako. "Ng nasa paaralan kayong dalawa narinig kong nag-aaway na naman ang mag-asawa. May mga kalabog sa loob ng bahay kaming naririnig. Ayaw naman namin makialam dahil away mag-asawa iyon. At magsasabi din naman sakin ng problema ang Tita niyo. Pero nagulat ako ng umiiyak ng malakas itong kapatid mo ng pumunta sa bahay. At ayon na nga hindi na namin siya naabutan na buhay. Gago talaga ang asawa niyang iyon. Ito ang may kasalanan ng lahat ng ito eh."galit na sabi ng kaibigan ni Tita na si Melanie. "Siya ang dapat mamatay e, hindi ang Tita namin!"galit niyang sabi. "Tama ka hija. Napakawalang hiya niyang tao! Gago siya!" "Wag lang siyang magpapakita sa'min dahil ipapakulong ko siya!"inis kong sabi. "Paano na tayo ate?"malungkot na sabi ng kapatid ko. "Nandito naman ako. Magtatrabaho ako para masuportahan ko ang pag-aaral mo. Hindi ka pababayaan ng Ate."yakap ko sa kaniya. "Sabihan niyo lang ako mga hija, kung may maitutulong ako."mahinahon na sabi ng ginang. "Salamat po Ate, pero marami na po kaming utang sainyo. Nakakahiya na lahat na lang iasa namin sa iba. Titigil na muna ako sa pag-aaral para mabuhay kaming dalawa ng kapatid ko. Alam kong hindi sang-ayon si Tita sa gagawin ko. Pero no choice ako kundi tumigil sa pag-aaral muna. At ang kapatid ko na muna ang magtutuloy ng pag-aaral."determinasyon kong sabi. "Kaya Mahal na Mahal kayo ng Tita niyo. Dahil napakabait niyo din na mga pamangkin. Alam kong proud na proud sainyo ang Tita niyo sa anomang tagumpay na maaabot niyo balang araw. Ipagdarasal ko araw-araw ang kaligtasan niyong magkapatid."sabay yakap sa'min ng kapatid ko. "Maraming salamat po." "Wag kayong mag-alala dahil tutulong kami sa pagpapalibing sa Tita niyo. Marami kaming mga kaibigan niya ang tutulong sa gastusin."napaluha siya sa sinabi nito. Dahil sa totoo lang hindi niya alam saan siya kukuha ng pera. Para pang gastos sa pagpapalibing ni Tita. Nagpasalamat siya ulit sa ginang at iniwan na muna kami saglit ng kapatid ko. Babalik daw siya kapag dumating na ang labi ng Tita nila. Ng nakaalis na ang kapitbahay nila ay nag-iyakan silang magkapatid habang magkayakap. Inusisa ko din ito paano niya nakita ang Tita namin. Pero mas nanginig lang ito sa takot at mas lumakas pa ang pag-iyak nito. Kaya hinayaan ko na muna ito at hindi na nagtanong. Ina na ang turing namin kay Tita. Lalo na ang bunso namin na walang nakagisnan na mga magulang. Sobrang close ang mga ito. Kaya alam kong sobrang sakit ito para sa kapatid ko. Magpapakatatag ako Tita para sa kapatid ko at hidni ako titigil hangga't hindi nakukulong ang gagong asawa mo Tita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD