Kabanata 5

1913 Words
Kabanata 5 Isang linggo lang naming nilamayan ang labi ng Tita ko. May mga ilang kamag-anak kaming dumating. Pero hindi sila sakin nagtanong o kinausap man lang sana. Kay Ate Melanie sila nakibalita sa nangyari. Si Ate Melanie din kasi ang tumawag sa mga kakilala niyang kamag-anak ni Tita. Dahil wala naman akong kontak sa mga kamag-anak namin sa Quezon Province. Mga kapatid ni Tita ay ngayong last night lang sila dumating lahat. Kahit ang mga pinsan niya ay dumating sila. Pero ni isa sa kanila walang pumansin sa'min ng kapatid ko. Inisip ko na lang na ang pinunta nila dito ay ang kapatid at Tita nila hindi kami ng kapatid ko. Naiintindihan ko naman na hindi kami belong sa pamilya dahil mahirap lang kami. Kaya kakaiba sa lahat ang ugali ni Tita sa mga kapatid nito. Super bait ni Tita at matulungin, itinuring niya kaming mga anak niya. Hindi niya kami pinabayaan hanggang sa huling hininga niya. Kaya sobrang sakit para sakin na sa Isang iglap nawala bigla ito sa mundo. Hindi pa ako nakakabawi sa kaniya tapos mawawala Na siya agad sa'min. Napaluha na naman siya. Nasa tabi lang kami ng kapatid ko. Tahimik na nakaupo at nagmamasid sa paligid. Sobrang lungkot din ng kapatid ko dahil sa trato nila sa'ming dalawa. Excited ito kanina na makita ang mga pinsan niya. Pero nawala ang saya nito ng sinabing wag kaming lumapit sa kanila. Dahil hindi naman kami belong sa kanila. "Ate, akala ko ba mababait sila ayon na rin sa kwento ni Tita. Bakit iba naman yata ang trato nila satin?"malungkot na tanong nito sakin. "Mahirap kasi tayo at wala na ang parents natin. Ayaw kasi nila si Tatay para kay Nanay. Pero pinili parin ni Nanay ang Tatay natin kaya nabuo tayong magkakapatid dahil sa pagmamahalan nila."pero iniwan din kami na parang mga aso. Hindi man lang nila nagawang i-secure ang buhay naming magkakapatid. Iniwan na lang nila kaming basta-basta ng mga magulang namin. Kagaya din ng ginawa ng Tita namin sa'min ni Ajela. Naulit muli ang ganitong senaryo na walang paalam na basta nalang sila namatay. Narinig niyang nag-iiyakan na ang mga kapatid ni Tita. Sa isip niya ang paplastik nila. Noong humihingi si Tita ng tulong sakanila hindii sila namamansin. Pero heto sila ngayon nakikiluksa, nakikidalamhati na akala mo totoong mahal nila si Tita. Ang paplastik niyo! Gusto kong isigaw pero mas pinili ko na lang na manahimik dito sa tabi. Marami Ang mga tao dahil last night na. Kanina lang din pumunta ang kaibigan ko kasama ang ilang kaklase namin para makiramay sa'min. Nagpadala din ng bulaklak ang pinagtatrabahuan niyang club bar noong unang araw palang ni Tita. Nagpaabot pa sila ng kunting tulong financial at mga grocery para sa ipakain sa mga bisita. Kaya super thankful siya sa Boss nila. Kahit hindi niya pa ito nakikita at hindi pa alam ang pangalan. Pwede din daw ako mag leave muna. Kung gusto ko daw bumalik doon ay welcome parin daw ako. Kaya nagpasalamat ako ng sobra-sobra sa kanila. Parang noong Isang araw nakita ko din yung lalaking naghatid sakin. Isang beses na pumunta dito sa lamay pero sa labas lang. Sakto naman na nasa labas ako that time hinihintay yung delivery na pagkain. Hindi niya ako nakita dahil busy ito sa kausap sa phone nito. Kunwari na lang din hindi ko nakita. ***** Pagkatapos ng libing ay umuwi na ang ilan sa mga kamag-anak namin. Pero ang mga kapatid nito ay namalagi sa bahay pa ni Tita. Kawawa kami ng kapatid ko na utos utusan lang nila kami. Hindi kami nagreklamo at sumasagot. Ayaw ko ng sagutan o sumbatan dahil kamamatay lang ni Tita ko. Respeto na lang din kay Tita. "Nararapat lang iyan sainyo! Dahil malas talaga kayo sa buhay ng kapatid namin!"galit na sabi sa'min ng isang kapatid ni Tita. Ito talaga ang isang kapatid ni Tita na mediyo masama ang ugali at matapobre. Hindi ako umimik. Mas maganda na ito kaysa sumagot ako. Inakay ko na lang ang kapatid ko na lumabas ng bahay. May mga upuan naman sa labas at ando'n ang mga pagkain. Alam kong nagugutom na ang kapatid ko ayaw lang nito magsabi. "Hija, ayos lang ba kayo?"nag-aalala na tanong sakin ni Ate Melanie. Tumango lang ako. "Pakakainin ko lang ang kapatid ko Ate. Pwede na kaya kaming kumain din po?"tanong ko pa. Kahit pwede naman kaming kumain. Nakakahiya lang kasi na baka pagalitan kami ng mga Tita namin. "Aba'y oo naman sino may sabing bawal kayo kumain? Hala kumuha na kayo ng pagkain niyo do'n. Wag niyong pansinin ang mga masusungit niyong mga Tita at Tito."irap pa nito sa hangin. Sa lamesa na kami nila Ate Melanie kami pinaupo. Mabilis na kumain ang kapatid ko. Baka daw makita kami ng mga Tita namin at pagalitan kami. Ganito ito kapag nakikita niya ang Tito namin. Mabilis itong kumain pero pinapagalitan naman siya ng Tita namin. Namiss ko na agad ang Tita Angela namin. Tama nga ang kapatid ko. Galit nga ang dalawa naming Tita. Lumapit pa talaga sila sa lamesa namin. Bakit daw kumakain na kami hindi pa daw tapos ang trabaho namin. "Pamangkin mo sila Jona, para gawin mo silang katulong mo!"sabad ni ate Melanie. "Hindi ko sila pamangkin!"sikmat agad nito. "Hindi naman pala. Ide hayaan mo silang kumain."pabalang na sagot ni Ate. "Sila ang dahilan kaya namatay ang kapatid namin!"galit ng sabi ng isa ko pang Tita. "Kayo ang dahilan at ang gagong asawa ng kapatid niyo! Wag kayong mambintang ng basta-basta! Dahil ang dalawang batang ito ang kasama ng kapatid niyo sa hirap at sa ginhawa. Anong ginawa niyo ng humihingi siya ng tulong sainyo?! Pinagtabuyan niyo ang kapatid niyo! Alam niyo kasing wala na kayong mahingi na pera sa kapatid niyo. Dahil bankrupt na ang negosyo nila ng dahil sa gagong asawa niya!"inaawat na siya ng Asawa niya. Pero hindi ito nagpaawat. "Hayaan mo akong ilabas ang inis ko sa mga kapatid ng bestfriend ko!"sita niya sa kaniyang Asawa. "Tapos heto kayo ang kakapal ng mukha niyong mag iyak-iyak sa kabaong ng kapatid niyo! Ngayong alam niyo naman sa mga sarili niyong pinabayaan niyo siya! Hindi matutuwa ang kapatid niyo sa ginagawa niyo sa mga anak niya! Respeto naman sa kapatid niyo!"sigaw ni ate Melanie. Hindi sila nakaimik sa sinabi ni ate Melanie. Mukhang napahiya pa sila dahil namula ang mga mukha nila. Gusto kong palakpakan si ate sa sinabi nito. Pero tahimik lang kami ng kapatid ko na magkahawak kamay pa. Mukhang maiiyak na naman ang kapatid ko dahil sa awayan na naririnig nito. Nagkakatruama na yata ang kapatid ko. Kawawa naman. Padabog silang umalis sa harapan namin. Huminga ng malalim si Ate Melanie. Malungkot itong tumingin sa'kin. "Tama pala ang Tita Angela mo iba ang trato nila sainyong magkakapatid. Napakabait ng Tita niyo dahil kinupkop niya parin kayo. Sa kabila ng pagtutol ng mga pamilya niya. Marami siyang kwento sakin kaya alam ko ang lahat. Magpakatatag ka hija Alora, ikaw na lang ang kasama ng kapatid mo. Alam kong gagabayan ka ng Tita mo sa itaas. Maging matapang ka lang sa lahat ng pagsubok na darating sa buhay niyong magkapatid."nakakaunawang sabi sa'kin ni Ate Melanie. "Maraming salamat sa pagtatanggol mo sa'min ng kapatid ko Ate Melanie. Kagaya ni Tita Angela, napakabait niyo din po samin ng kapatid ko. Tatanawin kong malaking utang na loob ang pagtulong niyo po sa libing ng Tita namin."maluha-luha kong sabi. "Basta kaya ko hija tutulong ako. Ang Tita mo ang tumulong sakin noong hirap na hirap pa kami sa buhay. Hindi niya ako tinuring na iba at hindi niya ako iniwan noong panahong lugmok ako. Kaya malaki din ang utang na loob ko sa Tita niyo."madamdamin nitong kwento sakin. May sasakyan na huminto sa tapat ng bahay namin. Hindi ko kilala ang lumabas sa loob ng sasakyan na lalaki. Mediyo may katandaan na ito. May hawak itong suitcase ba tawag doon? Nag isip pa siya pero hidni na lang niya pinansin kung tama. "Good day!"bati nito ng makapasok na sa loob. "Ako si Attorney Donato Mantez, Nandito ba ang pamangkin ni Angela Orteza na si Alora Delaney?"seryoso nitong tanong sa mga tao dito. "Nandito siya attorney, anong kailangan mo sa kaniya?"tanong agad ni ate Melanie. "I need to talk to her in private?" "Pero nandito po ang mga kapatid ni Tita Angela po Sir."mahina kong sabi. "Baka pwede ko po siyang samahan attorney?"presinta ni Ate Melanie. "Okay para may witness just in case na may tututol."agree nito. Inakay ko na din ang kapatid ko para marinig din niya ang anomang sasabihin ni attorney tungkol kay Tita. Pagpasok namin sa loob ng Bahay. Ay naabutan namin ang mga kapatid ni Tita Angela busy na nag-uusap ang mga ito. Mukhang seryosong seryoso ang pinag-uusapan nila. Pangatlo si Tita Angela sa magkakapatid. Lalaki ang panganay at si Nanay ang pangalawa sa magkakapatid at may tatlo pa kaming mga Tita. Bali Anim silang lahat na magkakapatid. May maganda silang lahat sa buhay maliban lang kay Nanay. "Anong kailangan nila?"tanong ng Isang Tita niya. "I just want to talk to Alora, para sa bilin ng Tita niya saknya. I'm rushing kaya kailangan ko ng mag simula." May bakanteng upuan pa doon at dun pinaupo ang attorney. Kami naman ng kapatid ko nakatayo lang kami sa gilid. Dahil si Ate Melanie Ang naupo sa Isa pang upuan. Habang nagsasalita ang attorney ay ramdam kong naiinis at galit ang mga kapatid ni Tita. Hindi sila makapaniwala na sa'min ng kapatid ko ang bahay na ito. At nasecure na ni Tita Angela na walang sino man ang pwedeng magbenta ang bahay na ito. Dahil pamana nito sa'min ni Ajela. Kahit pa ang asawa ni Tita walang karapatan. Ang titulo ng lupa at bahay ay safe na nakatago. Makukuha ko lang daw iyon kapag nasa tamang edad na ako. Mga hinuhulugan ni Tita na mga insurance kasama na ang ilang pa, ay kami din ni Ajela ang beneficiary nito. Kaya kami lang din ang pwedeng kumuha ng iniwan ni Tita para sa'min. Naluha ako na parang naghahanda na talaga itong mawala sa mundo dahil sa mga naririnig ko sa attorney. Nahihirapan na lahat lahat ay ang kapakanan parin namin ng kapatid ko Ang iniisip nito. Pagkatapos ibinasa ng attorney ang bilin ni Tita. Ay binigyan niya Ako ng calling card para just in case daw pwede ko siyang tawagan. Nangmakaalis na ang attorney ay galit na galit sila samin ng kapatid ko. Halos gusto na nila kaming saktan dahil sa inis at galit nila sa kapatid. Wala man lang daw itong iniwan para sa Mama nila. Baka kapag nandito si Lola baka kanina pa niya kami sinabunotan na magkapatid. Lahat kasi ay sa'min ng kapatid ko nakapangalan. Alam kong magagalit din Ng sobra sa'min si Tito. Pero anong magagawa namin ng kapatid ko. Hindi naman namin ginusto na sa'min ibibigay ni Tita ang Bahay nito. Hindi rin naman namin kasalanan iyon. Sa hapon din iyon ay umuwi na lahat ang kapatid ni Tita Angela dahil sa inis at galit. Kaya ang ending ay naiwan kami ng kapatid ko na dalawa lang kami dito sa bahay. Lahat ng pwedeng mapasukan ng tao ay ni-lock nilang dalawa ng kapatid. Sana lang hindi uuwi dito ang Asawa ni Tita. Baka saktan niya kami lalo na ang kapatid ko. Hindi ko ito nakita kahit man lang sa libing ni Tita, takot sigurong ipakulong namin ito. Baka nga wanted na ito eh. Sana talaga makulong na ito para safe na kami ng kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD