Kabanata 16

2551 Words
Kabanata 16 Daven POV Maaga akong pumunta sa bahay nila Alora, dahil sa excited akong makabonding sila. Iba yung sigla na nararamdaman ko ngayon. I really want to close to them. Dahil pakiramdam ko ilang na ilang pa sa akin si Alora. Wala din naman kasi akong magandang pinakita sa kaniya dati. Noong nagtatrabaho pa ito sa club bar ko. Kagigising lang din siguro nito ng lumapit ako sa bahay nila. Bahagyan pa itong nagulat sa pagdating ko. Napatitig ako sa mukha nito. Maganda ito no doubt. Kahit hindi na mag ayos o mag paganda she's still pretty. Kahawig ito ng modelong kaibigan ng girlfriend ko. Maayusan lang ito at madamitan ng maganda mapagkakamalan ng magkapatid ang mga ito. Pero magkaiba sila ng surname. Normal lang na may magkakahawig na di magkakaano ano. Kaya kahit tanungin ko pa ito baka hindi rin nito kakilala. "Good morning Alo."bati ko. "Magandang umaga po."mahina nitong sagot. Mukhang nahihiya ito sa presinsya ko. Kahit hindi niya sinabi na uupo ako sa kubo nila. Ako na ang nagkusa. Prenti akong naupo doon sa balcony ng kubo nila. Pinapanood ko lang ang bawat galaw nito. Nilalagay nito sa Isang sako ang mga damit siguro nila na lalabhan sa ilog. Sakto lang naman iyon sa dami. Tinigil ko na ang panonood sa ginagawa nito. Nahiga na muna ako sa papag na gawa sa kawayan. Iniisip ko kung paano nila nakayang makasurvive sa pang araw-araw nila. Ang bata pa nito ay ang laki na ng obligasyon niya sa buhay. Lalo na sa dalawang bata na binubuhay nito. Pasalamat na lang talaga siya dahil may kasama silang mag asawa dito. Bahagyan akong nagulat ng magsalita ito. "Ahm... gusto mo bang magkape? O, nagkape kana ba? Nagkakape ka ba?"tanong ni na parang nahihiya pa. "Don't mind me. Nagkape na ako bago pumunta dito. Salamat."sagot ko. "Ah.. okay sige." Ng may maalala ako ay bumangon na ako sa pagkakahiga ko sa papag. "Alora?"tawag ko sa kaniya. "Bakit?" "Ilang taon na kayong naninirahan dito?"tanong ko. "Ahm.. maglilimang taon na siguro." "Paano mo nalaman ang lugar na ito?"usisa ko pa. At iyon na nga nagkwento na ito. Sinabing napadpad lang sila dito ng kapatid nito. At dito sa kubong ito sila sumilong noong umulan sa gabing tumakas sila sa Tito nila. Dito na din sila tumira na magkapatid. Hindi ko pinansin ang sinabi dati Ng secretary ko. Ang sabi lang kamag-anak ng caretaker ko ang mga ito. Nang sinabi nitong tumutulong sila sa bukid ay pumayag ako agad. Hindi na ako nag-usisa pa o tinanong ang mga pangalan o kahit ano. May tiwala ako sa secretary ko kaya hinayaan ko na itong magdecide minsan. Si Alora pala ang tinutukoy ng secretary ko. Si Mang Doro din pala ang nagpasok kay Alora sa Sevenity Club. Ang liit ng mundo at parang pinagtatagpo kami ng tadhana. At kahit hindi ko na ipa-dna ang bata sigurado na akong akin ang batang ito. But, I still want to do DNA test just in case na hindi maniniwala si Alora sa akin. But for now, dahan-dahanin kong kukunin ang tiwala nila sakin. Gusto ko maging close ko ang mga ito not because of her son. Dahil gusto ko na mapalapit sa kanila. I don't know, kung bakit ko sila gustong makaclose. I also want to help her sister for her study. Naputol ang pag uusap namin ng marinig namin ang anak ko na umiiyak. Masarap sa pakiramdam ang katagang anak ko. Sa ngayon sa isip ko na muna sasabihin ang anak ko. It's feels good also na tinawag niya akong Papa the first time we met. At nakakataba ng puso. Kinuha ko na agad ang bata sa kaniya para ako na ang maghugas sa bata. Hindi ba ito gumagamit ng pampers sa gabi? Tanong ko pa sa sarili. Pero bakit pa ako napapatanong e, umihi na nga sa higaan di ba? Sabi ko pa sa sarili. Masaya ang bata na nakikipagkwentuhan sa akin habang nasa hapagkainan na kaming dalawa. Ng makita ko ng naghahaing na sila ay agad din akong tumulong na mag ayos sa lamesa. Umawat sa mga pagkain na dinadala ni Aje sa hapag. Nagutom ako bigla sa amoy ng miki guisado. Hindi ako kumakain ng ganito masyado. Bihira lang. Pero dahil luto ni Alo, try kong kainin ang Miki na luto nito. Ako ang nag-insist na bumili kahapon. Narinig ko kasi na gusto ni Aldave ang Miki kaya agad akong bumili. Alam kong nahihiya ito kahapon. Pero ng makita kong tuwang tuwa ang dalawang bata ay masaya na din Ako. Masaya ako na nakakatulong sa kahit na simpling bagay lang. Matagal na daw na hindi sila nakakapasyal sa Mall. At si Aldave hindi pa nakaapak sa Mall, kahit sa pagpasok sa Jollibee para kumain hindi pa nito naranasan. Kaya mag set ako ng date para sa dalawang bata. Ipapasyal ko sila sa sky ranch at Robinson tagaytay. Pinag-pray ni Alora ang anak namin bago kami kumain. Wait! What?. Did I say anak namin? Gulat ko pang sinabi sa sarili ko. Buti walang nakapansin dahil nananalangin pa ang bata. Ang girlfriend ko lang ang dapat maging Ina sa mga magiging anak ko. Kaya winaksi ko sa isipan ko ang mga katagang 'Anak namin' ni Alora. Dahil may girlfriend na ako. Nagpokus na Ako sa bata. Na-amaze ako sa panalangin ng bata. Bulol pa pero napaka daldal na niya. Ang cute niya manalangin. Napapangiti ako. Aaminin kong masarap ito magluto. Simple lang pero masarap ang lasa ng luto nito. Naparami yata ng kain ko. Nang marinig kong nagpapagawa ng sandwich si Aldave ay Ako na agad ang gumawa para sa kaniya. Gusto kong ako din ang mag asikaso sa bata. Mabilis ang mga galaw nitong naghugas ng mga pinagkainan namin. Simple lang ang kubo na bahay nila. Pero malinis naman ito at hindi makalat ang mga gamit nila. Masinop lahat ang kagamitan nito. Ang alam ko nasa twenty two or twenty three na ang edad nito. Ang bata pa nito para sa napakalaking obligasyon na nakaatang na sa kaniya. Nabuntis ko pa ito. Dagdag problema na naman nito ang mga gastusin para sa anak nito. Nakokonsensiya tuloy ako sa ginawa ko. Noon ko pa naiisip na baka nabuntis ko ito. At heto na nga ang ebidensiya. Paanong nakalimutan kong gumamit ng condom dati. May dala nga akong tatlong piraso dati pero ni isa hindi ko man lang nagamit. Tsk! ***** Ilog Panaka naka akong tumitingin sa kaniya habang naglalaba. Gamay na gamay na nito ang ginagawa. Ang ganda din niya tignan kahit magulo ang buhok nito. Maluwang ang damit nito pero hindi halata ang dibdib at hindi din kita ang cleavage. Tsk! Nagiging manyak ka na naman self. Mamaya mas lalong mailang sa'yo si Alora. Sita ko sa sarili ko. Dahil presinsya ko palang naiilang na ito. Naalala ko na naman na hindi naman pala niya alam ang pangalan ko. Hindi man lang ba ito nagtanong tanong dati sa Club Bar ko. Nailing siya bigla. Naglatag ako ng plastic bago nilagay ang dahon ng saging. Si Ajela nag request na mag boodle fight daw kami. Kaya ako na ang nag arrange sa pagkain namin. At sinabihan ko ito na tulungan na niya ang ate nito. Tapos na ako sa ginagawa ko. Nakita kong nagtulongan ang magkapatid na buhatin ang isang timba na may lamang nilabhan nilang damit. Agad ko silang tinulungan at dinala sa tinuro ni Alo, na pwesto. Tipid akong ngumiti ng magpasalamat ito sa akin. Nalaman ko na din ang lahat ng dahilan. Kaya tatawag ako mamaya sa headquarter para ipa-imbestiga ang Tito nila. He deserve to be in prison for the rest of his life. Kita ko sa mga mata nito ang halo-halo imosyon. Masasabi kong napakatapang ang dalagang ito. Dahil nakakaya niyang labanan ang hamon ng buhay. Napakatatag nito at tibay sa lahat ng pagsubok sa buhay nilang magkapatid. "Kumusta ka dito?"tanong ko at hindi pinansin ang sinabi nito. "M-maayos naman ako kami ng kapatid ko at anak ko."sagot nito. Marami akong tanong sa kaniya. Sinasagot naman nito at nagkukwento kung paano sila tumakas sa tiyuhin nila. Nabanggit pa nito na bininta nito ang sarili. Sa gabi din na iyon ay kamuntik na din magahasa ang kapatid nito. Kaya pala nagmamadali itong umalis sa gabing may nangyari sa'min. Na kahit alam kong nasaktan at napagod ko ito parang walang nangyari. And confirm na anak ko nga ang batang si Aldave. Ipa-dna test ko na lang para may katibayan. Mas kamukha ni Alora ang bata. Pero sigurado akong mata ang nakuha ng bata sa akin. We both same eyes even the shape and color. Nagulat ako kami pareho ng malakas na nagsalita si baby Aldave. Nakita niyang hinalikan ko ang Mama niya. Pakiramdam ko napahiya Ako at nahuli kami ng tatay nito. Mabuti na lang nakaisip agad Ako ng idadahilan. Tinawag ko din ito na lumapit. Nagugutom daw ang bata kaya naghalungkat ako sa basket na dala ko. May mga tinapay pa naman na natira kaya ginawan ko na siya ng tinapay. Pero Wala kaming dalang gatas nito. Kaya tubig na lang ang iinumin namin dahil ubos na ang juice na dala ko. Nagising na din ang kapatid nito. Natawa kami sa pag tawag nito ng maliit na matanda kay Aldave. Nagreklamo naman ang batang makulit. Nakikinig ako sa masamang napanaginipan daw nito. Don't worry Aje, safe kayo dito sa Lugar na ito. Sabi ko sa isipan ko. Naligo kaming tatlo ulit sa ilog habang si Alora nanonood lang samin. Ayaw nitong maligo dahil tapos na daw ito kanina. Nagulat kami bigla sa malakas na kulog. Napayakap pa sa akin si Ajela at Aldave sa gulat at takot. Kaya umahon na kami agad at sinabi kay Alora na uuwi na kami. Iiwan ko na ang tent dito hindi yan masisira matibay yan. Nagkagulatan pa kami ng lumapit siya sa likod para kumuha ng damit ng dalawang bata. Habang ako ay naghuhubad ng damit. Napangisi ako ng tumalikod ata ito sa akin. Aalis na sana Ng hinila ko ito. Pero nag sungit lang ito sakin. Pero no hindi pwede ang sinasabi mong last na ito. Hindi Ako dapat lalayo sa inyo. Aasahan mong madalas ako sainyo para kay Dave. Gusto kong close din kaming dalawa ng anak ko. Pagkarating namin sa bahay nila ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. May kasama pang kidlat at kulog. Ramdam kong takot ang dalawang bata. Naalala ko yung kwento nitong gabi sila tumakas at biglang umulan at parang ganito din. May kasamang kidlat at kulog. Kaya no wonder takot si Ajela sa kulog at kidlat. "Pumasok ka na muna dito sa loob. Ahm..baka mabasa ka kasi diyan sa labas."nahihiya na naman ito. Paano ko ba mawawala ang pagkamahiyain niya sa akin. Ang awkward kasi sa pakiramdam. Parang pati ako nahihiya na din. Pero hindi ako nag dalawang isip kaya pumasok na ako agad. May isang dorabox lang na gamit nila sa loob. Ang iba ay mga karton na nagpatong patong sa tabi. Isa lang din ang bentana nila ayos na iyon dahil hindi naman mainit masyado dito. Nakita ko itong nagsindi ng kandila. May patungan naman iyon kaya safe sa sunog. "Papa Daven, dito ikaw tutulog po?"tanong ni baby Aldave. "Hindi siya dito matutulog anak. Dito lang muna siya kasi malakas pa ang ulan sa labas. Hindi pa natin nakukuha mga gamit sa sasakyan niya, anak."singit agad ni Alora. "Ay. Pero pwede po siya dito tulog Mama?" "Hindi siya kasiya dito anak. Baka hinahanap na siya ng girl--." "Kasiya tayong apat dito."singit ko na. Kailangan pa bang banggitin nito ang girlfriend ko. "Wala kaming gamit pang bisita na kumot at unan. Wala kaming kutson at wala kaming kahit na ano dito. Alam mo naman na simple lang ang buh---" "Okay lang ate na dito si Kuya Daven matutulog muna. Natatakot po ako. Wala pa naman sila Nanay at Tatay dito eh."mahinang sabat ng kapatid nito. "Nandito naman ako, Aje."pero sa akin nakatingin at umirap pa. Napangisi na lang ako. Dahil pakiramdam ko wala itong kakampi sa ngayon. Parang gusto kong pasalamatan ang ulan at kulog, dahil gusto Ng mga bata na dito ako matulog. Sanay naman ako sa ganito. Mas mahirap pa ang training namin dati bago ako naging ganap na secret agent. Sa bundok kami natutulog kapag may operation kaming gagawin. "Gusto ko din Mama na dito tutulog si Papa Daven. Plits po. Saka uulan Mama baka mabasa si Papa Daven sa labas wawa naman siya."kinonsensiya tuloy siya ng bata. Napapangiti na lang ako. "Bahala na nga kayo! Magluluto na muna ako ng hapunan. Tsaka tignan ko lang mga gamit sa labas baka nabasa na lahat."sabi nito at lumabas na sa bahay nila. Bago ito lumabas ay kinuha na muna nito ang cellphone nito. Meron pala itong cellphone makuha nga ang number niya. "Miss pwede makuha ang number mo?"biro ko. Napalingon agad ito sa gawi ko. "Wala akong number mister!"sagot nito agad may irap pang kasama. Pero nag ring ang cellphone nito at may tumatawag yata sa kaniya. Sinagot naman nito agad ang tawag. "Hello po Nanay. Kumusta po kayo diyan? Miss na daw kayo ni makulit na bata."rinig kong sabi nito sa kausap. Baka yung matanda na caretaker ko ang kausap nito. "Ah okay po Nay. Kelan po balik niyo dito po?"tanong pa nito. Sa isip ko sana hindi na muna sila babalik dito. "Gano'n po ba? Pagaling ka po Nay. Ayos lang po kami dito. Baka isasama ko na lang sila sa trabaho ko bukas po." "Baby ko halika kausapin ka daw ni Nana at Tata."tawag nito sa anak niya. Excited naman na lumapit si baby Aldave sa Mama nito. At excited na kinakausap ang mag asawang caretaker ko dito. Naki-join na din si Ajela. Mukhang namiss nga talaga nila ang mag asawa. Salamat sa mag-asawang ito dahil sa kabutihan nilang loob. May taga alalay at gabay sa mag kapatid at sa anak namin. Ng tapos na silang nag usap ay nalungkot ang dalawang bata. Siguro hindi pa makakauwi ang mga ito dito. Sumaya naman siya bigla. Ibig lang sabihin na wala pa silang makakasama dito. Lumapit na ang mga ito sa gawi ko. Dahil lalabas si Alora para mag luto daw. Nakita kong naglatag ng banig si Ajela baka matutulog ito. Tinignan ko yung oras at alas kwatro mediya palang naman pala ng hapon. Pero parang gabing gabi na dahil sa klima. Malakas parin ang ulan at kumukulog na lang minsan. Nasa gilid na si Ajela nakahiga sa nilatag nitong banig. Tinawag nito si Dave na kakandong sa akin na mahiga sa tabi nito. "Higa din ikaw Papa Daven?"tanong pa ng bata. "Okay lang Kuya, gamitin mo na muna ang unan ni Ate. Mabango naman."sabi nito sabay amoy pa. Kahit amoy laway pa gagamitin ko parin yan. Sa loob-loob ko. Nakita ko itong naglabas ng bagong kumot sa may karton. Binigay iyon sa akin. Mabango naman at hindi amoy nakaimbak ng matagal sa karton. Inaantok ako dahil sa klima. Kaya nahiga na din ako sa tabi ni Dave. Napangiti ako ng yumakap agad sa akin ang bata. Ano kaya ang reaksyon nito kapag nalaman niyang ako ang Ama niya. Ngayon palang Ang saya na ng pakiramdam ko. Pero nawala iyon ng maalala ang girlfriend ko. May usapan pala kami ngayon na mag dinner sa Sweetie the Pooh restaurant. Gusto daw niya doon kumain ng beefsteak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD