Kabanata 15
Nakahiga sa loob ng tent ang tatlo habang ako ay nagtutupi ng mga nilabhan ko. Naayos ko na lahat ng gamit namin pati ang mga basura. Para mamaya uuwi na lang ang gagawin at wala ng iniisip na ibang trabaho. Pinapanatili ko parin na malinis at wag magkalat dito sa ilog. Dahil napakaganda ang Lugar na ito.
Kung pwede lang sana na magpatayo kami ng Bahay dito. Pero delikado din minsan dahil noong bumagyo muntik ng maabot ang bahay nila Nanay Lucy ang baha. Mabuti na lang at mediyo mataas pinagtayuan ng bahay namin.
Naghuhumming ako habang nag tutupi Ng mga damit. Nagulat pa Ako ng naupo si Daven sa harapan ko. Hindi ko man lang napansin ang pagdating niya dito sa kinauupuan ko. Na-conscious ako ng matiim niya akong tinitigan. Naiilang ako at hindi mapakali. Bakit ba lumabas ang lalaking ito sa loob ng tent.
"B-bakit nandito ka?"Iwas kong tanong dito.
"Kumusta ka dito?"iyon ang naging sagot naman nito sa tanong ko.
"M-maayos naman ako kami ng kapatid ko at anak ko."sagot ko. Katahimikan ang namayani sa'ming dalawa. Hindi niya alam kong bakit siya kinakabahan. Hindi siya comfortable sa presinsya ng lalaki.
"Anong dahilan ng pagtakas niyo ng kapatid mo sa tiyuhin niyo?"usisa nito.
"Ahm..."napatingin ako sa kaniya. Atubili siya kong sasabihin niya o wag na lang.
"You can trust me, Alora."malumanay nitong sabi sa'kin.
"Uhm.. m-minolestiya ng Tito namin ang kapatid ko. W-wala ako sa oras na iyon dahil..d-dahil.."tumingin ako sa kaniya. Nahihirapan akong sabihin ang sekreto ng buhay ko. Bumuntong hininga ako.
"Makikinig ako."sabi nito.
Yumuko ako dahil naiiyak ako. Kapag naaalala ko ang kamuntikan ng pagkahagasa ng kapatid ko.
"W-wala ako sa oras na iyon sa Bahay. D-dahil may pinuntahan ako. Kung nagtagal pa ako ay baka nagahasa niya ang kapatid ko. Napatda ako sa nakita kong ginagawa ng Tito ko sa kapatid ko. Hindi makasigaw ang kapatid ko para makahingi ng tulong sana. Dahil may nakatutok sa kaniya na kutsilyo sa tagiliran. Dahil sa galit ko pinokpok ko siya ng plorera sa ulo. Hindi pa ako nakontento pinagpapalo ko siya ng baseball bat. Nakatago lang ang baseball bat sa kwarto namin ng kapatid ko, just in case may gumawa samin ng masama."huminga ako ng malalim dahil parang sariwa pa ang sakit na nakaraan na iyon sa buhay namin ng kapatid ko.
"Sa gabing iyon ay tumakas kami agad. Naglakad kami ng napakalayo. Kahit sobrang sakit ng katawan ko dahil katatapos ko lang nakipag...."napatigil ako. Pero nandito na at nasimulan ko ng sabihin. Bahala na kung huhusgahan niya ako. Wala naman akong pakialam. Dahil pakiramdam ko ay tamang disisyon ang ginawa ko.
"N-nan-nakipagtalik ako sa taong hindi ko kilala. I-ibig kong sabihin bininta ko ang sarili ko kapalit ng malaking halaga. Para makatakas kami sa puder ng Tito namin. Ginawa ko iyon dahil binabalak nila akong kunin. Para ibenta sa mga dayuhan at pagkaperahan nila ako. Kaya kahit kasalanan ang ginawa ko pakiramdam ko tamang disisyon parin iyon. Kaya kahit ganito ang nangyari sa buhay namin ng kapatid ko. Masaya parin ako dahil naligtas ko ang kapatid ko. Tapos dumating pa si Aldave sa buhay namin. Siya ang nagpapasaya sa'min ng kapatid ko."napaluha na ako sa mahaba kong kwento kay Daven. Pinunasan ko kaagad ang tumulong luha sa pisngi ko.
"Kumusta na ngayon ang kapatid mo?"
"Maayos na siya ngayon kasi nagagawa na niyang makipag usap sa mga lalaki. Dati ilag siya at natatakot. Ayaw niya kausapin dati si Tatay Doro, dahil sa isip niya pare-pareho lang silang lalaki. Mabuti at nakikipag usap na din siya sa'yo."Sabi ko.
"Anong pangalan ng Tito mo?"tanong nito.
"Fred Radiguez po."sagot ko.
"Ipapaimbestiga ko ang Tito niyo kong buhay pa ito. O, nakakulong na. May na rid kasi kaming mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang alam ko bahay niyo iyon dahil minsan na akong nakapunta doon. Noong hinatid kita sa Bahay niyo."sabi nito.
Pinaalala pa talaga nito ang pagsusungit niya sakin. Kahit sa paghatid nito sa'kin pinagsungitan ako. Sumimangot ako ng maalala iyon.
"Wala naman karapatan si Tito sa bahay na iyon. Sa amin Ng kapatid ko ipinamana ni Tita ang bahay. At bawal ibenta ng kahit na sino, ayaw ko sana umalis sa bahay namin. Dahil marami kaming ala-ala ng Tita namin sa bahay na iyon. Pero ayaw naming madamay sa magulong mundo ng Tito namin. Lalo na at ginawan niya ng hindi maganda ang kapatid ko."nalungkot na naman siya ng maalala ang Tita niya.
"Sana...sana namatay na lang din siya sa pagpalo ko sa ulo niya. Pero ayaw ko parin naman na sa mga kamay ko siya mamamatay. Ayaw kong magkasala. Mas gusto ko parin na pagdusahan niya ang mga kawalanghiyaan nitong ginawa sa Tita at kapatid ko. Sana nakakulong na siya. Dahil kapag hindi baka balikan niya kami. Baka madamay pa ang anak ko."may pag aalala kong sabi.
"I'm sorry for asking so many questions. Sisiguraduhin kong safe kayo dito sa tinitirhan niyong bahay."malumanay nitong sabi sa'kin.
"Salamat. P-pero sana wag mo akong sisingilin sa mga tinulong mo sa'min ng kapatid at anak ko. Wala akong maibabayad sa'yo."nahihiya ko pang sabi.
Namula ang pisngi ko ng marinig ko itong bahagyan na tumawa. Marunong din pala itong tumawa. Kaya napatingin ako sa kaniya. Napatitig ako ng makitang nakangiti parin ito. Ang cute Ng mga ngipin nito mas maputi pa sa ngipin ko. Ang gwapo pala niya kapag nakangiti. Sumimangot siya ng dumako ang mata niya sa labi nito.
Nagyuko siya agad ng ulo ng maalala ang pagkain nito sa labi ko. Noong nagtatrabaho pa ako dati sa Bar Club. Gago kasi ang lalaking ito na basta na lang nanghahalik buwiset siya eh! Ngumuso ako ng humalakhak ito.
Nagulat pa ako ng lumapit ito sa akin.
"A-anong ginagawa mo?"utal ko pang tanong. Napaurong pa ako sa kinauupuan kong bato.
Napamulagat siya ng siliin niya ako ng halik sa labi. Ang bilis naman ng galaw ng lalaking ito. Hindi ako nakagalaw sa gulat. Heto na naman ang paraan nito sa pagkain nito sa labi ko. Sa katagal na ng panahon ngayon lang ulit ako nahalikan. Last na halik ko iyong gabing beninta ko ang sarili ko sa lalaking hindi ko kilala.
"Papa Daven, bakit mo halik Mama ko? Wag mo halik Mama ko!"malakas na sambit ng anak ko.
Agad kaming nagkahiwalay ni Daven. Bigla akong nahiya sa sarili na hinayaan kong halikan niya ako. May fiancee na ito hindi dapat ako nagpapahalik sa lalaking ito.
"Sorry little boy. Malungkot at umiiyak kasi ang Mama mo, little boy. Kaya hinalikan ko na para hindi na malungkot."paliwanag ng magaling na lalaking ito. Tinawag pa niya itong lumapit. Agad naman itong lumapit sa'min.
"Bakit Ikaw iyak Mama?"nag aalala naman na tanong ng anak. Lumapit pa ito sa akin at nag smack din sa labi ko may tunog pa. Napahagikhik naman ako sa ginawa nito.
"Ayan okay na ang Mama mo."singit naman ni Daven. Lihim ko siyang inirapan. Ngumisi lang ito.
"Gugutom ako Mama ko. Gusto ko gatas Mama."lambing niya sa'kin.
"Wala tayong dalang gatas dito baby ko."sagot ko naman.
"Come here little boy. Maghalungkat tayo ng pagkain dito."tawag ni Daven dahil nasa tabi lang nito ang basket na may pagkain pa. Dala nito iyon kanina.
Agad naman lumapit ito kay Daven at nagpakandong pa. Hinayaan ko na lang silang dalawa. Pinagpatuloy ko na ang pagtutupi ko ng mga damit namin. Nilalagay ko sa balanggana para hindi madumihan. Hindi ko ito bubuhatin ngayon dahil may sasakyan naman ang lalaking ito.
"Hello sa lahat."bati ni Ajela na kagigising lang din.
"Hello Tate ko, kakain ako napay. Gusto mo din?"tanong pa nito.
"Oo syempre maliit na matanda pagkain yan eh."sagot naman nito. Napahagikhik ako at natawa din si Daven sa sinabi ni Ajela.
"Ay Tate naman eh."reklamo ng anak ko.
Natawa na lang din ang kapatid ko at lumapit na sa amin dito sa kubo. Pasalampak siyang naupo at nakatingin sa akin. Parang may gustong sabihin kaya inunahan ko na siya.
"Bakit Aje?"
"Nakapanaginip ako ng masama eh."sabi nito.
"Ikwento mo."sabi ko.
"Naglalakad daw kami ni Dave papuntang waiting shed para hintayin ka namin doon. Excited kaming lumapit sa'yo ng makita ka namin. Pero may humintong sasakyan sa tapat mo at dinukot ka nila. Agad ko daw hinila si Dave at nagtago sa damuhan. Ang weird di ba Ate?."
"Imagination mo lang yan."sambit ko.
"Paano na kami ni Dave Ate kapag may dumukot sa'yo?"nag-aalalang sabi nito.
"Panaginip lang iyon Ajela. Hindi madudukot ang Ate mo. Nag-iingat ako palagi para sainyo ni Dave."marahan itong tumango.
"Wag na mag-isip ng kung ano-ano ha. Mag merienda kana baka gutom lang yan."Sabi ko.
"Tate oh, napay mo po."sabay abot ng anak ko ang loaf bread na dala ni Daven kanina. Kinuha naman agad ni Ajela.
"Salamat baby namin."Sabi ni Ajela at tumabi sa akin. Kumagat na muna ako sa tinapay niya bago na nito kinain na. Masarap yung palaman na dala nito. Gusto ko sana tanungin kaya lang nahiya naman ako.
Naligo ulit ang tatlo sa ilog. Habang ako ay inilalagay ko na ang mga gamit namin sa iisang lagayan. Para mamaya diretso na lang sa kotse. Pinapanood ko lang sila na masayang lumalangoy. Nagulat ako sa biglang pagkulog ng kalangitan at may kasama pang kidlat. Napayakap naman ang anak ko at si Ajela kay Daven sa gulat.
Agad silang umahon sa tubig at lumapit sila sa akin.
"Mukhang uulan na. Tara ng ilagay mga gamit sa sasakyan ko."sabi ni Daven. Pero hindi niya maibaba ang anak ko dahil hanggang ngayon mukhang natakot sa biglaang pagkulog.
"Karga ka muna kay Tate Ajela mo anak. Magbubuhat lang kami ng gamit para makauwi na tayo."Sabi ko. Pero pati si Ajela natatakot din at kinakabahan.
Binuhat ko na ang mga nilabhan ko at inunang inilagay sa likod ng sasakyan ni Daven. Habang naka sunod naman sakin ang anak ko at kapatid ko.
"Ajela, pumasok na muna kayong dalawa sa loob ng sasakyan. Para hindi kayo matakot safe kayo sa loob."mahinahon na sabi ni Daven.
"Pero basa po kami Kuya. Mababasa ko po ang upuan sa loob ng sasakyan mo Kuya."alanganin na sabi ni Ajela.
"Ayos lang matutuyo din naman iyan. Tsaka leather naman ang upuan. Pasok na kayo."Sabi pa nito.
Kinuha ko ang towel at binalabal ko sa kanilang dalawa. Bago sila pumasok sa loob ng sasakyan. Kapag ganitong may kulog at kidlat ay nasa tabi na lang ang kapatid ko. Pati ang anak ko ay takot din minsan sa kulog. At kapag ganitong malakas ang ulan ay sa Bahay nila Tatay Doro kami nakikitulog. Hindi naman kami mababasa dito. Ang kapatid at anak ko lang ang inaalala ko. Takot sila sa malakas na ulan at kulog.
Nagtulong na kami ni Daven na ipasok sa loob ng sasakyan ang mga dala namin.
"Ang tent mo? Hindi mo na ba yan babaklasin?"tanong ko. "Ambon palang naman. Ako na ang bahalang magbuhat ng mga ito."sabi ko.
"Iiwan ko na yan diyan para may gagamitin kayo ulit. Kapag nagtungo ulit kayo dito sa ilog. Hindi yan masisira matibay yan."sagot nito. Magsasalita pa sana ako. Pero binuhat na nito ang ilan sa mga gamit namin. Napasunod na lang din ako dahil kumulog ulit.
Tinignan ko ang dalawa sa loob ay magkayakap ang mga ito. Basa pa pala Ang dalawa kaya lumapit ulit ako sa likod ng sasakyan ni Daven. Nagulat pa Ako ng saktong naghubad ito ng damit ito. Napatalikod ako bigla sa gulat. Nagbibihis pala ito shems, nakakahiya.
"S-sorry."mahina kong sabi.
Aalis na sana siya sa likod ng sasakyan ng hinila niya agad bigla. Bahagyan akong napatili. Pagkaharap ko sa kaniya ay hinampas ko siya sa braso.
"Anong ginagawa mo? Hindi tayo close para basta mo na lang ako hilain o halikan. Sana last mo na ang pagpunta dito. Ayoko na masasanay ang mga bata sa presinsya mo. Tatanawin kong malaking utang na loob ang mga tinulong mo sa'min ng family ko."lakas loob kong sabi. Nagsalita ulit Ako ng akma itong magsasalita.
"Pero sana wag mong kuhanin ng buong buo ang loob Ng mga bata. Dahil masasanay sila at baka hahanap hanapin ka nila. Hindi rin maganda na palagi kang nandito. O, di kaya'y pumupunta dito dahil may girlfriend kana. Ayaw ko na magalit sa akin ang girlfriend mo. Tahimik lang na buhay ang gusto ko at ayaw ko ng gulo. Nakikiusap ako sa'yo."
"I just want to help you with the kids. And I'm sorry, sa mga aksyon ko towards you. But I love doing it."sagot nito at ngumisi pa. Wala din silbi ang pakiusap ko langya.
Sumimangot ako at kumuha na ng mga damit ng dalawa sa loob. Dahil nilalamig na silang dalawa. Pagkakuha ko sa mga damit ay iniwan ko na agad ito doon. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Nagpakarga agad sakin ang anak ko.
"Magbihis kana ng damit Ajela. Kahit ang damit mo lang. Sa Bahay kana magbihis ng maayos para hindi ka lamigin."sabi ko. Bihisan ko na din ang anak ko na mukhang nilalamig na din.
Pagkapasok ni Dracula dito sa loob ng sasakyan nito ay pinaandar na nito agad ang makina. Napayakap ulit ang anak ko ng kumidlat at kulog ulit.
Pagkarating namin sa bahay ay bumagsak na ang malakas na ulan. Mabuti at hindi mahangin ulan at kulog isama pa ang kidlat.