Kabanata 14

2759 Words
Kabanata 14 Alas syete palang nandito na si Daven. Nag hahanda palang ako ng mga dadalhin namin sa ilog eh. Ba't ang aga naman niya pumunta dito? Nagkape na kaya ito? Wait may kape pa ba kami? Or nagkakape ba ito? Marami itong dala na kung ano-ano. Baon daw namin sa ilog mamaya. Tulog pa ang dalawa kaya sinimulan ko ng ilagay sa sako ang madumi namin mga damit. Pinapanood lang niya ako sa mga ginagawa ko. Wala naman itong imik nakatingin lang ito sa bawat galaw ko. Naiilang ako pero hindi ko na lang pinansin. Wala naman siguro itong masabi sa kusina namin at munting kubo namin. Dahil malinis at organise naman lahat ang gamit ko sa kusina. Ang mga kaldero ko at palayok lahat nakabitin sa taas at sa baba naman ang mga Plato, kutsara at baso. May takip naman iyon at malinis. Ang lutuan namin ay ginawa ni Tatay Doro. Pati ang palikuran namin ay ito ang gumawa. Tinulungan na lang namin ito para mabilis matapos noon. Kaya marami akong pasasalamat at utang na loob sa mag asawa. Kami na ni Ajela ang nagpatag sa lupa nag hakot ng mga lupa para magpantay ang taas. Nanguha din kami ng mga maliit na mga bato sa ilog. Para ilagay sa daan papuntang banyo namin. Hindi ako nakatiis nilingon ko siya. Nakahiga na ito sa papag sa pinaka balcony ng kubo namin. "Ahm...gusto mo bang magkape? Nagkape kana ba? O, nagkakape ka ba?"nahihiya kong tanong. "Don't mind me. Nagkape na ako bago pumunta dito. Salamat."sagot nito. "Ah, okay sige."sagot ko. Nagsimula na akong magsaing. Nang nakasaing na ako ay naghiwa naman ako ng sibuyas at kamatis. Gusto daw kasi nila ng tortang talong ulam nila sa umaga. May mga gulay na binili nito kahapon. Pati pansit miki na may kasamang sahog na. Iluluto na din niya iyon may tinapay naman na i-partner sa pansit miki. Baka lang gusto nito. May cooler box itong binili kahapon para daw sa amin. Nahihiya ako kahapon dahil ito ang gumastos sa lahat. Matalim itong titingin sakin kapag tinatanggihan ko siya na magbayad sa pinamili. Ang dami pa niyang binili na mga damit ng anak ko at kapatid ko. Mga sapatos nilang dalawa sandals at tsinelas na din. Bagong bag ng anak ko at si Ajela. Kahit tumanggi ako ito parin ang nasusunod. Kaya di na lang ako kumontra pa. Pasalamat na lang din siya dahil mura ang bilihin sa palengke kumpara sa Mall. Hindi ko pa pala naipasyal sa Mall ang anak ko. At least si Ajela nakakagala kami noon kasama namin si Tita. Hinahayaan ko na lang siya kahapon sa mga binili niya. Heto malaking utang na loob ko na naman saknya dahil sa mga bigay nito. At hindi ko alam kung paano ako makakabawi dito. Siguro ipagluluto ko nalang ng pagkain na gusto niya. Pero hindi ko naman alam ang gusto nitong mga pagkain. Nag-iisip siya kung ano ang idagdag niya sa ulam nila. May tortang talong na at pansit miki guisado. Dalawang tray ng itlog ang binili nito kahapon. Kaya naisipan niyang mag egg omelette na lang siya. "Okay na ito may tinapay pa naman."kausap niya sa sarili. Ah, magprito pa siya ng luncheon meat para sa pansit miki at tinapay. Busy na siya nagluluto ng tortang talong ng magsalita si Daven. Napaigtad pa ako dahil sa pagkagulat. "Alora?" "Bakit?" "Ilang taon na kayong naninirahan dito?" "Ahm..Mag lilimang taon na siguro."sagot ko. "Paano niyo nalaman ang lugar na ito?"usisa nito. "Napadpad lang kami dito ng kapatid ko..nung..noong gabing tumakas kami sa Tito namin. Sumakay kami sa isang truck na nagdideliver ng mga semento. Nang tumigil ang sasakyan sa tabi dahil siguro umihi ang driver. Agad kaming bumaba ng kapatid ko kahit napakadilim at nakakatakot. At iyon nga naglakad kami ng lakad kong saan kami dalhin ng mga paa namin. Sa mga oras na iyon umulan bigla may kasamang kidlat at kulog. Una nagsilong kami sa puno ng mangga."sabay turo ko sa mangga sa malapit lang sa kubo namin. "Tapos ng kumidlat at nagliwanag ang kapaligiran nakita namin ang maliit na kubong ito. Wala pa itong dingding dati open lang siya at may bubong lang. Dito kami sumilong kahit mababasa parin naman kami. Wala kaming ibang mapunta noon. Tapos nakita kami ng mag Asawa kinaumagahan dito. Nakiusap ako kung pwedeng dito na muna kami tumira. Pinayagan naman nila kami pero Ang sabi ni Tatay Doro at Nanay Lucy. Para daw hindi na kami singilin ng may Ari ng lupa o magbayad ng renta dito. Pwede kami tumulong sa gawaing bukid sa kabilang lupain."mahaba kong kwento na nahihiya. Kahit hindi ko pa ito lubusang kilala ay parang may nag-udyok na magkwento dito. "Natrabaho kayo sa taniman?"tanong nito. Tumango ako. "Oo, mga magagaan lang ang alam namin gawin ng kapatid ko. Ang mag bunot ng mga damo sa pananim ng mais at sa gulayan na din. Kasama namin si Nanay Lucy. Pero noong malaman kong buntis pala ako. Hindi na ako pumupunta sa bukid. Diyan na lang ako sa lupain na iyan nagbubunot ng mga damo."turo ko ulit sa bakanting lupa na walang mga tanim. Tumingin din ito sa mga tinuturo ko. "Laging nililinisan ni Tatay Doro ang bakanting lupa na iyan. Malawak kaya minsan tumutulong kami ni Ajela. Si Nanay Lucy ang taga bantay sa anak ko noon. Nakiusap din sila Tatay at Nanay sa secretary daw ng Boss nila. Kung pwede na dito na lang muna kami tumira. Ayos lang daw at siya na daw ang bahalang magsabi sa boss niya. Kaya nagpapasalamat parin ako dahil hindi pa nila kami pinapalayas dito. At salam----"napatigil ako ng marinig kong umiiyak ang anak ko. "Mama ko.."iyak nito. Baka umihi na naman ito sa higaan niya. Agad akong lumingon at lumapit sa anak ko. Inunahan ko na si Daven at nakakahiya dahil umihi nga Ang anak niya sa higaan na naman. "Good morning baby ko. Nako umihi ka na naman sa higaan mo. Hali ka maghugas kana muna. Nagluluto si mama baka masunog ang niluluto ko."Sabi ko sabay karga sa anak ko. "Morning morning Mama ko."paos pa na sambit nito at yumakap sa akin. "Papa Daven?"malakas pa nitong sigaw ng makita niya si Daven. Nagising bigla ang diwa nito pagkakita kay Daven. Nagliwanag pa ang mukha. "Bumati kana kay Kuya Daven anak. Bago kita hugasan at palitan ng damit."utos ko. "Papa Daven po Mama hindi Kuya."pagtatama pa nito. "Oo na anak." "Morning po Papa Daven."matinis nitong bati. "Good morning little boy."magiliw naman nitong bati sa anak ko. "Ako na ang maghugas sa kaniya. Baka masunog ang piniprito mo."presinta nito. Ayaw niya sana dahil nakakahiya pero kinuha na niya sakin agad si Dave. Wala na akong nagawa pa. Tinuro ko nalang ang paliguan namin. Maraming tubig naman doon kaya wala ng problema pa. Nagising naman na si Ajela kaya nagpakuha na muna ako ng damit ni Dave at yung towel nito. Dahil busy na ako sa pag luluto. Hinuli kong niluto yung pansit Miki. Habang niluluto ko ito ay hinugasan ko na muna ang mga gagamitin naming mga Plato at kutsara. Pinaayos ko na din kay Ajela ang lamesa namin. Gawa din ni Tatay Doro ang lamesa namin na gawa sa kawayan. Parang Japanese style pasalampak kaming nakaupo sa gawa ng kawayan naming balcony. Matibay naman ang pagkakagawa namin nila Tatay Doro kaya walang problema. Ito ang pinakasala at kainan namin. Open space iyon na may harang lang na kawayan din sa magkabilang gilid. "Mama gusto ko po gatas ah."sabi naman ng anak ko at nakaupo na sila ni Daven sa hapag. "Opo baby ko." "Ikaw po Papa Daven ano gusto mo inom? Si Tate gusto niya melo si Mama kope at gatas po."daldal ng anak ko. Lumingon ako sa kaniya. Nakatingin lang din ito sakin. Parang nahiya din siguro ito. Ang awkward ng pakiramdam hindi naman kasi kami close nito. Kaya nakakailang ang makipag usap sa kaniya. Nakatunghay lang din ang dalawang bata at hinihintay ang sagot ni Daven. "Black coffee two teaspoon will do. Thank you."sabi nito. Tumango lang ako. "Mama ano po sabi ni Papa Daven?"hindi rin chismoso itong batang ito ano? "Maitim na kape ang gusto ni Kuya Daven. Dalawang sukat ng maliit na kutsara lang. Parang sayo puti lang walang asukal. Si Kuya din itim at walang asukal. Kapag pinagsama ang itim na kape sa gatas mo. Parang sa iniinom na ni Mama mo."mahabang paliwanag ni Ajela. Natawa ako ng bahagyan. "Ah okey po Tate. Kope at Gatas sama-sama parang kulay ko na diba iyon Tate."humagikhik pa silang dalawa ng Tita niya. Narinig ko din na tumawa si Daven. Nagtimpla na ako ng gatas ng anak ko. Nilalagay ko pa iyon sa bote dahil sayang kapag matapon niya ulit. Milo si Aje at kape with creamer naman sa akin at kape naman kay Daven. Tinulungan na ako ni Aje na idala ang mga niluto ko sa lamesa. Nang makita ni Daven ay tinulungan na din niya kami. Siya na ang nag ayos sa lamesa umawat sa mga dala ni Ajela na mga pagkain. Pinag pray ko muna ang anak ko. Ganado ito sa pagpi-pray at napapangiti ako sa mga sinasabi nito. Ng matapos na ay masaya na silang kumain. Magana kaming kumain lahat. Lihim na sumaya ang loob ko ng makitang magana din si Daven sa pagkain nito. Nagustuhan nito yung pansit miki guisado na luto ko. "Mama, gusto ko din napay lagay mo po egg at kane po."turo nito sa luncheon meat. May ketchup kaming binili din kahapon. Kaya nagpalagay din Ng ketchup sa tinapay nito. Pero si Daven na ang kumuha at gumawa para sa pagkain ni Dave. Hindi kami masyado kumain sa kanin. Kaya babaunin na lang namin yung kanin sa ilog mamaya. At sa natirang tortang talong. "Magpasalamat ka na muna anak."sabi ko. Ayaw kong sabihin na Papa Daven mo dahil ang awkward bigkasin. "Salamat po Papa Daven."matamis pa itong ngumiti at pinagpatuloy na ang kumain. Hinaplos naman ni Daven ang ulo ng anak ko at ngumiti dito. "Walang anoman little boy." "Sama po ba ikaw sa ilog Papa Daven?"tanong pa ng anak ko. "Yes little boy. Nag-promise ako sa iyo di ba."ngiti nito. Sumaya naman ang mukha ng anak ko at humagikhik pa ito. Kaya napangiti ako. ***** Marami akong dala na labahan. Mga baon pa namin kaya hindi ko alam paano buhatin lahat. Nahiya akong magsabi kay Daven dahil sigurado na may dala din itong mga kung ano-ano. "Pwede mo ng ilagay sa likod ng sasakyan ko ang mga dala mo, Alo. Pwede ko gamitin ang sasakyan ko papuntang ilog. Patag naman ang daanan."sabi nito. Na-sense niya siguro ang nasa isipan ko. "Pwede kaya iyon? Hindi ka ba mahihirapan na idaan sa lupa ang sasakyan mo. Baka masira pa. Huwag na lang."tanggi ko. "Wala ka bang tiwala sakin?"matiim itong tumitig sa akin. Hindi ako umimik. Bahala na nga siya sasakyan naman niya ito. Wag lang niya ako sisisihin kapag nasira ang sasakyan nito. "H-hindi naman sa gano'n." "Then, let's go. Ilagay mo na sa sasakyan ang gusto mong dalhin sa ilog. Alin ba dito ang dadalhin mo sa ilog?"tanong pa nito sa akin. Turo ko sa isang sako na mga labahan ko. Hindi naman puno iyon sa sako ko lang nilagay. Mga dadalhin naming mga pagkain na din. Dala na ni Ajela ang mga damit na bihisan namin. Agad nitong binuhat iyon kaya napasunod na din ako na buhatin ang dalawang timba at katamtaman na laki ng balanggana ko. Nasa loob na ng timba ang pagkain na dala ko. Inayos na muna nito ang laman ng sasakyan nito sa likod bago niya sinunod na ilagay ang mga iba pa. "Wow sakay tayo punta ilog po Papa Daven?"hindi makapaniwala na tanong ng anak ko. "Yes little boy." Masaya naman na pumalakpak ang anak ko. Nag aalala ako na baka may mga tinik o mga bakal na matulis at mabutas ang gulong ng sasakyan nito. Pero matiwasay naman na nakarating sa tabing ilog ang sasakyan nito. Nagtulong tulong na kaming lahat na dalhin sa tabi ng ilog Ang mga labahan ko. At mga pagkain naman ang binuhat ni Ajela. Naka dalawang balik kami sa sasakyan para maibaba lang lahat ang mga gamit na dinala namin. "Ano iyan Papa Daven?"usisa ng anak ko. "Tent little boy. Kulandong sa tagalog. Higaan natin mamaya kapag gusto mo mahiga sa loob."sagot naman ni Daven. "Wow talaga po. Ganyan yung pinapabili ko kay Ate. Kaso mahal daw at hindi niya afford."sabi naman ng kapatid ko. Wala naman akong dapat ikahiya kung hindi ko afford bumili ng tent. Hindi naman importante ang tent na yan kung pwede ka naman gumawa ng tolda na lang. "Gusto ko po higa sa loob Papa Daven ah."singit din ng anak ko. "Sure little boy." Inaassemble na nito ang tent habang ako ay nagsisimula ng maglaba. Pinapanood naman ni Dave si Daven sa ginagawa nito. Habang si Ajela naman ay inaayos na ang mga dala naming pagkain sa may silungan na ginawa ni Tatay Doro. Bukas pa sila uuwi dito kaya may bantay na si Dave kapag wala ako. Dito din naman madalas naglalaba ng mga damit sila Nanay. Gano'n din ang ibang mga nakatira dito pero sa baba nga lang sila. Kami lang ang nakatira dito banda. Nasanay na akong maglaba ng ganito mano-mano. Dahil iyon naman ang ginagawa namin noong mga bata pa kami. Mano-mano ang paglalaba kailangan pa malinis kapag madumi ipapaulit iyon ni lola. Mapapalo na nga kami double trabaho pa. Kaya hinding hindi na ako aapak pa sa bahay at Lugar na iyon. Mediyo malayo naman ang sementeryo sa lugar namin. Kaya sure akong hindi nila kami makikita o hindi ko sila makikita. Kapag bumisita ako sa puntod ng mga magulang namin. "Ate, mag-iihaw na daw ba kami?"tanong ni Ajela ng lumapit siya sa pwesto ko. "Kayo kung gusto niyo. Para mamaya kakain na lang tayo. Kayo na lang ang bahala. Kailangan kong matapos agad ito dahil sayang ang mainit na araw. Para matuyo agad ang mga nilabhan ko."sagot ko. "Sasabihin ko po kay Kuya Daven, para matulungan na kita diyan ate."sabi nito at agad na pumunta kina Daven. Tumingin ako doon at nakatingin din pala sila ni Dave sakin. Bigla na naman akong nailang. Sana last na itong makasama namin dahil hindi ko kaya yung presensiya nito. Nakakailang at nakakahiya. Hindi ko din sure kung naaawa ito o nilalait ako. Hindi naman siguro ito judgemental na tao. Mukhang mabait naman ito seryoso lang ang mukha. "Hay ewan!"bulalas ko na lang. At pinagpatuloy na lang ang ginagawa. Rinig kong masaya silang nagtatawanan na tatlo. Masaya ako at hindi na takot sa mga lalaki ang kapatid ko. Dati ilag siya kay Tatay Doro at hindi kumikibo kapag kinakausap ito. Ngayon ay mukhang close na din yata sila ni Daven. Nakasando na lang ito at kita ko kahit malayo Ako dito ang tattoo nito sa katawan. Kung Ako lang ayaw ko sa lalaking may tattoo. Pero buhay naman nila yan! Dumihan nila ang mga katawan nila hangga't gusto nila. Wala akong pakialam at opinion ko lang naman iyon. Lumapit na sa akin si Ajela at inutusan kong magbanlaw na ng mga nakusot ko ng damit. Malapit naman na akong matapos. Napakalinis talaga ang ilog na ito. Malamig pa ang tubig kay sarap magbabad dito. Sana hindi ito masisira ng bagyo dahil ang gandang lugar ito. Dito kami dumadaan dati kapag pupunta kaming kabilang lupain ng Boss nila Tatay Doro. Para magbunot ng damo. Nagtulong kaming dalawa ni Ajela na buhatin ang isang timba na puno ng ilabhan namin. At isasampay namin sa lubid na ginawa din ni Tatay Doro. Para hindi na sa batuhan o sa mga tuyo ng kahoy kami magsampay. Meron pa naiwan babalikan ko na lang mamaya. Nakita naman kami ni Daven kaya nilapitan kami at siya na ang nagbuhat sa timba. Tinuro ko na lang saan niya ilalagay. Kinuha ko na muna ang mga ipit ng mga damit. At nagtungo na ako doon. "Salamat."sabi ko at nagsimula ng akong magsampay. Taga abot naman si Ajela sa'kin. Habang ang dalawa ay nag iihaw na sa iba pang hindi nila naihaw kanina. Masayang masaya ang anak ko na nakikipag kwentuhan kay Daven. Mahirap ko na itong ilayo kay Daven. Parang attached na sila sa isa't isa. At feeling close na close na silang dalawa. Dapat doon siya sa girlfriend nito magpalipas ng oras hindi dito sa Amin. Dahil kapag nagsawa na ito dito. Baka hahanap hanapin siya ni Dave. Sana talaga iniwas ko na siya noong una pa lang. Kung alam ko lang na ganito sila kalapit sa isa't isa agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD