Kabanata 13
Naiilang ako kapag nakikita ko si dracula. Dati sa Club natatakot naman ako dahil sa masungit at mahilig manigaw. Ngayon naman nakakakaba kapag tumingin sakin. Parang may balak o binabalak gawin. Pero mabuting intensyon lang naman pala ang gusto nitong sabihin.
Hindi ko pa ito gaano kilala. Sa Club ko lang ito nakilala. Correction hindi ko pala nakilala doon nakikita ko lang. Ang lalaking nagnakaw ng first kiss ko. Gusto ko itong iwasan pero paano? Isa naman pala ito sa may-ari ng Sevenity Club na iyon. Tambayan pa nito sa restaurant nila ma'am Charmy at Sir Gray.
Maganda talaga kasi ang ambiance ng lugar. Nakakarelax at ang ganda ng tanawin.
Isang linggo wala ang mag asawa kaya walang bantay ang anak ko. Kaya ang ending lagi ko itong dala sa pinagtatrabahuan ko. Nakiusap ako kay ma'am Charmy ayos lang daw.
Nag alok pa ito na ipasok ko na muna sa daycare. Kahit saling pusa lang. Mababait daw ang mga teachers at may assistant sila para sa mga bata. Para daw matuto ang anak ko at masanay na makisalamuha sa mga ibang bata.
May mga outsider din daw na pinapayagan mag-aral sa Sevenity school. Kaya nung tinanong ko ang anak ko ay mediyo nag alinlangan ito. Minsan mahiyain ito lalo na kapag naunahan ng hiya. Minsan bibo at palakaibigan depende talaga sa mood ng anak ko.
Naloka pa ako dahil bukang bibig ng anak ko ang Daven na iyon. Puring puri ng anak ko ang lalaking iyon. Dahil sa lalaking iyon naghahanap tuloy ng Papa ang anak ko. Nasaan na daw ba ang Papa niya. Natutuliro ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Naluluha na lang ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
Mabuti at nandito ang kapatid ko. Siya ang sumasagot sa mga tanong ng anak ko. Tumigil lang ito sa kakatanong ng maramdaman nitong wala na akong imik. Hindi ko din mapigilan na manubig ang mga mata ko. Hindi ko naman kasi talaga alam kung paano ko ipapaliwanag sa anak ko. Kung paano siya nabuo.
"M-mama."mahina nitong tawag sa'kin.
"Ayos lang si Mama anak."ngiti ko.
"Sowe po. Tanong-tanong lang ako dahil bakit wala ako Papa. Pero Ikaw parin lab-lab ko Mama. Lab ko din si Tate at Nana at Tata. Tanong lang ako pero di Ako sama kapag kunin niya ako. Ikaw gusto ko Mama ko."lambing niya sakin. Hinawakan pa nito ang magkabila kong pisngi. At nakatitig sa mga mata ko.
"I lab yu po Mama ko. Wag na lungkot at iyak po."yakap niya sakin. Lumapit si Ajela at yumakap din samin ng anak ko.
"Mahal ko kayong dalawa."sambit din ni Ajela.
"Mahal din kita Tate ko."sambit din ng anak ko.
"Mas Mahal na Mahal ko kayong dalawa."yakap ko sa kanila.
"Kaya baby Dave payag kana na mag school kahit iba ang school ko. Para hindi matanggal sa trabaho si Mama Alo."lambing ng kapatid ko.
"Baka aaway nila ako doon. At hiya ako e, wala ako bago bag at apatos at damit."yun pala ang dahilan.
Nakita din siguro niya ang mga batang magagara ang mga suot. Lalo na sa mga kalaro niya. Minsan nagtatanong pa sakin ang anak ko. Bakit daw iba salita ng kalaro niyang mga bata sa Sevenity Club. Mga Englisera at englisero kasi ang mga batang anak ng mga Sevenity Club member.
"Meron ka naman bag ah. May sapatos ka pa naman. Pwede din sandal may bago ka pa na gamit. Ako nga minsan nakatsinelas lang. Hindi na din bago damit ko pag pumapasok ako sa school."sagot naman ni Ajela.
"Hayaan niyo kapag sahod ko bibili tayo ng bago niyong damit at sapatos. Pwede din sandals."Sabi ko naman. Basta sa kanilang dalawa gagawin ko ang lahat sumaya lang sila.
Tinuruan ko na muna ang kapatid ko sa assignment nito bago kami natulog.
Pangatlong araw na ng anak ko ang sumama sakin sa trabaho. Pumayag na din itong ipasok na muna sa daycare. Hinatid siya ni Daven, kahit ayoko sana. Dahil mas gusto ko na ako ang maghahatid para makita ko ang paaralan. Lalo na ang mga kasama nitong mga bata sa loob.
Half day lang naman iyon kaya ayos lang. Dahil busy na kami sa kusina ay nakalimutan ko pansamantala ang anak ko. Kung maayos ba siya doon. Wala bang umaapi saknya na mga bata. Minsan napaparanoid ako dahil na din sa estado ng pamumuhay namin. Ayokong kutyain nila ang anak ko.
Araw-araw madaming mga tourista dito. Lalo na kapag may tournament sa kabayo. Minsan sa basketball halos mapuno ang restaurant. Kahit sa kabilang restaurant na malapit sa golf area. Marami din kumakain doon. May katulad din ako na nag-uuwi ng pagpag na pagkain. Kaya pakiramdam ko hindi ako nag iisa.
Ngayon ay Friday wala ako pasok sa trabaho kaya hinatid ko na muna ang kapatid ko. Sinabi ko sa teacher na wag ko na muna ipapasok ngayon Ang anak ko. Ayos lang daw iyon dahil hindi pa naman daw naka-enroll ang anak ko doon. Pero kapag wala daw ito bantay pwede daw doon iwan. Para kahit papano may matutunan daw ito in advance sa paaralan.
Dahil meron na akong sahod pagkalabas ng kapatid ko sa school. Naisipan kong dumiretso na kami sa palengke. Para makabili ng mga kailangan sa bahay. Bagong damit ng kapatid ko at anak ko. Pati na din tsenilas at sandals nila. May mga mura naman kasiya na siguro ang pera ko.
Maaga kaming pumunta ng paaralan ng kapatid ko. Nagluto na din ako ng kakainin naming tatlo. Maghanap na lang kami ng pwede naming pagtambayan mamaya. May malapit na park dito kaya doon na muna kami magtambay. Para makakain kami ng maayos. May dala na din akong mauupuan namin kung sakali na walang gawa sa semento na lamesa at upuan.
May damit din akong dala para sa dalawa just in case lang. Napaaga yata ang dating namin dahil hindi pa labas ng kapatid ko. Naghintay lang kami ng anak ko sa labas ng klassroom ng kapatid ko.
"Mama gusto ko maglaro doon."turo niya sa duyan.
Hindi ko pinayagan dahil may mga bata ng naglalaro doon.
"Mamaya na anak. Maglaro kayo ni Tate Ajela sa park mamaya. Tignan mo oh, madami ng bata diyan. Hindi ka din makakasingit baka maitulak ka pa nila anak."mahinahon kong sabi sa anak ko.
"Mimiss ko na si Tata at Nana. Keyan uwi nila Mama?"tanong ng anak ko.
"Hindi ko alam anak. Hayaan mo bukas maliligo tayo sa ilog. Bibili tayo mamaya ng ihawin natin bukas sa ilog. Masaya iyon di ba."
"Opo, gusto ko po ihaw isda at hakdog Mama. Sarap yun."bulalas nito.
"Bibili tayo mamaya sa palengke, anak. Kaya dapat mag behave ka ha. Dapat nakikinig ka kay Mama."bilin ko pa.
"Opo Mama."
"Tate ko."malakas na nitong sigaw sabay takbo palapit kay Ajela. Masaya naman na kumaway sa'min si Ajela. At sinalubong nito ang pamangkin niya.
"Kumusta ka naman?"tanong ko. Kahit araw-araw ko naman tinatanong kong ayos lang siya dito. Kung may nambubully ba o mga kaibigan siya.
"Si Ate talaga lagi iyon ang tanong sakin. Dapat ang tanungin mo Ate kumusta ang grade ko."natatawang sabi nito sa'kin.
"Hindi ko na iyon tatanungin dahil matataas na naman ang mga grado mo."Sabi ko naman.
"May surprisa ako. Pero mamaya na lang Ate. Nagugutom na ako eh. Uwi na tayo."sabi pa nito.
"Diyan na lang muna tayo sa may park magtambay. Kakain tayo doon may dala na akong pagkain natin niluto ko sa bahay. May damit na din akong dala kung gusto mo magbihis. Dahil mamaya punta tayong palengke."Sabi ko.
"Sige po ate."
Kinuha ko na ang bag nito kahit madami akong bitbit. Hawak kamay naman silang dalawa. Nasa likod lang nila Ako nakaagapay. Pero paglabas namin sa gate ay nagulat pa ako ng makita ko sa labas si Daven. Prenting nakatayo sa labas ng sasakyan nito.
Masayang kumaway si Ajela at Dave. Mabilis din silang lumapit dito.
"Hello po Kuya Daven. Pupunta po kaming park magtambay daw muna kami doon at kakain sabi ni ate Alo."pagbabalita niya kay Daven.
"Pumasok na kayo sa loob ng sasakyan sabay-sabay na tayong kakain. May dala akong pagkain dito."sabi naman ni Daven.
"Teka."awat ko pero nakapasok na ang dalawa sa loob.
"Bakit?"tanong nito sakin.
"Bakit nandito ka?"tanong ko din.
"Akala ko may something happen kaya hindi ka nakapasok sa trabaho. Wala ka palang pasok ngayon sa trabaho. Dumaan ako sa Bahay niyo pero wala naman kayo. Kaya naisipan kong baka nandito kayo."tipid itong ngumiti. Pero di niya sure kung ngiti ba yun.
"Pasok na!"sabi pa nito.
Madami siyang dala kaya tinulungan muna siya nitong ilagay sa likod ang bag ni Ajela. Pati na mga dala niyang eco bag at backpack niya. Alam kong mga luma na ang mga gamit ko pero malinis naman. Kaya wala akong dapat ikahiya.
Sa malapit na park nga kami dinala nito. May binili nga talaga itong pagkain. Nahiya siya bigla sa ulam na niluto ko. Pero favorite ng anak ko ito e. Kaya bahala na kung gusto nitong maki-ulam. Pero hindi kaya ito maselan sa lahat lalo na sa pagkain. Tanong ko pa sa sarili.
May nakita kaming lamesa na gawa sa semento doon. Kaya doon kami nagpwesto. Mga pagkain lang ang dala namin kasama na ang backpack ko. Dahil andito ang mga gamit ng anak ko.
"Pray kana anak bago tayo kumain."utos ko. Agad naman itong tumalima. Nagtaka siya bakit ang eksi lang ang panalangin na ginawa ng anak ko.
"Tapos na agad anak?"tanong ko.
"Rinig ko po kasi tunog tiyan ko eh. Nagsalamat na lang ako kay Papa Jesus sa pakain."bungisngis nito.
Bahagyan din na natawa si Daven.
"Baka yung tiyan ko ang narinig mo baby Dave?"sabi naman ng kapatid ko.
Umiling ito. "Tunog din tiyan ko eh."
"Baka nag-usap ang tiyan natin dahil gutom na sila."biro ng kapatid ko. Sabay pa ang mga itong tumawa. Napangiti na lang din ako.
"Siya, kumain na."singit ko naman
May mga dala akong kutsara namin at Plato. Pero mga plastic na kutsara at paper plates na lang ang ginamit namin na dala ni Daven. Para itapon na lang kapag tapos na naming gamitin.
"Ahm..."Nahiya pa akong sabihin. Paano ko ba sasabihin na wag na siya maki-ulam sa niluto ko dahil nakakahiya baka hindi siya nag uulam nito.
Nakatingin lang sakin sa Daven. Kaharap ko kasi ito at katabi niya si Dave. Magkatabi naman kami ni Ajela. Kung titignan parang Isang masayang pamilya kami na nagpi-picnic sa park.
"N-nahiya lang ako na baka hindi ka nag-uulam ng ganito. Pwede naman na wag mong nalang tik---"
"Nonsense!"sagot nito agad. "Hindi ako maarte sa pagkain, Alo. Kaya wag mong ikahiya ang niluto mo unless kung ayaw mo akong bigyan. It's fine."
"Peborit ko po yan Papa Daven, inola na manok po. Tanong ako Mama kung pede siya luto niyan. Sarap-sarap po luto Mama ko."pagmamayabang pa ng anak ko.
Tinola na nilagyan ko ng malunggay ang niluto ko. Wala kasi kaming sayote o papaya. Wala pa bunga ang tanim naming papaya. Kaya malunggay na muna ang sinahog ko. Mas masarap naman talaga kapag malunggay ang isahog para sa'kin.
"Paborito ko din ang tinola little boy. Kaya kain na tayo."magiliw nitong sabi.
"Kuya Daven, gusto ko po ito. Kuha po ako ah."nahihiya pang sabi ni Ajela.
"Sa inyo ang mga pagkain na 'yan Aje. Kumain ka ng mabuti."ngiti pa nito sa kapatid ko.
"Salamat po. Pwede din namin iuwi kapag hindi namin maubos Kuya?"sinuway ko ang kapatid ko.
"Sure. Para may ulam ka mamayang gabi ulit."sagot naman ni Daven.
"Yes. Salamat po."masaya na itong kumain. Ang anak ko naman magana na din na kumakain. Peborit talaga nito ang tinola lalo na ang sabaw nito. Silang dalawa lang ni Daven ang nag-ulam ng niluto kong tinola. Mukhang nasarapan ito sa niluto ko.
"Papa Daven, punta kami paleke mamaya. Bili kami sapatos ko po at bili kami isda. Para ihaw kami nila Mama bukas sa tabi ilog. Liligo kami at laba din si Mama."kwento nito kay Daven.
"Anak wag mo ng sabihin yung ganyan. Kumain kana muna mamaya kana magsalita ha."malumanay kong sabi.
"Tapos na ako kain mama. Busog-busog na tiyan ko. Salap po ng inola na luto mo Mama. Di ba Papa Daven masalap po?"nagniningning pa ang mata nitong nakatingin kay Daven. Hinihintay ang sagot nito.
"Yes, little boy. Masarap ang tinola na luto ng Mama mo."magiliw naman na sagot ni Daven.
"Umiinom ba sila ng soft drink?"tanong ni Daven.
"Minsan lang kapag may pera ako. Kadalasan juice na nasa sachets ang binibili ko. Mas mura iyon kisa sa soft drink. Pero okay na din na hindi sila umiinom ng soft drink para hindi sila masanay."paliwanag ko. Tumango tango naman ito.
"Because I think may nabili akong soft drink. Nasa likod ng sasakyan ko. Okay lang ba na uminom sila ngayon?"
"Opo Kuya Daven gusto ko po."sagot ni Aje, na hanggang ngayon kumakain pa.
"Ko din po. Mama gusto ko din po tikim."
"Sige okay lang."sagot ko naman.
"Let's go little boy. Kunin natin ang soft drink sa sasakyan ko."
Madungis ang anak ko kaya kinuha ko ang maliit na towel nito. Binigay ko kay Daven para siya na ang magpunas sa mukha ng anak ko.
Masaya itong humawak sa kamay ni Daven habang paalis sila dito sa tinambayan namin.
"Ate magwapo si Kuya Daven. Tapos hindi pa siya maarte sa mga pagkain. Pero bakit kaya siya lagi nandito sa atin? Nililigawan ka ba niya Ate?"usisa ng kapatid ko.
"Hoy, anong nililigawan ako. May girlfriend na yang lalaki na yan. Sinasabi ko naman na wag na siya mag-abala pa. Pero makulit ang lalaking iyan. Kapag ako inaway ng girlfriend niya pupukpukin ko ng bote ang ulo niya."inis kong sabi. Pero may saya sa puso niya kapag nakikita niya ito. Pero dahil may girlfriend na ito inaalis ko siya sa sestema ko.
"Sayang naman Ate. Bagay pa naman kayong dalawa. At mukhang malapit na din ang loob ni Dave kay Kuya Daven."sabi nito habang kumakain sa spaghetti na dala ni Daven.
"Hindi kami bagay, Ajela. Mayaman yan walang wala tayo sa buhay natin sa buhay na meron siya. Alam mo yung lugar na pinagtatrabahuan ko. Isa siya sa may-ari ng Lugar na iyon. Kaya hindi natin siya kapantay sa estado ng buhay natin Ajela."mahinahon kong sabi.
"Naaliw lang kay baby Dave kaya siguro lumalapit sa atin. Hindi pwede na samantalahin natin siya dahil lang mabait at mapagbigay. Pero kung magbibigay siya ng mga pagkain para sainyo ni Dave. Kakapalan ko nalang na kunin iyon para sa inyong dalawa."sabi ko pa. Tumigil lang kami sa pag sasalita ni Ajela ng lumapit na ang anak ko at si Daven. Iniba na lang ni Ajela ang usapan namin.
"Opo Ate. Hayaan mo po mag-aaral akong mabuti para sa'yo Ate ko at kay Tita sa heaven. May surprisa nga pala ako sa'yo Ate."masaya nitong sabi sa'kin.
"Aww.. ano yan? Sana wag crush ha, bawal pa ang mag-crush."biro ko.
Natawa naman ito sa biro ko.
"Hindi gano'n Ate. Nasa Top Three na kasi ako sa klassroom namin. Para sa inyo iyon nila Tatay at Nanay. Kay Tita na din sa heaven at sa mga magulang na din po natin. Matutuwa din sila kapag nalaman nilang nasa top three na ako."masayang balita nito sakin.
"Wow, ang galing talaga ng kapatid ko. Masaya ako para sa'yo, Ajela. Proud na proud ang Ate sa'yo."niyakap ko ito ng bahagyan.
"Congratulations, Aje."sabi naman ni Daven.
"Salamat po Kuya Daven. Parang handa ko na ang mga pagkain na ito."hagikhik pa ng kapatid ko. "Salamat po talaga sa pagkain Kuya."
"Walang anoman Aje."ngiti naman nito sa kapatid ko.
May pinatong itong dalawang malaking Tropicana orange juice. May plastic na baso na din itong dala. Pinaghandaan talaga nito ang pagpunta sa Bahay.
"Mama inom po ako ah?"paalam ng anak ko.
"Okay lang anak. Wag lang sobra ha."
"Opo Mama salamat po. Salamat din po Papa Daven."matamis pa itong ngumiti. Hindi ko din mapigilan na hindi mapangiti.
Tumingin ako sa orasan alas tres na ng hapon. Alas kwatro ang balak kong magpunta sa palengke may mga mabibili pa kayang isda sa ganitong oras.
Niligpit ko na ang pinagkainan namin. Habang umiinom ang tatlo ng orange juice. Kinakausap din ni Daven ang kapatid ko kung gusto nito mag-aral sa Sevenity school. Magaling naman sumagot si Ajela kaya hinayaan ko na lang silang mag-usap. Naghanap ako ng basurahan para itapon ang mga kalat namin.
Sa hapon din na iyon ay sinamahan kami ni Daven na namalengke. Dahil wala ng isda ay manok at karne ang binili ni Daven. Siya na daw ang bibili ng isda bukas. Hindi daw niya pwedeng tanggihan ang paanyaya ng anak ko sa kaniya bukas.
Paano ang anak ko sabi niya "Papa Daven, sama ka bukas ah. Liligo kami ilog la kami kasama wala Tata at Nana. Para makita mo din yung ilog namin. Hindi siya huhulog sa taas aagos lang po siya. Gusto ko kita mo ilog namin. Lilinis pa, danda doon." napakadaldal ei.
Itong lalaki naman sinabayan pa na akala mo hindi niya alam ang ilog. Marami akong labahan bukas kaya ayos na din yung may kasama kami. Para may magbantay sa anak ko. At taga luto ng pagkain namin habang naglalaba ako. Sa loob-loob ko.