Kabanata 12

2883 Words
Kabanata 12 Daven POV Ganito na ang routine ko dito sa Sevenity Club. Mangabayo kada umaga iniikot madalas ang pinakaliblib na lugar dito sa loob. Para makasigurong walang mga nakakapasok na mga ligaw na damo. Hindi basta-basta nakakapasok ang mga outsider dito. Dahil malakas ang electric wire na nakapalibot sa buong bakod. May mga Cctv din every corner of this place para narin sa kaligtasan ng mga tourista. More torista more income na pang sahod sa mga empleyado dito sa Sevenity Club. Pagkatapos mag-ikot ikot ay nagtungo na siya sa restaurant nila Gray. Maganda ang ambiance sa restaurant nila. Open space iyon at matatanaw sa di kalayuan ang napakagandang Falls. Habang papalit ako sa restaurant ay nakita kong may paparating na shuttle bus. Kaya binagalan ko ang paglalakad ng kabayo ko. Nakatingin ako sa bumaba sa tapat ng restaurant nila Gray. Na-excite ang puso niya pagkakita sa bata. Masaya itong nakaturo sa gawi ko. Baka gusto nitong sumakay ng kabayo. Nakita ko itong tumakbo palapit sa aking gawi. Mabilis naman na hinabol ng Ina at kinarga ito. Pinagsasabihan siguro nito ang bata. Nagulat pa ako ng tinawag niya akong Papa. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Masayang masaya ang pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag pero kakaiba ang saya na nararamdaman ko ngayon. Sinuway naman agad siya ng Nanay nito. Na-amuse siya ng tanungin kung ano itawag sakin. Kaya inunahan ko na si Alora na okay lang na tawagin akong Papa. It's feels good. Pero tumanggi parin si Alora na tawagin ako ng anak niya na Papa. Aalis na sana sila ng umiyak na ang bata. Gusto talaga nitong sumakay sa kabayo. Nakita ko nga ito noong unang punta ko doon sa bahay nila ng lihim. Masaya itong nakasakay sa kalabaw ng caretaker ng lupa ko. Nang makita kong nahihirapan ng hawakan ni Alora ang anak nito. Bumaba na ako sa kabayo ko at ako na ang kumarga sa bata. "Stop crying now little boy."Inalo-alo ko pa ito. Alam kong ayaw nitong payagan ang anak. Pero dahil siguro naawa ito sa anak ay napipilitan na lang itong tumango. Napangiti ako ng masaya na naman ang bata. May pa-iloveyou pa sa Nanay nito. Ang nakakatuwa pa ang bata na ang nagsabi sa pangalan nito. Dave daw ang pangalan at ako naman Daven. May similarities ang name namin. "Ang saya po. Salamat po Papa."masayang sabi ng bata. "You're welcome little boy." Dinala ko ito sa maraming mga kabayo na nagkalat sa damuhan. May bakod iyon na mataas para hindi sila makawala. "Wow! Dami-dami nila. Hello, hello!"kaway pa ng bata at natawa ako ng may kabayong humalinghing. "Nahello din po siya Papa."Masaya nitong bulalas. "Gusto mo ba ng kabayo?"tanong ko. "Opo! Tsaka kalabaw po. Bakit po wala sunay yung kabayo po. Yung kalabaw meron po laki-laki."with action pa sa sungay ng kalabaw. Hindi ko maintindihan sana kung hindi niya ginawa yun. Napangiti ako. "Depende sa uri ng mga kabayo little boy. Pero mostly walang sungay ang mga kabayo."paliwanag ko sa bata. Tumatango tango lang ito na parang nakakaintindi na talaga. "Ang ganda po ng kabayo na iyon oh, Papa. Yung kulay ganito po."sabay pakita sa damit niyang puti. Napapangiti siya sa kabibuhan ng batang ito. Napaka galang pa magsalita. Salute ako kay Alora, sa pagpapalaki sa anak nito. "Puti ang tawag diyan na kulay little boy."sagot ko naman. "Okay po." Nang magsawa kami kakatingin sa mga kabayo. Ay umalis na kami doon. Nilibot ko pa ito sa kung saan-saang parti ng Lugar dito sa Sevenity. Pero dahil mediyo mainit na ay nagtungo na muna kami sa Falls. "Wow! May tubig na huhulog po sa ilog?"bulalas ng bata. Humalakhak ako. Napakainosente pa talaga ang cute na batang ito. "Talon o Falls ang tawag diyan little boy. Gusto mo ba maligo?"tanong ko. "Opo. Opo gusto ko po. Liligo din kami sa ilog pag wala tabaho si Mama ko. Laba kami din dun at kain din saka tutulog."daldal nito. Siguro sa baba lang iyon may ilog doon na hindi naman kalaliman. Naka-konek iyon dito sa Falls kaya malinis ang tubig doon. Naliligo din pala sila doon. Salamat sa kadaldalan ng batang ito. Someday kasama niyo na akong maliligo doon. Sabi ko sa sarili ko pa. Bumaba na muna ako bago ko tinulungan ang bata na maibaba. Tinali ko muna ang tali ng kabayo bago kami nagtungo na sa Falls. May mga ilang tao na naliligo at nagtatampisaw din sa baba ng fall. Tinulungan ko itong maghubad ng damit at short nito. Ako hindi na ako naghubad dahil maraming tao. Nakakainis lang minsan dahil hindi sila nahihiyang tumili. Garapalang titigan ako lalo na ang katawan ko. Tsk! "Hindi Ikaw hubad Papa ng damit?"usisa pa ng bata sa'kin. "Maraming tao nahihiya ang katawan ko."biro ko sa bata. "E, ako nga hubad wala pa brep. Di ako hihiya e. Hubad na ikaw Papa wala Ikaw na damit maya."daldal nito. Tumawa ako. Parang matanda na kung magsalita. Minsan bulol, minsan hindi. Mabuti na lang naiintindihan ko ang sinasabi nito kahit papano. "Kung naliligo ba kayo sa ilog ng Mama mo nakahubad din ba siya?"tsismoso lang. Malay ko ba. Baka nakapanti at bra lang ito kapag naligo sa ilog. Sumimangot ako bigla. Umiling ito. "Ako lang po. Hindi pwede hubad Mama ko e. Ayaw ko kita Dede niya."ngumuso pa ito. Nag-init ako bigla ng maalala ko ang Ina nito. Sh!t lang! Ilang taon akong katawan nito ang hinahanap hanap ko. Mabuti na lang at wild ang fiancee ko. Hindi niya nahahalatang hindi ako nagaganahan minsan sa kanya. Dahil sa isip ko si Alora ang hinahanap ng katawan ko. Now that I saw her again baka babalik na naman ang pagka attract ko sa kanya. Na hindi dapat mangyari dahil Mahal ko ang fiancee ko. I already cheating once on her because of Alora. Hindi ko na iyon uulitin pa. "That's good. Dahil bawal maghubad ang mga babae. Halika ka na."Tinulungan ko itong lumusong sa tubig. Lumangoy na siya agad ng makapagtampisaw sa tubig. Napangiti siya habang pinapanood ang bata. Marunong na itong lumangoy dahil siguro sa madalas ang mga ito sa ilog. "Whaaooh, lamig-lamig."bulalas pa ng bata. Binuhat ko ang bata at pinunta sa mediyo malalim. Tinutulungan niyang mag floating at tuwang tuwa naman ito. Aapak pa sa malaking bato sa gilid at tatalon. Sasaluhin ko naman ito. Mga tawa nitong kay sarap pakinggan nakakataba ng puso. Ilang minuto lang sila doon dahil ramdam kong nanginginig na ito sa lamig. Umuwi na muna kami sa bahay ko. Magbibihis lang ako bago niya ihatid ang bata sa restaurant na pinagtatrabahuan ng Nanay nito. Pagdating pa lang namin sa restaurant ay mapanuring tingin na ang iginawad sakin ng mga kaibagan ko. I just smirk. "Bakit nandito pa kayo?"usisa ko. "Bakit hidni naman sa'yo ang restaurant ah."sagot naman ni Jakob. "Hello po!"bati din ng bata sa mga ito. "Liligo po ako doon sa huhulog na tubig. Lamig-lamig po ang tubig."bibo pa nitong kwento sa mga kaibigan kong nandito sa restaurant. Tumawa naman ang mga ito at naaliw sa bata. "Hey buddy, what's your name?"tanong naman ni Noven. Natawa sila ng kumamot ito ng ulo. "No po iyon?"inosenting tanong ng bata. "Ano daw pangalan mo little boy." "Ah..Aldave Delaney po. Ikaw po?"tanong niya kay Noven. Tama naman pala ang pangalan nito na nilagay sa resume niya dati. Alora Delaney, her name is so unique and classy. "Noven, tawagin mo akong Kuya Noven ha. Pang matanda lang kasi ang Tito." "Okay po Kuya Noven."na-amuse sila ng lumapit ito kay Noven at nakipagshake hands. Natutuwa pa sila dahil napakagalang nito magsalita. Magaling si Alora sa pagpapalaki sa bata. Na kahit kapos sila sa buhay ay mayaman naman sila sa kagandahang asal sa ibang tao. "Good boy."sabi ko at hinaplos ang ulo nito. Ngumiti naman ito. "Asan na po Mama ko Papa Daven? Baka hanap na niya ko e."tumingin pa ito sa paligid. "Nasa loob baby."sagot ni Charmy. "Hello po. Danda po mata niyo kulay gulay po."matamis pang ngumiti ang bata na nakatitig sa mata ni Charmy. Humalakhak naman si Gray sa sinabi ng bata. Aasarin na naman nito ang asawa panigurado yan. "Anong gulay little boy?"tanong naman ni Zyndon. "Albos ng kamote. Uulam namin yun lagi e."humalakhak na naman sila. Lokong bata. Talbos ba naman ng kamote ang sinabi nito sa kulay ng mata ni Charmy. Natatawa na lang din si Charmy. Napakyut na bata. "Gano'n po kulay ng mata niya po. Bakit po yung kulay mata ko iba. Brow daw kulay ng kahoy."simangot nito. Humalakhak na naman sila. Baka yung ibig niyang sabihin brown. Napatitig tuloy Ako sa mga mata ng bata. Tumitig din sa'kin. Sumikdo na naman ang puso ko. "Ikaw din po Papa Daven kulay kahoy din po yung mata mo."bulalas pa ng bata. "Siya po bakit po iba ulit."sabay turo kay Zyndon. "Anong kulay ng mata niya buddy?"tanong ni Noven na naaaliw sa bata. "Usok po. Dumi-dumi yun eh." Tumawa na naman sila. "Wala naman kulay ang usok ah."sabi naman ni Zyndon. "Meron po. Luluto kaya si Mama ko. Dami-dami usok gaya sa kulay mata mo po eh." Malakas na naman kaming tumawa. This little boy made our day complete. Napakabibo sumagot. Inihahambing niya sa mga nakikita niya ang kulay ng mga mata namin. Hindi pa kasi nito alam ang mga pangalan ng mga kulay. Matalinong bata mana sakin. Sa loob-loob ko. "Napakatalinong bata. Ilang taon ka na ba ha?"tanong ni Charmy. "Tatlo po."sabay pakita sa daliri niya. "Nag-aaral ka ba?" "Hindi pa po."sabay iling. "Baka gusto mo mag-aral na. Meron din paaralan dito ng pang bata. Sasabihin natin mamaya sa Mama mo."magiliw na sabi ni Charmy. Bakit hindi ko naisip iyon. Pwede din mag-aral dito sa Sevenity Club ang kapatid nito. Libre na may libreng lunch at recess pa. Makakapag-aral pa silang mabuti dito. Dahil matutukan sila ng mga teacher. Makakaminus gastos pa si Alora sa tuition pay dahil libre naman dito. "Gusto ko po. Tuturo nga ako ni Tate mabasa at sulat po. Kulay-kulay pa po Ako sa nobook."sagot nito. "Gusto ko na makita Mama ko eh. Gugutom po kasi ako. Saan po Mama ko?"tanong niya sa akin. "Anong gusto mong kainin little boy?"tanong ko dahil tanghali na pala. "Chicken po gulay din saka gusto ko si Mama ko."sagot niya agad. "Kuha na muna tayo pagkain mo tapos hatid kana ni Tita Charmy sa loob. Ando'n Mama mo." Mabilis naman itong lumapit sakin. "Chicken fillets na lang ibigay mo Ate Eda. Yung cauliflower, sweet beans at carrots ang dagdag sa pagkain ng bata po. Butter fried rice naman ang kanin niya. Salamat." Hindi ko sure kung pwede sa soft drink kaya hindi ko na lang binilhan. "Halika ka na baby Aldave. Nasa loob ang Mama mo."sabi naman ni Charmy at hawak na nito ang pagkain ng bata. "Salamat po Papa Daven. Ba-bye na po inyo."Sabi ng bata at masayang sumama na kay Charmy. "Kain ng mabuti little boy. Bye."ngiti ko. Maya't maya ay nakita kong napatingin sila sakin. Tumaas ang kilay ko. "What?" "I smell fishy here!"sagot ni Jakob. "Layo-layuan mo ang mag-inang iyan! Kung ayaw mong awayin siya ng girlfriend mo!"Sabi naman ni Noven. "Napaka warfreak pa naman ang girlfriend mo! Bagay nga kayong dalawa. Pero kakaiba ang aura mo ng kasama mo ang bata. Parang may something kayong dalawa."sabi naman ni Gray. "Kung ano-ano ang napapansin niyo."seryoso kong sabi. Um-order na ako ng pagkain ko dahil nagugutom na din ako. Hindi ko na pinansin pa ang mga tsismosong mga ito. Kachat ko ang girlfriend ko habang kumain ako. Kahit busy kami sa mga trabaho namin. Hindi namin nakakalimutan ang magkumustahan sa isa't isa. Kaya minsan kung late ako mag reply magagalit ito. Kaya naiinis na ako sa ugali nito. Kapag nag away pa naman kami weeks ang abutin bago kami mag usap. Gusto nito laging sinusuyo. Girlfriend ko siya at hindi ko matiis kaya ako na lang ang nagpapakumbaba minsan. May time na ako naman ang nagtampo hindi ko ito pinansin. Aba, hinayaan lang niya akong magtampo. Pero noong narealise niyang wala akong balak na kausapin ito o makipagbati. Nagbanta itong hihiwalayan niya ako. Binantaan ko din na kung sino ang ipapalit niya sakin papatayin ko. Takot lang nito na baka pati ito idamay ko daw! Where's the give and take na sinasabi nito. Minsan nakakainis na ang ugali ng mga babae. Kailangan talaga ng mahabang pasensiya at pangunawa sa mga abnormal na babae. Tsk! **** Dahil nandito lang din ako at alam kong baka naiinip na ang bata sa loob ng kusina. Pinuntahan ko ito para ipakilala sa mga anak ng mga kaibagan ko. Uwian na kasi nila sa paaralan. Dito nag aaral ang mga anak ng mga kaibigan ko. May daycare, kindergarten at elementary na, wala pang high school na paaralan. Binabalak palang naming magpatayo. Malawak naman ang bakanteng lupa sa tabi ng paaralan ng mga bata. Siguradong matutuwa ito kapag may mga kalaro na siyang mga bata. Napangiti ako ng makita ko itong tumutulong sa Ina nitong nagpupunas ng mga Plato kutsa at tinidor. Nakalimutan kong hindi pala ito nakakaintindi pa ng English. Kaya tinagalog iyon ng nanay niya. Tumutulong daw siya sa Mama niya na nagpupunas ng kutsara at tinidor. Pero ng sinabi kong ipapakilala ko siya sa mga bata ay sumaya ang mukha ng bata. "Mama sama po ako labas ah. Mag good boy po ako doon labas. Para sama mo ulit ako dito."lambing ng bata sa Ina nito. Nakatitig lang ako saknya. Kahit simple lang ito at may kalumaan na ang suot na damit. Nag uumapaw parin ang lakas ng dating nito. Wala pa yang make up sa mukha maganda na talaga ito. Simula palang ng makita ko siya sa picture na pinakita sakin ng makulit kong kapatid. May kakaiba na akong nararamdaman sa dalaga. Pero dahil may girlfriend na ako ay ignore ko ito. At Isa pa napakabata pa nito. Nagulat ako ng tumingin siya bigla sakin. Pero hindi ko na lang pinahalata na nagulat ako. Nahiya yata ito kaya umiwas agad ng tingin sa akin. "Mag behave ka sa labas ha anak."bilin pa nito. "Opo Mama."sagot ng bata sabay halik nito sa labi ng Mama nito. Napatingin ako bigla sa mga labi nito. I miss those lips of her. Ang sarap halikan ang mga labi nito. Nagulat pa Ako ng hawakan na Ako ng bata. "Tara na po Papa Daven."masaya pang sabi ng bata. Hawak kamay na kaming dalawa na lumabas ng kusina. "Ibabalik ko din siya mamaya dito."Sabi ko bago kami lumabas na ng kusina. "Hello mga kids."agaw pansin ko sa mga bata na naglalaro sa playground ng mga bata. "Hello sa inyo po."kaway din ni Aldave sa mga bata. Lumapit agad ang mga bunsong kambal ni Gray at Charmy. Babae pareho ang mga ito. Matanda lang sila ng Isang taon kay Aldave. "Hello what's your name?"sabi ng isa sa kambal. "Aldave ang pangalan ko. Kayo?"bibo din na sagot nito. Narinig na kasi nito kay Noven ang salitang iyon. Mabuti at naalala pa nito. Dahil sumagot agad ito. "I'm Chanel and my twins is Gracel. Come here let's play together. Are you new here?" "Baby Chanel, tagalogin mo siya. Hindi pasiya masyado nakakaintindi ng English."sabat ko. "Ay sorry po Tito Daven." "Halika papakilala kita sa kanila."hila agad ni Chanel at Gracel si Aldave. Masaya naman itong sumama. "Huwag niyo siya aawayin ha?"bilin ko pa. Nandito naman ang mga bantay ng mga bata kaya safe sila dito. Nagbilin na lang ako na pakitignan ang mga bata. Baka awayin nila si Aldave. Well, mababait din naman Ang mga batang ito. Pero hindi lang talaga minsan maiwasan ang bangayan. Na nauuwi sa asaran at pagkapikon. Tapos mag aaway na sila. Bumalik ako sa restaurant at naupo lang doon. Magtatrabaho online gamit ang laptop ko. Panaka naka akong tumitingin sa mga batang naglalaro. Ilang sandali pa ay iniwan ko na muna ang laptop ko at bumalik sa playground. Hindi kasi ako mapakali dahil kargo ko ang bata. Baka mapano sa playground magagalit pa sakin ang Nanay nito. Mahihirapan na akong ilapit ang sarili ko sa kanila. Nagkakasayahan sila ng dumating ako sa playground. Pawis na pawis na ang bata. May dala kayang damit ang Nanay nito para pamalit nito mamaya. Masaya itong kumaway sa'kin. Ngumiti naman akong tumango sa bata. Naghahabulan sila na pati ako nakikitawa na din sa halakhakan ng mga bata. Kung sana mahilig sa bata ang kasintahan ko at gusto ng magka-anak. Ang kaso hindi niya maiwan ang pagmomodelo. Masisira daw ang katawan nito. Kaya naiisip ko na lang minsan na ewan ito. Anong silbi ng sperm ko kong hindi din naman ako makakabuo ng anak. Aba kelan pa niya gusto magka-anak kapag sengkwenta na ako. Mabuti sana kung hindi mag-expired ang egg nila. Maaga palang uuwi ang mag-ina. Susunduin pa daw kasi nila ang kapatid nito sa paaralan. Nag offer ako na ihahatid ko na sila pero tumanggi ito. Nakakahiya daw at nakakaabala na sila ng anak niya. Pero nagpumilit akong ihatid sila. Sumakay na din ang anak nito kaya wala na itong nagawa pa. Sa paaralan kami dumiretso bago ko sila hinatid sa bahay nila. Magpapakabit ako ng solar para sa mga ito. Maayos na ang house tree ko. Naisipan kong dito na lang minsan matulog. Para just in case may magbabantay sa kanila. Nagpagawa agad Ako ng house tree ng malaman kong dito sila nakatira. Gusto kong mapalapit lalo sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD