Kabanata 11

2747 Words
Kabanata 11 Lunes at walang maghahatid sa kapatid ko. Kaya kaming dalawa na lang ng anak ko ang naghatid. Wala kasi ang mag-asawa pumuntang bayan sa kamag-anak nila doon. Ilang linggo daw sila doon mamalagi dahil namatayan ang kapatid ni Nanay Lucy. Safe naman daw kami dito. At saka may nagpatayo ng napakacute na kubo sa taas ng mangga. Malapit lang iyon sa kubo namin. Gusto nga ng anak ko na pumunta doon at pumasok. Wala namang tao magpapaalam sana kami dahil may munting terrace pa. Kahit sa labas lang sana kami. Excited itong sumama sakin sa pinagtatrabahuan ko. Gusto daw kasi niya makakita ng kabayo. Ang kulit na bata. Lalo pa siyang dumaldal. Dala niya ang kotse na laruan para daw may lalaruin siya dun. Hindi naman mainit sa loob ng kusina. Pwede naman ito magtambay sa loob ang anak ko. Wala naman kasi titingin saknya sa labas baka mawala pa ito. Hindi ko kakayanin na mawala ang anak ko. "Saya ko Mama dahil isama mo ko dito. Wow Ang ganda po Mama dito. May tubig na talon-talon oh tapos huhulog yung tubig."bulalas ng anak ko na masaya pang nagpalakpak. Fountain yung tinutukoy niya sa bungad yun ng Sevenity Club. Natatawa nalang din ang kasama namin sa loob ng shuttle bus. Napakadaldal hindi napapagod sa pagtatanong at kasasalita. Sa harap kami ng restaurant nila ma'am Charmy kami ibinaba. Pagbaba palang namin sa shuttle bus ay naglilikot na ang anak ko. May tinuturo na siyang kabayo. Dahil open ang restaurant dito ay kita ko ang mga taong nasa loob ng restaurant. Nakatingin sa gawi namin ng anak ko. Nahiya ako bigla. "Mama may abayo doon oh. Tignan mo may nakasakay pa. Gusto ko sakay dun Mama! Sakay ako Mama!"malakas nasabi ng anak ko. Tinuturo pa ang kabayo sa di kalayuan dito. Nagulat pa ako ng tumakbo na ito papalapit sa kabayo. Kinabahan ako na baka masipa ito ng kabayo kaya mabilis ko itong hinabol. Hinila ko ito at kinarga agad. "Baby behave. Baka masipa ka ng kabayo. Wag basta-basta tatakbo ha."mahina kong sabi. "Sowe po Mama."malungkot nitong sabi sabay tingin sa kabayo. Papalapit naman ito sa amin. May sakay itong lalaki na nakasando at jogger pants lang. "Hanggang tingin lang tayo sa mga kabayo dito bawal ang sumakay, anak. Baka hindi kana nila papasukin pa dito next time."mahinahon kong sabi sa anak ko. "Bakit siya sakay naman po sa abayo ah."nguso nito. Napangiti ako sa kakyutan nito. Magkamukha talaga kami ng anak ko. Iba lang ang mata nito. Siguro sa lalaki nakuha ng anak ko Ang mata nito. "Sa kaniya kasi anak ang kabayo na yan. Ang may-ari lang ang pwedeng sumakay sa kabayo nila."paliwanag ko. Pero Ang anak ko nagpababa sakin tumingin sa kabayo at sa lalaking sakay nito. Napatingin din ako. Si dracula pala ang sakay ng kabayo. Ang kisig nito at pawisan ang braso at dibdib nitong mediyo mabalahibo. Parang model ng mga kabayo ang gwapo pala talaga nito. Lalo na sa magulong buhok nito na bumagay sa mukha nito. Mas maamo ang mukha nito sa araw at nakakatakot naman ang mukha kapag gabi. Dracula nga! "Hello po Papa, pede ako sakay po sa abayo mo po?"matinis na tanong ng anak ko. "Hey little boy!"bati naman nito sa anak ko. Pero sakin naman ito nakatingin. Hindi ko ito pinansin. "Anak wag mo siya tawagin na Papa. Hindi mo yan Papa, anak! Nakakahiya kay Mister."sabi ko sa anak. "Eh!"napakamot pa ito ng ulo. "Ano po tawag ko po sa kaniya Mama?"inosenti nitong tanong sa'kin. "Tit---" "It's okay little boy. Pwede mo akong tawagin na Papa, kung yan ang gusto mong itawag sakin."ngiti nito sa anak ko. Huh? Marunong din pala siyang ngumiti. Bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ngiti palang yun ah. Paano first time ko itong nakita na ngumiti. Kahit noong hinalikan niya ako wala man lang kangiti-ngiti. Napanguso ako. "Hindi pwede na basta ka nalang niya tatawagin na Papa, Mister! Tito or Kuya mas mabuti pa iyon."sagot ko. Pero ang anak ko sa kabayo na nakatingin. Nagniningning pa ang mga matang nakatingin sa kabayo. "Tara na anak. Nakaka istorbo na tayo. May trabaho pa si Mama. Tara na. Pasensiya na po sa abala."sabi ko kay Dracula. Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan nito. "Pero Mama gusto ko sumakay ng kabayo e."kulit ng anak ko. "Anak, hindi ka na naman nakikinig kay Mama."malumanay kong sabi sa anak ko. "It's okay Alo, hindi siya nakakaistorbo sakin."singit naman nito. Nagulat siya. Kilala pa pala niya ako. Tatlong taon na ang nakakalipas. Well, ako din naman hindi ko makakalimutan ang lalaking unang kumain sa labi ko. Ang lalaking nakakatakot sa gabi. Dracula! "Come here little boy."sabi p nito. "Pero baka busy ka po. At may trabaho ka pa. Hindi mo naman kailangan na pagbigyan ang anak ko po."tanggi ko. Kinarga ko na ang anak ko ulit at humakbang na papaalis. Pero ang anak ko umiyak na. Nagpumilit sumama at gustong sumakay sa kabayo. Nahirapan akong hawakan ito. Gusto kong pagalitan ang anak ko pero mamaya na lang kapag nasa bahay na kami. Bumaba naman sa kabayo ang lalaking ito. Siya na ang kumarga sa anak ko. Dahil siguro nakita niyang nahihirapan akong hawakan ito. Nagwawala na kasi ito at malakas na umiyak. Nahiya na naman ako bigla. Pinag titinginan na kasi nila kami. "Stop crying little boy. Magagalit ang kabayo kapag umiiyak ang mga bata. Baka ayaw ka nila isakay sige ka. Tahan na okay."pang-aalo ni dracula. Unti-unti naman itong tumigil sa pag iyak. "Ako na muna ang bahala sa anak mo, Alo. Wag kang mag alala ipapasyal ko lang siya. Ibabalik ko din siya mamaya dito."mahinahon nitong sabi sa'kin. Atubili pa ako na hindi payagan ang anak ko. Kaya lang nakatingin din sakin ang anak ko at naawa ako sa itsura nito. "M-mama."mahina pa nitong tawag sakin. Kaya wala na akong nagawa kundi tumango na lang. "Kung pwede po pakibalik din siya agad dito. Ayoko po kasing maabala ko po kayo."nahihiya kong sabi. "Tawagin mo akong Daven. Mukha na ba akong matanda sa lagi mong paggamit ng po sa'kin."seryosong sabi nito sakin. "Pasensiya na. Hindi ko naman po kasi alam ang pangalan mo."nagyuko ako ng ulo ng nangunot bigla ang noo nito. "Unbelievable!"iyon na lang ang nasabi nito. "Sige na. Wag magpasaway kay Kuya Daven mo ha."lambing ko sa anak ko. "Salamat po Mama ko. I yab you."matinis na naman na sigaw ng anak ko. Masaya na ulit ito. Mukhang excited pa itong sumakay ng kabayo. "I love you too baby ko."ngiti ko sa anak ko. "Tara na po Kuya Daven. Pangalan ko ay Aldave po."pakilala pa ng anak ko Kay Daven. Daven naman pala ang pangalan nito. Dracula pa naman ang tawag ko. Mas malapit pala ang devil. Pero hindi naman siya masama na tao. Masungit at seryoso lang kaya pwede na sa dracula. "I'm Daven little boy."nagshake hands pa silang dalawa ng anak ko. "Salamat po. May kuya na ako."bibo nitong sabi. "Ba-bye Mama. Sakay na ako abayo. Yeeehhh."sigaw pa ng anak ko. Kumaway na lang ako. At mabilis ng pumasok sa restaurant. Natigilan pa siya ng halos lahat ng customers at kasama ng mag-asawang may-ari ng restaurant ay nakatingin sakin. Nahiya siya bigla at nagyuko ng ulo. "Magandang umaga po. Pasensiya na po. Wala kasing magbabantay sa anak ko kaya dinala ko po dito sa trabaho ko."nahihiya kong sabi. "Magkakilala kayo ni Daven?"tanong ni ma'am Charmy. "Mediyo po sa mukha lang. Pero ang pangalan kanina ko lang din po nalaman."sagot ko. "Saan mo siya nakilala?"usisa ng Isang lalaki na nasa restaurant kumakain. "Sa Club Bar na pinagtatrabahuan ko po dati."sagot ko. Sinabi ko ang pangalan ng Club Bar. At sinabing pinasok lang din siya ng kaibigan niya doon. Dahil pagmamay-ari ng Kuya nito ang club na iyon. "Tapos hindi mo alam kung kanino at ano ang pangalan ng may-ari sa pinagtatrabahuan mo dati?!"usisa pa ng isang lalaki. Hindi naman sila mukhang chismoso ano? "Ang alam ko lang pagmamay-ari ng Kuya ng kaibigan ko Ang Club Bar. Pero hindi ko po alam ang pangalan at mukha po. Bawal daw po kasing ipaalam sa iba. Kahit ang kapatid nito na nag pasok sakin doon. Hindi niya pinapakita ang picture at kahit pangalan. At wala naman kaso sakin iyon dahil trabaho naman ang hanap ko."sagot ko. "Lagi mo siya dun nakikita?"tanong ni ma'am Charmy. "Opo! Laging galit sakin yun kapag nakikita niya ako. Kaya dracula na lang ang ipinangalan ko. Hindi ko naman kasi siya kilala ei."simangot ko pero naghalakhakan sila sa sinabi kong pangalan. "Nice name bagay nga iyon sa kaniya. Dracula."ulit pa ng Isa sabay tawanan. "Baka lalong magalit iyon sakin mga Sir. Nakakatakot pa naman iyon kapag nagagalit eh. Tapos dito ko pa siya nakita ulit. Hayyyy. Di ba po pwede naman ang hindi magpapasok dito? Baka ma'am Charmy pakisabi sa asawa mo po paki-ban si Dracula.."nahiya ako ng marealise kong feeling close na ako. Kaya agad na akong humingi ng paumanhin. Agad nagpaalam at pumasok na sa kusina. Narinig kong naghalakhakan sila. "Oh. Yang itsura mo parang may humabol na manyakis sa'yo?" natatawang sabi ni ate Mina sakin. "Nahiya kasi Ako sa mga tao sa labas na kumakain. Dami kasi silang tanong e, hindi ko naman talaga kilala si Sir Dracula."ngiwi ko. "Sinong Dracula?"tanong ni ate Jona. "Si Sir Daven. Ngayon ko nga lang din nalaman ang pangalan niya tapos kung ano-ano na ang tanong nila sakin."nguso ko. "Crush mo ba si Sir Daven? Nako, sinasabi ko sa'yo sa iba ka na lang magcrush. Wag na siya dahil may fiancee na si sir Daven. Super masungit pa naman ang babaeng iyon!"Sabi ni Ate Mina. "Ay nako, hindi ko naman siya crush 'no. Kinuha niya kasi yung anak ko. Kaya ang akala ng mga tao na kumakain dito magkakilala kami. Mukha lang ang kilala ko sa kaniya. Ang sungit din niya kaya kung pwede lang ay i-ban na lang sana siya dito."bulalas ko pa. "Bruha ka! Siya ang taga hawak sa security group dito. Taga manage at taga tingin ng kaligtasan ng lahat. At saka talaga bang hindi mo siya kilala, Alo?"Takang tanong nito sa akin. Umiling lang ako. "Member siya ng Sevenity Club, Isa sa nagmamay-ari ng napakagandang Lugar na ito."pagbabalita ni ate Mina. Nagulat naman ako sa sinabi nito. Sh!t, kung ano-ano pa naman ang sinasabi ko kanina. Kaya pala tumatawa sila dahil nakakatawa naman talaga Ako. Bakit kasi hindi ako nakikibalita sa mga ganap dito. E, de sana may clue ako kung sino siya dito. Napabuntong hininga ako. "Sikat din siya dito actually lahat sila. Pero ang seryoso ng mukha ni Sir Daven pero ang super gwapo naman niya. Swerte mo dahil nakausap mo na ang gwapong nilalang na iyon."kinikilig pang sabi ni Ate Jona. "Yang bunganga mo. Baka may makarinig satin baka sabihan pa tayong ambisyosa."saway ni ate Mina. "Hindi ko naman siya aakitin. Crush is paghanga d'ba. Hindi porke crush mo na yung isang lalaki ibig sabihin jo-jowain muna. Hoy walang ganun!"ismir ni ate Jona. "Alam ko. Pero alam mo Naman ang mga ibang tao dito makikitid ang utak!"sagot din ng Isa. "Parang ang ingay niyo na po."singit ko. "Siya lang iyon!"sabay pa Ang mga ito at nagturuan. Tumawa na lang kaming tatlo. Ang kagandahan lang ay dito lang kami sa loob. May taga kuha ng mga pinagkainan ng mga kumakain dito sa restaurant. Kami na bahala Ang maghugas at lahat. Magaan lang naman kung tutuusin ang trabaho namin dito. Kaya wala akong reklamo. ***** Malapit na magtanghalian ng ibalik sakin ni Sir Daven ang anak ko. Tuwang tuwa ito na nakasakay sa kabayo. Ang dami niyang mga kwento sakin. Kaya nangingiti na lang din akong nakikinig sa mga sinasabi ng anak ko. "Mama liligo pa kami ni Papa Daven sa huhulog na tubig. Ang ganda po doon Mama. Lamig-lamig Ang tubig. Talon pa ako tapos salo po ako ni Papa Daven. Saya-saya po, Mama."bulalas nito. "Anak di ba sabi ko Kuya o Tito Daven ang tawag mo sa kaniya. Nakakahiya na papa ang tawag mo sa kaniya. Hindi natin siya kilala anak."mahinahon kong sabi sa anak ko. "Eh, Mama sabi po niya tawagin ko na Papa. Ayos lang daw saknya ei. Wala naman ako Papa, kaya okay lang Po ba na Papa tawag ko?"inosenti pa nitong tanong sakin. Umiling ako. Ngumuso naman ito. "Hello pogi."bati ni ate Jona sa anak ko. "Hello po!"sabay kaway pa nito. "Sakay po ako kabayo kanina. Ang saya po sakay kabayo."pagkwento pa nito. "Sino kasama mo sumakay ng kabayo ha baby pogi?"magiliw naman na tanong ni Kuya Gibo. "Si Papa, Kuya, Tito Daven po. Diko alam tawag ko ei. Dami kasi sabi Mama tawag ko siya Kuya o Tito e. Pero gusto din ni Papa Daven tawag ko sa kaniya."kumamot pa sa ulo. Natawa naman sila sa sinabi ng anak ko. "E, di Lolo Daven na lang anak kung ayaw mo sa kuya at Tito na tawag saknya."biro ko. "Lolo?"nag-iisip pa ito. "E, Mama hindi naman matanda si Papa Daven eh. Nood kaya ako TV kila Nana, tawag ng bata sa matanda Lolo eh. Ayoko siya tawag na Lolo, Mama."sumimangot na ito. Humalakhak naman Ang mga kasamahan ko sa kusina. "Oh siya! Tigil na sa kakadaldal kumain kana dahil busy na si Mama. Mag behave ka ha. Wag magpasaway dapat nakikinig ka sa sinasabi ni Mama."seryoso ko ng sabi sa anak ko. "Opo Mama, bait po ako. Upo lang po ako dito nood sainyo."sagot naman nito at nagsimula ng kumain. Marunong na itong kumain mag-isa niya. Yun lang makalat minsan lalo na kapag hindi binabantayan. "Wag magkalat ng pagkain ha. Wag magsayang ng pagkain anak. Dahan-dahan lang sa pagkain ha."bilin ko pa. "Opo Mama."sagot naman nito agad. Fried chicken fillet lang at kanin ang pagkain niya. May gulay pang sweet beans, cauliflower at carrots. Akala ko ayaw niya sa gulay na bago lang sa panlasa niya gusto pala nila. Kaya napangiti ako. "Good boy ang anak ko."ngiti ko. Nagpupunas na ako ng mga kobyertos habang patingin tingin sa anak ko. Lumapit ako ng makita kong tapos na itong kumain. Binigay ko ang water bottle niya para makainom na ng tubig. "Busog po ako Mama. Sarap kasi ng ulam."hagikhik nito. Napangiti ako sa sinabi nito. "Halika muna sa tabi ni Mama para may kasama ka. Magpunas tayo ng mga kutsara at tinidor."sabi ko. "Sige po Mama. Tulong ko po Ikaw."sagot naman nito agad. Nasa kalagitnaan na kami ng anak ko sa pagpupunas ng pumasok sa loob ng kusina si dracula. "Hello po, Kuya, Tito, Papa Daven!"sigaw agad ng anak ko pagkakita niya sa lalaki. Bahagyan itong natawa sa pagtawag sakniya ng anak ko. "Wanna come outside little boy?" "Ano daw yun Mama?"litong tanong ng anak ko sakin. "Gusto mo daw sumama sa labas anak?"paliwanag ko naman. "Tutulong po ako kay Mama punas kusara po. Ano gawin ko labas po?"tanong pa nito. "May mga bata doon sa labas gusto kita ipakilala. Gusto mo ng may kalaro d'ba?"masuyo nitong sabi sa anak ko. "Mama sama po ako labas ah? Mag good boy po ako doon labas. Para sama mo ulit ako dito."lambing ng anak ko. Tumingin ako kay Dracula na nakatingin din pala sakin. Yung titig niya na nakakailang heto na naman ang puso ko. Parang kinakalog sa loob lakas Ang pagtibok ng puso ko. Kaya agad akong nagbawi ng tingin. "Mag behave ka sa labas ha anak?"bilin ko pa. "Opo Mama."sabay halik sakin sa labi. Napangiti naman ako. "Tara na po Papa Daven."masayang sabi ng anak ko. Humawak pa sa kamay nito at sabay na silang lumabas ng kusina. Napapatulala na lang ako. Ganito ba ka excited magkaroon ng Papa ang anak ko? Wala naman ito nababanggit at hindi rin nagtatanong tungkol sa Papa niya. Eh, anong isasagot ko sa anak ko. Kahit ako hindi ko alam kung sino ang nakabuntis sa'kin. Hindi ko kilala ang lalaki na nakatalik ko sa gabing iyon. Kahit ang pangalan hindi ko alam. Ang amoy nito lang ang alam ko. Paano ko siya makikilala hindi lang naman siguro ito ang may amoy na gano'n. Ang katawan ng lalaki hindi ko din sure matagal na kasi iyon. Matagal ko ng inalis sa isipan ko ang ginawa kong pagkakasala at nagbunga pa. Magkapera lang para makatakas sa manyak naming Tito. Blessing ang anak ko kung hindi dahil saknya boring ang buhay namin ng kapatid ko. Baka lagi lang namin inaalala ang takot at panganib na mangyayari. Mabuti ngayon alam kong nakalimot na Ang kapatid ko. Nahirapan kami pareho noong una pero kinaya namin. Salamat sa Panginoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD