Kabanata 10
Daven POV
I just thought na hindi ko na makikita ang dalagang ito. Gumanda siya lalo dahil mas matured na ito tignan ngayon kumpara ng nagtatrabaho ito sa Club Bar ko. Maganda ang hubog ng katawan nito hindi payat hindi mataba. Kay tagal kung hinahanap ito na kahit sa bahay nila hindi ko ito makita doon. Pabalik balik at nagbabakasakali na makita ko ito doon. Pero wala akong Alora na makita. Now here she is nagtatrabaho na siya dito sa Sevenity Club.
Then, naalala niya yung gabing iyon. Yung gabing kausap nito ang kaibigan niya sa cellphone at hindi ko talaga ito pinaglagpas pa. Sa isip ko much better na sakin na lang ito mapunta kisa sa mga manyak na makakabili sa dalaga.
Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako sa tuwing nakikipaghalubilo siya sa mga customers sa Club dati. Magiliw ito at mapagpasensya sa mga makukulit na customers sa Club Bar ko.
Ako ang kumausap sa boss ng kaibigan nito na ako ang bibili kay Alora. At pinakiusapan ko din na itago nila ang identity ko. Yes, I sold her virginity and it's worth it. Hindi niya alam na ako iyong kasiping niya sa gabing iyon. Agree ako lahat ng hiling nito noon. Pero isa lang ang hindi ako agree ang lalayo ito at aalis na sa trabaho niya. Kung sakaling makita ko daw siya at makilala dahil sa picture niya. Sana daw kunwari na lang hindi ko siya kilala.
Pero mas nagulat ako sa kaalamang may anak na ito at three years old na siya ngayon. Napatulala ako sa kawalan at nagbilang sa isip ko. Ibig sabihin nagbunga ang isang beses naming pagtatalik sa gabing iyon.?
I want to know the truth. But, how? Kung mapapatunayan kong anak ko nga ito? Anong gagawin ko? I'm engaged now sa long time girlfriend ko. Ayokong masira ang pagsasama namin dahil lang nakabuntis ako. Pero gusto ko din na mabigyan ng magandang kinabukasan ang bata. Kung mapatunayan kong anak ko nga ito.
Kaya hindi ako nagdalawang isip na sundan ito. Gusto ko lang malaman kung saan sila nakatira ng anak nito. May mga mini shuttle bus na naghahatid sa labasan ng Sevenity Club. Para sa mga empleyado na stay out dito. Kaya sinundan ko ang shuttle bus kung saan ito nakasakay.
Sa Barangay Sungay pala ito naninirahan na. Habang sinusundan ko ito ng lihim. Nagtaka ako na parang sa lupang pagmamay-ari ko ito patungo. Tumigil ako sa may mangga na di kalayuan sa kubo na hinintuan nito.
'Dito na ba siya nakatira ngayon?' Tanong pa niya sa isipan niya.
Narinig niyang sumigaw ito at tinatawag ang kapatid siguro nito at anak. Hindi ko sure kung ilan na ang anak nito. O, baka nag-asawa na ito. Nagtyaga akong nagmamasid dun. Nakita kong pumunta ito sa isang bahay doon. Ang alam ko ay Ang bahay ng mag asawang caretaker ng lupang ito banda. Ang bahay kung saan nagtungo ang dalaga.
Lumukso bigla ang puso ko ng marinig ko ang sigaw ng isang bata. Nakita ko itong masayang tumatakbo papalapit sa Ina nito. Sinuway nilang wag tumakbo pero tumakbo parin. Makarating lang agad sa Ina niya. Napangiti siya ang cute na bata. Malusog din ito at hindi mukhang malnourished na bata.
Napasinghap siya ng makitang nadapa ang bata. Pero napangiti siya ulit ng tumayo agad ito at tumakbo parin papalit sa Ina niya. Sinalubong naman agad ni Alora ang bata. Kinarga agad at pinaghahalikan ang mukha at leeg ng bata. Nakakadala ang malakas na halakhak ng bata. Parang hinahaplos ang puso ko sa pagtawa ng bata.
Nanatili siyang nakatayo doon. Nakamasid sa batang anak ni Alora. Ano kaya ang pangalan ng bata? Parang excited akong mayakap ito at makarga. Iba yung pakiramdam ko parang akin yung bata. Nararamdaman ko iyon sa puso ko. Papadilim na ng nagpasya akong umalis doon.
Babalik ako. Kailangan kong ilapit ang sarili ko sa kanila. I want DNA test para maka siguro ako na anak ko nga ang batang ito. Saka ko na iisipin ang fiancee ko. Sa ngayon ay ang bata muna ang pagtuonan ko ng pansin sa ngayon.
*****
Alora POV
Biyernes at Sabado ang wala akong pasok sa Sevenity Club. Kaya ngayong Sabado ang bonding namin ng kapatid ko at ang anak ko. Kasama na din sila Nanay at Tatay. Dito kami sa tabing ilog kumain ng umagahan at tanghalian. Habang naglalaba ako ay kumukuha naman sila ng mga mauulam namin sa tanghali.
Tuwang tuwa ang anak ko ng makahuli si Tatay ng igat, may maliliit pang sugpo at birut. Magaling talaga manguha ng lamang loob na mga isda si Tatay. Mababaw lang naman ang ilog na ito parang batis lang. Kaya safe ang anak ko na hawak naman siya ni Nanay. Kaya malaya akong makapaglaba ng mga damit namin.
Ganito palagi ang routine namin kada Sabado ako naglalaba ng damit namin. At dito kami sa ilog naglalaba. Sabi ni Tatay nakakonek daw ang ilog na ito sa falls sa Sevenity Club kaya malinis ang tubig dito. Dito na din namin isinasampay ang mga damit namin. Hihintayin hanggang sa matuyo bago kami umuwi ng bahay.
Masasabi kong masaya na ako sa simpling pamumuhay namin na ganito. Sana masaya na din ang mga kapatid ko sa kani-kanilang buhay ngayon. Sana successful na sila o nakapagtapos na ng pag aaral. Pero Alam kong nag-aaral pa siguro ang ilan sa mga kapatid ko. Pero yung dalawa naming ate sana successful na sila sa buhay nila. Masaya na ako doon.
Kahit namimiss ko na ang mga iba ko pang kapatid. Maswerte parin ako dahil kasama ko ang Isa naming kapatid. Gagawin ko ang lahat mapag-aral ko lang ito hanggang sa makapagtapos siya. Malapit na dito ang Quezon Province, pero takot akong umuwi doon. Hindi na kami belong sa Lugar na iyon.
Kapag malaki na ang anak ko dadalaw kami sa puntod ng mga magulang ko. Sana may dumadalaw parin sa puntod nila. At sana may naglilinis parin doon.
Nakahiga na ang anak ko sa nilatag ni Tatay na banig sa ginawa nitong silungan namin sa tanghali. Maganda dito tahimik, mahangin at maganda magtambay. Nakakawala ng problema ang tunog ng batis at mga ibon sa mga puno.
Mediyo hapon na ng maisipan naming umuwi na. Gaya ng dati sumakay ulit ang anak ko sa kalabaw ni Tatay. Habang kami ay bitbit na lahat ng dala namin. Hindi naman gaano malayo ang ilog sa bahay sakto lang.
Masayang nagbabay ang anak ko sa mag-asawa bago kami umuwi na ng bahay. Pupunta kami mamaya doon sa bahay nila para makinood ng palabas sa tv sa maliit nilang television. Lagi iyon inuungot ng kapatid at anak ko. Kaya pinagbibigyan ko na lang sila. Malapit lang naman dito kaya okay lang.
Pagkadating namin sa bahay gulat na gulat ako pagpasok ko. Dahil may dalawang malalaking grocery bag na nakapatong sa pinakabalcony ng kubo namin. May isang plastic pa na laman ay laruan ng pang lalaki. Nagpalinga-linga siya sa paligid kung may tao pero wala naman.
May papel siyang nakita at agad na kinuha iyon. "This groceries is for your family. It's a donation from Sevenity Club." ito lang ang nakasulat. Sino kayang taga Sevenity Club member ang nagbigay nito. Para mapasalamatan ko sila.
Malaking tulong na ito sa'min. Salamat Lord sa blessings. Salamat sa nagbigay Lord, Ikaw na po ang bahala sa mabuting taong iyon. Salamat talaga. Maluha-luha na naman ako. Gagawin ko ang lahat para sa kapatid at anak ko. Kahit mamalimos pa ako. Mabigyan ko lang sila ng magandang buhay.
Nagtatabi ako ng pera kahit kunti-kunti lang. Dahil kapag naipon iyon madami naman kapag pinagsama lahat. Para iyon sa future ng anak ko at kapatid ko.
"Wow, Mama dami naman 'yan. Ano po 'yan? Tingin po ako?"bulalas ng anak ko.
"Halla ang dami naman ate. Saan galing mga 'yan Ate?"gulat din na tanong ng kapatid ko.
"Galing sa Sevenity Club. Sa pinagtatrabahuan ko. Donasyon daw nila para satin."ngiti ko.
"Mama bukas po Ako nito ah?"tanong pa ng anak ko sa isang plastic.
"Sige anak."ngiti ko. Masaya naman itong sumalampak ng upo sa papag.
Naupo na din kaming dalawa ni Ajela at sinimulan ng halungkatin ang mga nasa plastic.
"Ang dami Ate. Ang bait-bait naman po nila. Makakain na tayo ng mga ganito. Wow, gusto ko ito. Pwede buksan ko na Ate?"tanong niya sa Chocolate na Tobleron.
"Hingi din po Ako."sabi naman ng anak ko.
"Tag Isa lang kayo ha. Baka masira ngipin niyo. Mamaya ulit ang iba."Sabi ko.
Masaya ako para sa anak at kapatid ko dahil masaya na naman ang mga ito. Salamat talaga sa mga nagdonate ng mga ito. Kung sino man sila o siya maraming salamat sa'yo. Napasaya mo ang kapatid at anak ko. Sigurado akong masaya din mamaya sila Nanay at Tatay sa ibibigay namin.
"Mas maganda itong kainin ninyo."Sabi ko sa biscuits na Oreo.
"Bukas na lang po yan Ate. Pwede din po kaya ako magbaon niyan sa school Ate?"tanong pa sakin ng kapatid ko.
"Ako Mama gusto ko yan."sabi Naman ng anak ko. Napangiti ako at binuksan ang isang plastic na oreo at binigay ko sa kaniya ang isa.
"Oo naman para iyan sainyo ni Dave."sabi ko.
"Baon din ako ah."singit ng anak ko. Napahagikhik naman ako dahil ang dungis na ng pisngi niya.
"Opo, kaya tama na 'yang chocolate itago na natin. Kuha ka ng Tupperware Tate Aje, yung puti para ilagay natin ang mga chocolate. Para hindi makakatikim ang mga langgam."Sabi ko at nagkatawanan kaming dalawa.
"Mama ah."sabi ng anak ko may isinusubo ito sakin. Ngumanga naman ako. Tinikman ko ang isinubo ng anak ko chocolate pala iyon.
"Thank you baby ko."ngiti ko sabay halik sa pisngi nito. Napatawa naman ito.
Hindi pa pala natuloy na binuksan ng anak ko ang isang plastic. Kaya kinuha ko ito at Ako na Ang nagbukas. Mga laruan at gamit pang bata.
Mukhang mamahalin pa Ang mga ito. Nako sana pagkain na lang ang binigay nila o bigas. Aanhin namin ang mga laruan na ito. Sasaya ang anak ko oo, pero dapat praktikal na lang sana. Pera na lang sana ang binigay. Sabi ko sa isipan ko. Pero pera naman nila ito kaya bahala na nga sila.. Salamat parin dahil may laruan na ang anak ko.
"Kuha ka ng plastic pa kung meron diyan sa kusina natin Tate Ajela ha. Bigyan natin sila Nanay at Tatay mamaya kapag pumunta tayo makinood."
"Opo ate."sagot naman nito.
"Baby Dave, ganda ng laruan oh."pakita ko sa isang kotse at robot. May baril-baril pa na pwedeng lagyan ng tubig. Mga kung ano-ano laruan pa ang nasa plastic.
Walang katapusang pasasalamat na ang ginawa ko sa panginoon. Si Lord na ang bahala sa mabuting taong nagbigay sa'min na blessings na ito.
"Ate may bigas pa po dito Isang sako."sabi ng kapatid ko.
Napalingon ako sa may likod ko. Hindi ko napansin ito kanina akala ko basahan lang namin. Tinakip lang pala nila ang basahan namin sa bigas na binigay nila. Nalula siya na hindi makapaniwala. Blessings in disguise ba na narinig ng amo ko Ang usapan namin sa kusina. At narinig ni dracula na leftover lang ang pagkain namin. Pati handa ng anak ko sa birthday niya leftover din. Hindi kaya ito ang nagdonate ng lahat ng 'to?
Kung sakaling siya man ay sobrang thank you sa kaniya. Kahit dracula ito ay may mabuting kalooban din naman pala. Babawiin ko na lang na mabait ito kung malalaman kong hindi siya ang nagbigay ng mga ito.
"Tamang tama po Ate dahil Isang saingan na lang ang meron tayong bigas ngayon. Salamat talaga sa nagbigay ng mga ito Papa Jesus."masaya pang bulalas ng kapatid ko.
Naluluha talaga ako sa blessings na ito. Yung hirap na hirap akong pagkasyahin ang sahod ko sa pang araw-araw namin dito. Heto may mabuting tao ang tumulong sa'min na magbigay ng pangangailangan namin dito. Hindi talaga ako magsasawang magpasalamat panginoon.
Nilingon niya ang anak at busy sa paglalaro sa mga bagong laruan nito. Habang kumakain ng biscuits. Bigla itong tumingin sakin kaya ngumiti ako sa anak ko.
Lumapit naman ito sa'kin at nagpakandong. Kaya niyakap ko naman ito agad.
"Masaya ba ang baby namin?"malambing kong tanong.
"Opo Mama. Saya-saya ko po. May yaruan na ako. Ganda pa. Salamat po."matinis nitong bulalas. Napahagikhik kami ni Ajela.
Ng gabi din na iyon ay nagpunta kaming bahay nila Nanay Lucy at Tatay Doro, makinood ng Palabas sa TV.
Nagulat pa sila sa mga dala naming mga pagkain at biscuit. May loaf bread pa at palaman na din. Pati delata at noodles binigyan din namin sila at bigas pa. Masayang masaya naman sila sa binigay namin. Na halos ayaw na nilang kunin para nalang daw sa dalawang bata. Pero pinilit ko na lang para sa kanila iyon.