Kabanata 9
Three years later......
Nagtatrabaho na ako dito sa napaka gandang lugar at sikat na pasyalan. Lalo na sa mga sikat at mayayamang mga tao dito sa Pilipinas. May mga artista, model, singer, businessman at iba pa. Busog palagi ang mga mata ko. Sa mga nakikita ko kapag dito sa restaurant sila kumakain. Sa Tv ko lang nakikita dati ngayon sa personal na.
Minsan na din kasi akong nag-serve ng pagkain. Dahil kulang ang mga taga serve noong time na iyon. Ang swerte lang dahil artista ang unang nahatidan ko ng pagkain. Actually taga hugas at linis ako sa kusina. Iyon ang available na trabaho kaya ayos lang mabait naman ang mga Boss namin.
Dito ako nakakakuha ng mga pagkain namin ng anak ko at kapatid ko. Kasama na ang dalawang matanda na kumopkop samin. Sila na ang nagbabantay sa anak ko. Ayaw ko sana kasi malikot Ang anak ko. Kawawa naman si Nanay Lucy, na maghabulan sila ng anak ko. Kaso wala naman palang magbabantay talaga kapag nasa trabaho ako. Sobrang kulit, malikot at madaldal ang anak ko. Ang anak ko na lang daw ang libangan nila. Dahil malayo sa kanila ang mga apo nila.
Oo nagbunga ang isang gabing pakikipagtalik ko sa lalaking hindi ko kilala. Pero ayos lang dahil sakin naman nagmana ang bata. Xerox copy niya ang mukha ko. Hindi ako nagsisi na nagbunga ang pagbebenta ko sa sarili ko sa estranghero. Nakwento ko na ang dahilan kay Nanay Lucy, kaya ako nabuntis.
Ang perang binayad sakin ng lalaking iyon ay pinambili namin ng gamit para sa ipapatayong kubo namin. Ibinili ko ang ibang pera para may gamit kami pangkusina. Bumili din kami ng kapatid ko ng banig, unan at kumot na din. At nagpagawa din kami ng maliit lang na banyo sa tabi lang din ng kubo namin. Magkatabi ang palikuran at ang kusina sa labas ng kubo namin.
Dahil sa hindi inaasahan na pagbubuntis ko. Ang natirang pera ay ginamit ko sa panganganak ko. Lagi akong sinasamahan ni Nanay Lucy sa bayan para magpacheck up noon. Madami din silang sakripisyoso sa'min ng kapatid ko at anak ko. Kaya sobrang thankful ako sa mababait na mag asawang ito.
Alam na alam na ng kasamahan ko dito sa kusina. Na kapag malinis pa ang mga tirang pagkain ng mga kumakain dito ay itinatabi nila. Pagsamasamahin nila iyon sa malinis na Tupperware. Dahil iuuwi ko yun para may ulam kami mayang hapon.
Gano'n ang ginagawa ko simula nagtrabaho ako dito. Five months ko na din dito na nagtatrabaho. Kaya sanay na ang mga kawork ko sa'kin. Minsan naawa sila sa kalagayan ko pero hindi ko na lang iyon pinansin pa. Malinis naman ang mga pagkain na tira ng mga kumakain dito. Makikita naman kung may kagat o nagalaw na. Mga taga linis sa lamesa na din ang bahala na magtabi sa pwedeng kunin at hindi na ulam.
Hinuhugasan ko naman ang mga ito sa mainit na tubig. Uulitin ko din naman na lutuin pagkauwi ko sa bahay. Minsan mga gulay din kinukuha ko. Basta alam kong pwede pa at malinis. Sigurado naman akong maraming gumagawa nito. Hindi lang ako para makasurvive sa mundo.
"Kuya, pwede kaya ako umuwi ng maaga ngayon? Birthday kasi ng anak ko ngayon eh."tanong ko sa head sa kusina. May pinakahead pa na iba. At iba din sa Amin na taga linis at hugas sa kusina.
"Dapat sinabi mo ng maaga para nakapag ambagan kami ng handa para sa anak mo."Sabi naman ni Ate Jona.
"Marami naman na itong naitabi niyo po ate. Mahina yatang kumain ang mga customer ngayon dito. Dahil ang daming hidni naubos na pagkain. Sayang kapag itapon lang."ngiti ko.
"Kelan mo pa ginagawa ang magtabi at ulamin ang mga tirang pagkain na yan, Alo?"bulalas ng Boss naming si Ma'am Charmy.
"Ah..eh..ma-matagal na po ma'am. Sayang din kasi kaya naisipan kong kunin nalang kesa itapon. Malinis pa naman ang mga tirang pagkain. At saka niluluto ko naman po ulit pagkauwi ko sa bahay."paliwanag ko.
"Kanino mo ipinapakain ang mga 'yan?"usisa pa nito.
"Kami po ng pamilya ko. Anak ko at kapatid ko, si Nanay at Tatay, ma'am. Ayos lang iyon para makatipid po kami sa gastusin. Hindi naman po kami nagkakasakit."
Bumuntong hininga ito.
"Ahm ma'am...pwede po ba ako umuwi ng maaga ngayon ma'am Charmy? Birthday kasi ng anak ko ngayon. Gusto ko po sana na maagang umuwi ngayon para sa anak ko."nagcross finger pa ako na sana payagan ako umuwi ng maaga. Natuwa ako ng pumayag agad ito.
"At saka ma'am pwede po pabalot ng desserts. Kahit cheese cake lang po para sa anak niya. Bawas niyo na lang po sa sahod ko."sabi naman ni Ate Mina.
"Nako, wag na po ate. Nakakahiya naman po sainyo. Tama na ito ang importante makauwi ako ng maaga para sa anak ko"sabi ko. Tinapos ko na muna ang trabahong nakatuka sakin.
Sinimulan ko ng ayusin na ang tatlong Tupperware na may lamang karne at gulay. Inilagay ko na ito sa eco bag na lagi kong dala. Yung cellphone ko na dito ko pa in-charge. Pati yung portable flashlight at isang portable fluorescent na pahaba. Para may ilaw kami kapag gabi. Wala kasi kaming kuryente.
"Ikaw talaga lagi ka na lang nahihiya. Tanggapin mo na lang habang mabait pa kami."biro naman ni Kuya Gibo. Natawa na lang ako.
"Babawi din ako sainyo kapag nakaluwag luwag na ako. Salamat talaga sainyo."madamdamin kong sabi.
"Oh, tama na ang drama. Tinatawag kana ni ma'am Charmy."singit ng Isang waitress. Ngumiti pa Ito sakin.
Binitbit ko na ang eco bag ko at ang sling bag ko. Nagpasalamat muna ako sa kanila bago nagpaalam ng umalis. Ngumiti naman sila sakin. Binati pa nila ang anak ko ng happy birthday. Sobrang saya ko naman.
Paglabas ko ay kita ko si ma'am Charmy na may kausap na lalaki. Customer yata ito o kaibigan nito. Napatulala ako ng mamukhaan ko ang lalaking kausap ni ma'am Charmy. Pakiramdam ko nagulat din ito ng makita ako. Ilang minuto din Akong napatulala. Napaigtad pa ako ng may humawak sa balikat ko. Lumingon ako agad at si ma'am Charmy iyon. Ngumiti pa Ito sa akin.
"Sorry po ma'am. Pwede na po ba akong umalis ma'am?"taranta kong tanong. Hindi ko alam kung bakit ako natataranta ng ganito. Dahil siguro sa nakita ko na naman ang lalaking dracula na nagnakaw ng halik sakin. Nakita kong bahagyang ngumingiti ito.
May ipinatong siya sa table na dalawang katamtaman na plastic. May mga laman iyon na hindi ko alam kung ano. Basta excited na akong makita agad pagkauwi ko.
"This is for your baby. Gift na namin iyan sa kaniya. Para hindi lang leftover ang handa niya ngayon. I'm sorry for my words, nagulat lang kasi ako kanina sa narinig ko. I hope na healthy ang baby mo at malayo sa mga sakit."ngiti ng boss namin sakin.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nitong leftover dahil totoo naman iyon. Halos dito na kami nabubuhay sa leftover na pagkain namin araw-araw, sa restaurant nilang mag asawa. Kailangan ko kasi talagang magdouble kayod. Dahil nag-aaral pa si bunso at nag gagatas pa ang anak ko. Nagbibigay din ako sa matandang mag asawa sa pag aalaga nila kay baby Aldave ko.
May tanim kaming talbos ng kamote at malunggay sa gilid para may pagkuhanan kami ng ulam. Tapos naghihingi kami ng tanim din nila Nanay Lucy na gulay minsan.
Napaluha siya sa galak. "Salamat po ma'am siguradong matutuwa po ang anak ko. Maraming salamat po ulit."
"You're welcome, Alo. Ilang taon na ang anak mo ngayon?"tanong pa nito.
"Mag three years old na po ma'am ngayon."nakangiti ko ng sagot.
"Ipasyal mo dito minsan."ngiti pa nito.
"Pwede po ba ma'am?"tanong ko.
Tumango naman ito na nakangiti. Masaya naman ako sa pagpayag ng Boss namin. Dahil makulit ang anak niya gusto daw sumama sakin dito. Gusto makakita ng kabayo. Napangiti ako. Agad na din akong nagpasalamat at nagpaalam na agad.
Hindi ko na pinansin pa si dracula na napatulala sa kawalan. Bahala siya sa buhay niya. Hindi naman kami close ng lalaking iyan. Kasungit kaya niya hmp!
****
"Nakauwi na ang Mama! Hello baby ko!"malakas kong sigaw sa labas ng kubo namin.
Kahit kubo lang matibay at malinis naman ng kubo namin. Ilang bagyo na ang dumating ay nanatiling matibay parin ang kubo namin.
Wala yata sila dito sa kubo. Kaya pumasok na ako sa loob ng kubo at pinasok ang mga dala ko. Wala naman kaming aso at pusa kaya safe Ang pagkain namin. Sa mga langgam lang pala hindi safe ang mga ulam namin. Lage sila nakikihati sa pagkain namin. Ang masama pa nagtawag pa sila ng sandamakmak na kapamilya nila. Mabuti na lang hidni matakaw kumain ang mga langgam. Nailing siya.
Pagkasabit ko sa mga plastic na dala ko. Agad akong nagtungo sa bahay nila Nanay Lucy at Tatay Doro. Papalapit palang ako sa bahay nila Nanay Lucy, nakita na Ako ng anak ko na naglalaro sa labas. Madungis na naman ito dahil sa buhangin na lagi niya nilalaro. Napangiti siya dahil kahit madungis napakacute parin niya.
"Mamaaaaaaa!"sigaw nito na patakbong lumapit sakin.
"Wag tumakbo anak madapa ka!"hagikhik ko. Pero tumakbo parin malapitan lang niya ako agad.
"Dave, wag tumakbo."habol din sa kanya ni Ajela. Pero nadapa sa kakulitan. Pero natawa kami dahil bumangon agad ang makulit na bata. Mabilis parin na lumapit sakin kaya mabilis na akong lumapit saknya. Baka madapa ulit ito.
Agad itong yumakap sakin sa binti. Kinarga ko naman agad ito at pinupogpug ng halik sa leeg at mukha. Humalakhak naman ito sa ginawa ko. Ibinaba ko muna ang anak ko at tinignan kung may sugat siya. Mabuti at gasgas lang naman.
"Ang aga mo yata ngayon hija?"tanong ni Nanay Lucy.
"Nagpaalam po akong uuwi ng maaga Nay, dahil birthday nga po ng makulit nating baby."masaya kong sabi.
"Kaya pala excited kang hinihintay ng anak mo. Nakalimutan kong ngayon pala ang birthday ng apo ko. E, di sana nakapagluto ako kahit kunti lang. Ulyanin na talaga ang Nanay niyo"natatawang sabi nito. Makakalimutin na kasi ito minsan. Natawa na lang din kami ni Ajela.
"Ayos lang po Nay, may dala po Ako. Bigay ng amo ko sa restaurant."ngiti ko.
"Tignan mo ate nadapa siya pero hidni man lang umiyak. Kapag kami lang dito kunting palo lang sa pwet e, nagsusumbong na agad kay Tatay Doro. Sumbungero siya eh."pang aasar ni Ajela sa anak. Natawa naman si Nanay Lucy.
"Hindi ah!"tangi nito.
"Oo, kaya nagpapakitang gilas ka lang naman kay Mama mo eh."pang aasar pa nito.
"E, d'ba Nana hindi naman."nguso ng anak ko.
"Aysus! Nagpakampi pa ang birthday baby boy namin na yan."kiliti ni Ajela.
Humalakhak na naman ito sa pangingiliti ng Tita niya.
"Nanay si Tatay Doro po?"tanong ko.
"Baka pauwi na iyon. Kinuha lang yung alaga niyang kalabaw. Gusto nga sumama itong batang ito e. Gusto daw niya ulit sumakay sa kalabaw. Hindi ko pinayagan kasi malayo baka mahulog pa siya. May kalikotan na kasi ang poging batang ito."malumanay na sabi ni Nanay.
"Tata Oro ko iyon."sabay turo sa di kalayuan dito.
"Mama usto ko sakay dun."ungot na ng bata. "Tata sakay akoooo!"matinis nitong sigaw. Napatawa na lang kami. Kumaway naman si Tatay Doro.
Kaya lumapit na kaming lahat doon para isakay na ang batang makulit na ito. Dahil birthday naman niya pagbigyan ang baby namin. Masaya ako na naging parang totoong magulang na namin ni Ajela ang mag asawang ito. Alam na nila lahat ang kwento ng buhay naming magkapatid. Nakilala na din namin ang ilan sa mga anak nila Nanay Lucy at Tatay Doro ng namasyal sila noong nakaraang pasko.
"Maaga ka yata ngayon na umuwi hija?"pareho lang sila ng tanong ni Nanay.
"Opo Tatay, birthday kasi ng makulit nating baby. Kaya nagpaalam akong maaga."ngiti ko.
"Ay aba, bakit hindi namin alam na ngayon pala Ang birthday ng apo namin. Di sana nakahuli Ako Isa sa alagang manok natin para may pang-ulam tayo ngayong hapunan."sabi nito.
"Usto ko inola Tata. Salap yun e."singit ng anak ko. Napangiti kami sa pagsisingit ng anak.
"Saka na lang po Tatay. May binigay po sakin na pagkain ng Boss ko. Kailangan ko na pala lutuin iyon para sa pagkain natin mamaya."sabi ko.
"Manguha din ako ng talong sa tanim namin ni Aje. Para may dagdag tayong handa mamaya para kay kulit."ngiti ni Nanay.
"Tara Aje, tulungan mo akong magluto sa bahay. Sunod ka na lang po Nanay dun at sa Bahay na po natin lahat lutuin yan."sabi ko.
"Sige hija. Sunod na ako diyan."
"Baby ko. Wag malikot kay Tata ha baka mahulog ka."bilin ko pa.
"Opo Mama kapit ako kay Tata."sagot naman nito na masayang nakasakay sa kalabaw. Malapit ito sa mag asawa kaya kahit papano gumagaan ang pakiramdam ko. May mga nakagisnan itong mga Lola at Lolo kahit hindi naman namin sila kaano-ano. Sila na din ang nagsabi na apo nila ang anak ko. Kaya salamat talaga sa kanila.
Maraming salamat Lord sa hidni mo pagpapabaya samin dito. Gabayan niyo pa po sana kami palagi lalo na ang kapatid ko at anak ko, Lord. Taimtim kong dalangin.
"Wow!"bulalas ng kapatid ko. Ito na kasi ang nagbukas sa mga pagkain na dala ko.
"Ano ang laman?"tanong ko dahil nagsisimula na akong magsindi sa lutuan namin.
"Madaming cupcakes po iba-iba ang kulay. May cute na cake din Ate at yung isa naman fried chicken at spaghetti. Wow. May biko pa!"bulalas ulit nito. Baka nilagay na ni ma'am ang paninda nila na cupcakes at cake sa restaurant nila.
Napalingon ako sa kapatid ko. Bihira na lang kasi kami makakain ng masasarap at alam kong favorite niya ang spaghetti.
"Patingin nga."lumapit ako baka nagbibiro lang kasi ito. Pero totoo nga ang sinabi nito. Pati yung nasa Tupperware din na bigay ng mga kasamahan niya sa kusina. Parang hindi naman pagpag na tira-tira iyon na pagkain. Yung Isang Tupperware lang Ang laman ay yung pagpag na kami mismo ni ate Jona ang nagtabi. Naluluha siya sa nakikita.
"Ang sarap ng amoy Ate. Excited na akong kumain."masayang bulalas pa nito. Napangiti na lang ako at niyakap ko siya.
"Akap din kami ni Nana."malakas na sabi ng anak ko.
"Inggetiro ka talaga maliit na matanda!"natatawang sabi ng kapatid ko. Humalakhak naman kami ni Nanay sa sinabi ng kapatid ko.
"Wow Mama dami pakain!"palakpak pa nitong sabi ng makita ang mga nakalatag na pagkain sa mababa lang naming lamesa. Kumuha ito agad ng isang cupcakes.
"Madumi ang kamay mo baby, maghugas ka muna. Hindi pa tayo nagpray at kumanta ng happy birthday sa'yo eh. Kumuha kana agad."suway ng kapatid ko. Napatigil naman ang bata.
"Kanta na kayo ah Mama, Nana at Tate. Si Tata asan na usto ko na kain e. Isa lang naman po. Pi-pray na din ako ah?"daldal nito. Humagikhik naman kami ng kapatid ko. Masaya naman na nakatingin si Nanay sa anak ko.
"Hugas ka muna ng kamay apo."sabi naman ni Nanay. Kaya tumalima naman agad ito sinundan naman ni Ajela para tulungan na maghugas nga kamay.
"Magluluto pa tayo ng ulam natin na gulay anak. Kunin mo na ang Isa para mamaya sabay na tayong lahat kumain. Kumuha ka na din Aje tag-iisa lang kayo ha."sabi ko pa. Baka mamaya wala na silang gana kumain.
Nagtulong na kaming nagluto ni Nanay papadilim na ng magsimula kaming kumain. May dala si Tatay na ilaw yung luma ng lampara pero gumagana pa. Maliwanag ito kaya sakto lang para makakain kami ng mabuti.
Bago kami kumain pinag pray muna namin ang anak ko at kinantahan ito ng happy birthday. Tuwang tuwa ito at nagpapalakpak pa bago nagblow ng kandila. May kiss pa ako. Nagkiss din siya kay Aje, Tatay at Nanay. Napakasweet na bata.
First time nitong magka-cake. Dati kasi cupcakes lang ang cake nito sa una at pangalawa nitong kaarawan. Na nabili lang namin sa tindahan. Pero masaya parin naman ito. Mas masaya lang siya ngayon dahil malaki na daw ang cake niya. Napangiti kami sa kakyutan nito.
Masaya kaming kumain puno ng tawanan at kulitan ang hapunan naming ito. Kahit ganito lang kuntento na ako. Makita ko lang na masaya ang mga mahal ko sa buhay masaya na din ako.