Lumikha ng ingay ang pagkakabato niya sa bote kaya't narinig iyon ng mga magulang.
"Son, are you okay? What happened?" Tanong ni Aaron na nilipitan ang anak.
"Amelia Erie! Ano na naman ba'ng kalukuhan 'to? Kung bumalik ka lang sa Pilipinas para maging sakit sa ulo namin ng daddy mo ang mabuti pa bumalik ka na lang sa America!" Pasigaw na sabi ni Valerie sa anak.
"Amier, ang pangalan ko at matagal ng patay si Amelia Erie! Mommy! Kahit kaunti, suportahan mo naman ako! Alam kong hindi na ako 'yung batang inalagan at pinalaki mo noon dahil isa na akong ganap na lakaki ngayon, pero anak mo pa rin ako, kahit ano pa'ng kasarian ko!"
Mas tumindi pa ang emosyon dahil sa pag trato sa kanya ng ina. Kahit ano'ng gawin niya hindi siya nito kayang tanggapin.
Pagka graduate noon ng high school umalis siya sa Pilipinas. Wala s'yang nakuha financial support mula sa mga magulang kaya kayod kalabaw siya noon sa America upang mabuhay at pag-aralin ang sarili.
"Kailan ba maiintindihan ng isang ina na ang anak niya ay hindi normal? Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan? Ako din, dahil anak kita! Sinisisi ko ang aking sarili kung bakit ka nagkaganyan! May mali siguro sa pagpapalaki ko sa'yo!"
Napailing na lang si Aaron sa mag-ina habang sapo-sapo ang ulo at nakapikit ang mga mata.
"Walang mali sa'kin mommy! Alam mo kung ano ang mali? Ang ipilit sa'kin na babae ako!" Luhaan na wika niya napatayo sa pagkakaupo.
"Enough!! Amier, hindi mo dapat sinasagot ng ganyan ang mommy mo!"
"Mali naman talaga si mommy! Dad! Kailan niya ba ako tatanggapin pag patay na ako? Huh!" Pasigaw na sabi ni Amier, habang lamlam ng luha ang mga mata.
Sa sinabi n'yang iyon natahimik ang mga magulang. Hindi na naghintay sa sasabihin ng mga ito kinuha ang susi ng sasakyan at umalis
sa mansion.
"Sweetheart, bakit mo naman ginanon si Amier? Sabi ko naman sa'yo na ako na ang bahala sa anak na'tin." wika ni Aaron na bahagyang hinaplos ang pisngi ng asawa.
"Anderson, hindi ko napigilan ang aking sarili, hindi ko matanggap na nawala na ang aking panganay na anak na babae. Ang laki ng pinagbago hindi lang itsura maging ang mga pananaw nito sa buhay." Mangiyak-iyak na wika ni Valerie.
"Sweetheart, hindi man ito ang ating ginusto para sa anak na'tin pero kailangan tanggapin. Nagtiis si Amier sa mahabang panahon na wala tayo sa tabi niya. Now, this is the right time para bumawi." Matapos na sabihin yon ni Aaron niyakap nito ang asawa.
( Nick's Resto-bar )
Pagdating sa resto-bar kaagad s'yang nag order ng alak sa waiter. Nagpalinga-linga sa paligid upang tingnan kung may ipinagbago ang resto-bar. Walang nagbago maliban sa mga waiter ng bar. Lalagok na sana ng alak sa baso ng may humawak sa likod niya. Paglingon nakangisi presensya ng kanyang best friend ang nakita. Tumayo siya at yumakap sa matalik na kaibigan.
"Amier, buddy! Dati sa video call lang tayo nag-uusap ngayon ito ka na sa Pilipinas. Gwapo at astig mo men! Kaya tingnan mo ang mga babae sa paligid kulang na lang lunukin ka nila ng buo." Nakangiting wika ni Niko na umupo paharap sa kanya.
Si Niko ay anak ng kanyang Tito Nick at Tita Joice. Tatlong taon ang tanda niya dito kaya pasok pa din sa banga. Magkasundo sila noon pa man at isa si Niko sa mga crying shoulder niya noon.
"Sana pati puso astig din para hindi ako nahihirapan ng ganito. Wasak na nga ang puso sa pag-ibig pati sa pamilya ganon din. Buddy, my life is a mistake!" Pabuntong hininga wika niya habang nakatingin sa kawalan.
"Huwag mong sabihin na pagkakamali ang buhay mo. Sadyang hindi ganon kadali tanggapin ang mga katulad na'tin. Buti ka pa nga dahil nagawa mo ng mag out, ay ako? Hanggang ngayon kailangan ko pa din magpanggap na tunay na lalaki." Malungkot na wika ni Niko na sumimsim ng alak sa baso.
"Wala ng dahilan para itago mo ang iyong tunay na kasarian. Siguro naman matatanggap ka nina Tito Nick at Tita Joice." wika ni Amier na tinapik ng bahagya si Niko.
"Natatakot ako baka hindi rin nila ako matanggap kagaya sa'yo. Matatanggap ba ni daddy na ang unico hijo niya ay isang bakla? Si mommy pariho din siya ng mommy mo."
"Ikaw na ang nagsabi na ang katulad na'tin ay mahirap tanggapin sa lipunan. Tanggapin ka man nila o hindi ang mahalaga tanggap mo ang sarili mo. Hindi naman na'tin ginusto na maging ganito. Isang pagkakamali ang mabuhay sa lipunan na ginagalawan na'tin pero ang maging ganito tayo ay hindi pagkakamali." wika niya sabay hit-hit sa sigarilyong hawak.
"Buddy, nakakabilib ka, 'kasi kinaya mo kahit walang suporta mula sa parents mo. Sana kasing tapang kita para makawala na ako sa loob ng shell."
Naawa siya para sa kaibigan dahil alam niya ang ganoon pakiramdam. Nakakulong at pakiramdam na doon na mamatay sa loob ng shell. Hindi naging madali ang buhay niya sa America dahil hindi siya sana'y sa ganoon na kahirap na buhay. Akala ng lahat pag nasa America ay masaya at maraming pera. Maganda ang buhay sa America kung magbakasyon ka lang pero kung mag trabaho hindi ganon kadali. Sa taas ng coz of living doon kailangan igugol mo ang lahat ng oras sa paghahanap buhay.
"Nagpakatotoo lang ako, buddy. Kung hindi ako naging matapang noon siguro namatay na ako sa loob ng shell. Bakit hindi mo subukan kausapin ang mga magulang mo? Ipagtapat mo sa kanila na isa ka talagang darna at hindi batman."
"Hindi ko alam kung saan magsisimula. Sa tuwing maglalakas loob ako na kausapin sila pinangungunahan ako ng takot. By the way, tuloy pa rin ba ang plano mo? Sigurado ka ba na paghihigantihan mo ang babaeng unang nagparamdam sa'yo na lalaki ka?" Seryoso tanong ni Niko na tumingin sa mga mata niya.
"What do you think? Umuwi ako dito para sa kumpanya ni daddy? No! Umuwi ako para umupo bilang CEO ngunit gagamitin ko lang ang posisyon na 'yun para paluhurin si Zaniyah!"
"Balita ko nalulugi na daw ang kumpanya minana ni Zaniyah mula sa sugar daddy nito na kano. Gwapo ka mayaman. Bakit hindi ka na lang humanap ng iba'ng babae na bubuong muli sa puso mo? Walang kahihinatnan ang paghihiganti, alam mo 'yan dahil nangyari na sa mga magulang mo." wika ni Niko na bahagyang tinapik ang kanyang balikat.
"Yeah, I know! Bago ako umuwi sa Pilipinas pina imbestigahan na ni dad si Zaniyah at ang kumpanya nito. Magiging isang hero ako sa paningin ni Zaniyah, paiibigin ko siya ng husto at pag nangyari 'yun doon ko wawasakin ang puso niya! Iba sina mommy at Zaniyah, si Zaniyah ang tipo ng babae na gold digger at hindi marunong makuntento."
Hindi niya namalayan nadurog na pala sa mga kamay ang hawak na sigarilyo. Kahit apoy hindi na niya naramdaman dahil higit na mas masakit ang sugat sa puso na iniwan ni Zaniyah.
"Alam ko na walang makakapigil sa'yo, pero sana pag-isipan mo ng ilang ulit upang wala kang pagsisihan sa huli."
Matapos sabihin yon ni Niko tumayo ito at umalis na. Tumayo para umuwi na. Kaya pa naman niyang magmaneho dahil sana'y siyang uminom ng marami. Hindi s'ya uuwi sa mansion dahil ayaw niyang harapin ang galit ng ina. Sa condo unit siya uuwi kung saan doon dapat didiretso sa pag-uwi sa Pilipinas. Habang binabagtas ang pauwi sa condo unit may nakita s'yang tatlong lalaki may magandang babae na hinaharas ang mga ito. Binuksan niya ang bintana ng sasakyan upang takutin ang tatlong lalaki.
"Let her go! Kung hindi tatawag ako ng pulis!" Pasigaw na sabi niya habang nakatingin sa direksyon ng tatlong lalaki.
Nagtakbuhan ang tatlong lalaki kaya't alam niyang ligtas na ang babae. Nang isasarado na niya ang bintana ng sasakyan natumaba ang babae. Kaagad lumabas sa sasakyan upang tulungan ito.
"Miss! Are you okay?" Tanong niya na bahagyang inalog ang katawan ng babae.
Tanging pag-ungol lang ang naririnig mula sa babae. Magulo ang buhok at halos mahubad na ang suot nitong bestidang kulay asul. Biglang naalala niya si Zaniyah ng mapatingin ang mga mga mata sa maputing kutis ng balat nito. Duda niya nawalan iyon ng malay dahil sa kalasingan. Hindi niya pwedeng iwan doon ang babae kaya't binuhat iyon at isinakay sa sasakyan. At kaagad na pinaharurot ang sasakyan paalis sa lugar.
Matapos ang ilang minuto narating na niya ang kanyang condo unit. Binuhat ang babae at dinala papasok sa loob. Marahan inilapag ang babae at bahagyang napalunok ng sumagi ang isang kamay sa makinis nitong hita. Si Zaniyah lang ang may kayang magparamdam sa kanya ng ganon. Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil tumayo ang sandata ipinakabit sa pagitan ng mga hita. Nag-iinit ang kanyang buong katawan hindi lang dahil lasing siya kundi sa nakikita ng mga mata. Hinawi niya ang kulay bulaw na buhok ng babae upang iayos ang ulo nito sa paghiga. Sa pangalwang hawi doon niya nakita ang kabuoang ng mukha nito.
"Oh, sh*t! No! To all people, ikaw pa talaga ang makikita at ililigtas ko?"