Nanariwa ang sakit ng araw na iniwan siya nito. Buong akala niya pinatibay na ang kanyang puso ng poot. Ngayon nagtagpo muli ang kanilang landas ay tila nanlalambot ang puso para sa babaeng naging dahilan ng kanyang pagkawasak.
"Nooooo!! Hindi pwe'ding mahal pa kita hanggang ngayon! Walang kapatawaran ang ginawa mo sa'kin! Wawasakin at dudurugin ko ang puso mo Zaniyah!" Malakas na sigaw niya na halos umabot sa kabilang condo unit.
Nakita na lang ang sarili na nakakuyom ang dalwang kamao habang nakatingin sa kabuoan ng dalaga. Pinunas ang luha at umupo sa sofa. Pagud ang puso at isip kaya't kusang pumikit ang mga mata.
( At The Anderson Mansion )
Pagkagising ni Aaron kaagad iyon dumiretso sa kusina para puntahan ang mag-ina Valerie at Vera.
"Good morning, beautiful wife and my beautiful daughter." Sabay halik sa pisngi ng mag-ina.
"Anderson, sit down! Saluhan mo kaming kumain ni Vera." wika ni Valerie na ngumiti sa asawa.
"Daddy, subrang sarap ng tinapa dala ni Yaya Tess galing sa probinsya nila." wika ni Vera na enjoy na enjoy sa pagkain.
"Vera, my beautiful bunso. Alam mo ba na gumagawa ang lola mo noon ng tinapa at ibenibenta ko pag walang pasok sa iskul. Kahit araw-araw 'yon ang ulam namin, hindi ako nagsasawa dahil gawa iyon ng aking mahal na inay." Bahagyang may kaunting lungkot ng sabihin 'yon dahil naalala niya ang ina.
"Ang sipag mo pala daddy noon pa man. Sayang hindi ko na inabutan si Lola Silya." Malungkot na wika ni Vera tumingin sa mata ng ama.
"Vera, you're so lucky to have a life like this. Noon ang hirap ng buhay namin ng lola mo. Halos lahat ng trabaho pinapasok ng inay mabuhay lang kami. Pinalago ko ang iniwan na kabuhayan ni dad, sa'kin. Ngayon na malaki na kayo ni Amier gusto kong ipagpatuloy n'yo ang maiiwan namin sa inyo ng mommy mo. Kahit may marangya buhay tayo gusto kong iparanas sa inyo ang buhay na simple, dahil sa mahirap na buhay nagmula ang ama na nasa harapan mo."
"Ito na naman po ang daddy ko na, kada kakain kami ay hindi nawawala ang pangaral. Thanks a lot dad. Hindi lang sa kayamanang materryal kundi sa kayamanang babaunin ko hanggang sa aking pagtanda." Nakangiting wika ni Vera na kumindat sa ama.
Nakangiting pinagmamasdan nina Valerie, Mananang Lina, Yaya Tess, ang mag-ama na seryoso sa pag-uusap.
"Yaya Tess, tawagin mo si Ameir, para sabay na kaming kakain. Total sabay din naman kami papasok sa opisina."
"Sir Aaron, hindi po umuwi si Señorito Amier." Sagot ni Yaya Tess.
"Yes, dad! Hindi umuwi si Kuya Amier. Siguro doon ito umuwi sa condo unit."
"Ang mabuting gawin n'yo kumain na tayo. Huwag ng hanapin ang wala. Sana'y naman tayong tatlo lang ang kumakain ng sabay-sabay." Nakaismid na wika ni Valerie habang kumakain.
"Mommy, ngayon na bumalik na si Kuya Amier. Sana naman pag-aralan mo nang tanggapin si kuya."
"Wala akong anak na ang pangalan ay Amier. Amelia Erie 'yon, ang pangalan ng anak ko. Vera, dalian mo ng kumain dahil kailangan na na'tin pumunta sa flower shop."
Sa sinabi ng ina napailing na lang si Vera. Maging si Aaron ay pinili na lang nitong tumahimik upang hindi na lumala ang init ng ulo ng asawa.
( Amier's Condo )
Nagising s'ya sa bahagyang liwanag mula sa bintana. Napahawak sa ulo dahil pumipitik iyon sa sakit. Sapo-sapo ang ulo na bumangon sa kama at iminulat ng mas malaki ang mga mata. Napamulagat ng makita ang gwapong lalaki na natutulog sa sofa. Doon niya naalala ang lahat, uminom sila ng kaibigang si Mera dahil nalulugi ang kanyang kumpanya. Naunang umuwi si Mera dahil nag-paiwan pa siya sa resto-bar. Medyo malayo ang naparkingan ng kanyang sasakyan, habang naglalakad kagabi papunta kung saan nakaparada ang sasakyan may tatlong lalaking humarang sa kanya. Napatda ang pag-iisip ng maalala ang tatlong lalaki. Napatayo at nagsisigaw habang palapit sa gwapong lalaking natutulog sa sofa.
"Ano'ng ginawa n'yo sa'kin, huh!? Mga baboy kayo!! Ginahasa ninyo, ako!" Sigaw niya habang sinasampal ang natutulog na lalaki.
Parang matatanggal ang mukha niya sa lakas ng pagkakasampal sa kanya ni Zaniyah. Kaagad niyang hinuli ang dalawang kamay ng dalaga upang pigilan ito.
"Hey! Zaniyah, stop! Just calm down! I didn't r@pe you!"
Natigilan siya ng sambitin nito ang kanyang pangalan.
"Paano nalaman ng lalaking 'to ang pangalan ko?" Tanong ng kanyang isip habang nakapamewang.
Napakagat labi ng maalala tinawag niya iyon sa pangalan nito. Huli na para bawiin dahil kita niya sa reaksyon ng dalaga ang pagtataka.
"Ang mabuti pa siguro maligo ka muna para mawala ang hangover mo." wika ni Amier, sabay turo sa direksyon kung saan naroon ang shower room.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko at bakit ako napunta dito?" Pagtatakang tanong niya sa lalaking kaharap.
Napalunok siya sa tanong ng dalaga kaya't dali-daling nag-isip. Sa pag-iisip nakita niya ang bag nito nakapatong sa kama.
"Tiningnan ko kagabi sa loob ng bag mo. Nakita ko sa id mo na Zaniyah ang pangalan mo. Hinaharas ka ng tatlong lalaki kagabi kaya tinakot ko sila. Nagtakbuhan ang tatlong lalaki ngunit nawalan ka ng malay dahil sa kalasingan mo."
Sa pagsasalaysay ng gwapong lalaki, nakaramdam siya ng pagkahiya dito. Iniligtas na nga nito ang kanyang buhay, pinagbintangan pa niya ito na ginahasa siya. Dahil sa kahihiyan napatungo at patakbong pumunta sa shower room.
Pagpasok ng dalaga sa shower room, napapikit ang mga mata at sunod-sunod na napabuga ng hangin at nilalamukos ang mukha. Kahit bagong gising napakaganda at mabango pa din ito. Mali na humanga pa rin siya sa babaeng naging dahilan ng kanyang pagkawasak. Napaiktad siya sa gulat ng tumunog ang kanyang selpon sa bulsa. Dinukot sa bulsa at nakitang ang ama ang tumatawag.
"Hello?"
"Where are you? This is your first day as a CEO of the Anderson Land Corporation."
Sa tuno ng pananalita ng ama sa kabilang linya alam niya dismayado ito sa kanya.
"Dad, sorry! Medyo napasarap ang innuman namin ni Niko kagabi. Nalasing ako at kagigising ko lang ngayon. Maliligo lang ako at papunta na din ako d'yan,"
"Okay! I'll give you 30 minutes!"
Sasagot pa sana siya sa ama ngunit pinutol na nito ang linya. Napabuga ng hangin at natatarantang tumakbo papunta sa banyo para maligo.
"Oh my God! What are you doing here? Pumikit ka, nakahubad ako!" Sigaw niya habang tinatakpan ng mga kamay ang bulaklak sa pagitan ng mga hita.
Sa subrang taranta nakalimutan niya may tao nga pala sa loob ng shower room. Halos murahin niya ang sarili sa kinalalagyang sitwasyon. Napakagat labi at nag-init ang kanyang buong katawan ng muling makita ang kahubaran ni Zaniyah.
"Ang arte ng babaeng 'to! Nakita at kinain ko na 'yan noon." Pabulong na wika niya habang naglalakad pabalik sa sofa.