Chapter 4: Love Attraction‼️

1305 Words
Matapos ang ilang minuto lumabas na sa banyo si Zaniyah. Tulad kanina naiilang iyon sa kanya kaya't minabuti na huwag iyon tingnan lalo na at nakatapis lang ito ng tuwalya. "Kailangan ko ng maligo dahil inaantay na ako ni daddy sa opisina. By the way, may mga damit ang bunso kong kapatid d'yan sa kabinet. Ikaw na ang bahala mamili ng kakasya sa'yo." Matapos na sabihin 'yon ni Amier nilapitan ito ni Zaniyah at kinuha ang kanang kamay ng binata. Ayaw niya tumingin sa dalaga dahil nanigas ang kanyang buong katawan, maging ang ipinakabit na sandata sa pagitan ng mga hita. Bukod sa kagandahan tagalay ng kanyang ex napakabango ng buong katawan nito. Kailangan niyang magpakatatag upang paglabanan ang tukso nararamdaman sa oras na iyon. Paghihiganti ang nais niyang mangyari kaya't hindi maari makaramdam siya ng ganito sa babaeng naging dahilan ng kanyang pagkawasak. "Gusto ko lang humingi ng pasensya sa maling paratang ko sa'yo kanina. Pasensya na kung nag overreact ako ng pumasok ka sa shower room. Ang totoo niyan kaya ganoon ang reaksyon ko dahil wala pang lalaki na nakakita ng aking katawan." Seryoso sabi ni Zaniyah na napatungo. Natigilan siya sa sinabi ni Zaniyah na wala pang lalaki ang nakakakita sa katawan nito. Nakaramdam ng pagkagulo sa isip ngunit agad din iyon nawala ng maalala ang ginawa nito. "It's okay, isipin mo na lang na lahat ng ginagawa kong kabutihan ngayon ay, sisingilin kita ng mas mahal balalang araw. Yung tipong kasama ang buhay mo!" Napaatras siya dahil nanlilisik ang mga mata ng gwapong lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang nag-iba ang mood nito. Huling atras na niya dahil pader na iyon ng condo unit. Napapikit ng maamoy ang pabango ginamit nito kahapon, kahit wala pa itong ligo ay talaga naman mabango pa rin. "What are you talking about, huh!? I don't understand, I'm hurting! Please, let go of me!" Bahagya siya natauhan ng magsalita ang dalaga kaya't halos murahin niya sa isipan ang sarili. Bakas sa mga mata ng dalaga ang labis na takot at pagtataka. Napakagat labi ng dumako ang kanyang mga mata sa mapulang labi ng dalaga. Pababa sa katawan nito na nakatapis ng puting tuwalya. Akmang hahalikan niya sa labi ang dalaga ng biglang tumunog ang kanyang selpon sa bulsa. Bahagyang nakahinga ng maluwag si Zaniyah ng layuan siya ni Amier. Patakbo itong umupo sa kama na bakas sa mukha ang matinding matakot. "Hello, dad! Just give me another 30 minutes!" Sagot niya sa kabilang linya na napabuga ng hangin. "Kanina pa kami naghihintay dito. Hindi dapat ganito umasta ang isang CEO. Supordo ko ang bawat hakbang mo sa buhay pero kung maapektuhan ang kumpanya na'tin. It's better to stop your bad plan!" Kahit mahinahon na sinabi iyon ng ama sa kabilang linya alam niyang galit na ito. Noon pa man kilala ang kanyang ama sa pagiging professional sa trabaho. "Dad! I'm sorry, mayroon lang nangyaring hindi ko inaasahan pero papunta na ako dyan," "May nangyari o may dinala kang babae dyan sa condo unit? Anak kita, kaya alam ko ang galawan mo." Sa narinig sa ama nilamukos niya ang mukha at sunod-sunod na napabuntong hininga. "This is not the right time to explain. Bye, dad!" Napatungo ng muling mapunta sa kanya ang tingin ng gwapong lalaki. Kahit kinakabahan at natatakot siya para bang may isang side sa sarili niya na hindi natatakot. Ngayon pa lang sila nagkita nito pero pakiramdam niya matagal na sila magkakilala. "Zaniyah, I'm really sorry sa nangyari kanina. Subrang dami ng iniisip ko kaya pati ikaw nadamay. Huwag kang mag-alala hindi ako masamang tao. Nagiging gago lang ako sa mga taong may atraso sa'kin. By the way, I'm Amier Anderson!" "Okay lang, pasensya na din sa abalang ibinigay ko sa'yo. Nice meeting you, Amier." Nakangiting wika ni Zaniyah na inabot ang kanan kamay ni Amier. "Habang naliligo ako magbihis ka na, para maihatid kita kung saan mo gusto magpahatid." "Huwag na, kaya ko na ang aking sarili. Malaking abala na ang ibinigay ko sa'yo, ayaw ko ng dagdagan pa." Nakatungo na wika niya. "Basta ihahatid kita, bawal tumanggi dahil pag tinanggihan mo pa ako paparusahan na kita." wika ni Amier na kinindatan ang dalaga bago pumasok sa shower room. Nag-init ang kanyang mukha at bahagyang kinagat ang ibabang bahagi ng labi sa sinabi na iyon ni Amier. Pakiramdam niya may ibang parusa sa isip nito na naglalaro. Biglang nawala ang ngiti sa labi ng maalala ang mga problema kinaharap. Lugi na ang kumpanyang iniwan sa kanya ni James at bukod pa dun sakit sa ulo ang hatid ng mga taong umampon sa kanya. Bata pa lang siya walang ginawa ang mga umampon kundi ang pagkakitaan siya. Sa murang edad noon namamalimos na upang may pang-inom ng alak at pangsugal ang mga umampon sa kanya. Kung hindi niya gagawin iyon tiyak na sasaktan siya ng mga ito. Nakawala sa mga umampon ng may taong nagsama sa kanya papunta sa America nangako ito na tutulungan siyang hanapin ang kanyang tunay na mga magulang. Hindi niya ito nahanap doon kaya bumalik siya ng Pilipinas na bigo. Pinunas ang luha sa pisngi at naghanap ng damit sa kabinet. Kumuha ng isang pares ng damit at kaagad na isinuot iyon. ( At The Anderson Office ) "Sir Aaron, nasaan na si CEO Amier? Naiinip na ang mga board member." Kamot ulo na tanong ni Banjo. "Nasa condo unit. Dalawang beses ko ng tinawagan at nitong huli humingi ng 30 minutes. Halos isang oras na wala pa din si Amier. Hindi niya pwe'ding gawin na dahilan na kisyo nalasing siya kagabi. Priority niya dapat ang kumpanya kahit ano'ng mangyari." Nakakunot ang noo na wika ni Aaron na napabuga ng hangin. "Sa tingin ko hindi lang basta hang over kaya natagalan si CEO Amier. Malakas ang kutob ko na may babae itong dinala sa condo. Alam mo sir, ang hirap bunutin pag nakabaon tas namamasa-masa pa. Sa gwapo na iyon ng anak mo aba eh, kanino pa ba'ng karakas magmamana si CEO." Nakabungisngis na sabi ni Banjo at kinindatan ang boss. Tiningnan ni Aaron ng masama si Banjo dahil sa mga hirit nito kaya pasipol-sipol itong bumalik sa loob ng opisina. ( Amier's Condo ) Paglabas sa shower room nakita niyang malugkot si Zaniyah habang nakatanaw sa bintana ng condo unit. May kung ano'ng nag udyok sa kanya na lapitan ang dalaga. "Parang ang layo ng iniisip mo?" Pabulong na tanong niya kay Zaniyah at bahagyang hinaplos ang makinis nitong braso. Sa ginawang pag haplos sa kanya ni Amier nagsitayo ang mga balahibo niya sa buong katawan at ang pabulong na tanong nito ay parang may majica na binalot ang kanyang kaisipan. Paharap siyang humarap sa gwapong lalaki na bahagyang may butil pa ng tubig sa dibdib nito. Nakatapis lang iyon ng tuwalya kaya kitang-kita niya kung gaano katipuno ang dibdib ng binata. Ang mga mata nito ay malamlam na nakatingin sa kanyang mga labi habang nakadaupang palad ang mga kamay nito paharap sa kanya. "Amier, huwag mo ng alamin kung ano'ng iniisip ko. Ang laki na ng abalang binigay ko sa'yo tas mag open up pa ako? Ang mabuti pa umalis na tayo." wika ni Zaniyah na bahagyang ngumiti kay Amier. "Huwag mong isipin na abala ka sa'kin. Handa kong harapin ang galit ni daddy mabigyan lang kita ng oras." "Bakit ang bait mo sa'kin? Gayong kagabi mo lang ako nakilala." Tanong ni Zaniyah sa binata na may pagtataka. "Ayaw mo ba na mabait ako sa'yo? Ipagpasalamat mo na mabait pa ako dahil hindi mo gugustuhin na makitang magalit ako." Sasagot na sana siya kay Amier ng biglang kinuha nito ang kamay niya at hinalikan iyon. Ang mga halik nito sa kamay niya ay napunta sa kanyang mga labi. Kusang bumuka ang kanyang bibig sa hindi niya malaman dahilan. Napapikit ng maramdaman ang mainit na bibig ng binata."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD