"Tungkol sa kumpanya ni Zaniyah Madison. Involve ang Madison Toy Corporation sa isang malaking sindikato. Ang sabi nina Edwin at Leo, iyon ang dahilan ng pagkamatay ni James Madison."
Hindi siya makapaniwala na sangkot si Zaniyah sa elegal na negosyo. Alam niya ang pagkatao ng dalaga kahit sinaktan nito ang kanyang puso, hindi nito magagawang pumasok sa elegal.
"Dad, are you sure, about this? Hindi magagawa ni Zaniyah ang pumasok sa elegal. Aside from that, bakit madizon ang apelyido ni James? Ang apelyido ni Zaniyah ay Madison noon pa man. Hindi kaya nagkakamali sina Mang Edwin at Mang Leo?" Naguguluhan na saad niya, habang sapo-sapo ang ulo.
Hindi agad nakasagot si Aaron sa anak dahil maging ito ay naguhuluhan na rin. Napabuga ito ng hangin at napatayo sa pagkakaupo.
"Matagal ko ng tauhan sina Edwin at Leo. Kailanman hindi pa nagkamali ang mga iyon sa impormasyon na kailangan ko. Hayaan mo at patatawagan ko kay Banjo si Bert, para pa imbetigahan ang Madison Toy Corporation. As of now, hindi na'tin pwe'ding pasukin ang kumpanya ni Zaniyah. Suportado kita sa laban mo, pero hindi na'tin pwe'ding isama sa Anderson Land Corporation ang kumapanya na illegal."
"I understand! No worries about my plan because I can handle it. Lalo ngayon, hawak ko na sa leeg si Zaniyah. Thanks a lot, dad." wika niya na bahagyang tinapik ang balikat ng ama.
"Anak talaga kita, CEO Amier Anderson! Matibay ang loob at kayang harapin ang lahat ng kalaban. You know what, nakikita ko sa'yo ang sarili ko." Buong ngiti na pagmamalaki ni Aaron sa anak.
"Syempre naman dad, idol kaya kita noon pa man. Si mommy lang kasi hindi niya ako matanggap. Kaya ko naman isabuhay ang pagiging tunay na lalaki."
"Hayaan mo at gagalingan ko gabi-gabi, para mahuli na'tin ang kiliti ng mommy mo. Alam mo ang mga babae madada lang sila, pero ang totoo niyan malambot ang puso nila. Tayong mga pusong lalaki matibay kaya kahit nahihirapan sa sitwasyon tatahimik na lang."
"Dad! Ang tanda n'yo na ni mommy ginagawa pa ninyo ang bagay na iyon?" Nakangisi na tanong niya sa ama.
"Aba oo naman. Ang Tito Nick mo lang ang tumatanda pero hindi ang daddy mo. Mahal na mahal ko ang mommy mo kaya't kung ano'ng magpapasaya sa kanya gagawin ko. At isa na iyon sa nagpapasaya sa kanya." Nakabungisngis ang ama habang sinasabi iyon sa kanya.
"Dad, iba'ng klase ka kung magmahal. Sana balang araw makatagpo din ako ng katulad ni mommy. Yung kayang tanggapin ako ng buong buo." Mapait na wika niya na nakatingin sa kawalan.
"Matatagpuan mo lang ang pagmamahal na katulad ng sa mommy mo kung papalayain mo ang iyong sarili sa mapait na nakaraan. Gwapo ka at mayaman, kaya naniniwala ako na darating din ang babaeng magmamahal sa'yo ng buong buo. Hindi mo na ba mahal si Zaniyah?"
Ang tanong na iyon ng kanyang ama ang hindi niya alam sagutin. Ngayong nagtagpo na ang kanilang landas hindi niya alam kung bakit nakakaramdam pa rin siya ng attraction para kay Zaniyah.
"Dad, saan ang magiging opisina ko?" Pagiiba niya sa usapan na umiwas ng tingin sa mata ng ama.
"Bukas ka legal na maiitalagang CEO dahil umalis na ang mga board member. Ang Tita Joice mo ang magtuturo sa'yo kung saan ang magiging opisina mo. Siya din ang bahala magturo sa'yo ng lahat."
"Okay, Dad. Thank you!"
"Amier, after office, kailangan sa mansion ka umuwi. Death anniversary ng iyong Lolo Carlos. According sa mommy mo, after ng padasal kakain tayo sa labas. Kasama ang buong pamilya ng iyong Tito Nick."
Bigla siyang nalungkot ng maalala ang kanyang Lolo Carlos Fuentebella. Umalis siya ng Pilipinas na buhay pa ito. Bukod sa kapatid na si Vera ang Lolo Carlos niya ang nalakaintindi sa kanyang tunay na kasarian. Hindi niya maiwasan magbalik tanaw sa nakaraan.
Pagdating niya sa mansion ng kanyang Lolo Carlos wala ito doon. Sinabi sa kanya ni Yaya Mercy na nasa flower farm ito kaya pinuntahan niya iyon doon. Nakita niyang abalang-abala ito sa pagtatanim ng sunflower.
"Good morning, Lolo Carlos Fuentebella!"
"Apo, good morning! Aba eh, ang aga mo naman napasyal? Wala ka ba'ng pasok sa iskul?" wika ng kanyang lolo na sumalubong ng yakap sa kanya.
"Lolo, hindi po ako pumasok sa iskul kasi nag-away na naman kami ni mommy. Pwede po ba'ng dumito muna ako sa inyo ni Yaya Mercy?" Malungkot na wika niya habang nakatingin sa mga mata ng kanyang lolo.
"Sabi ko na nga ba at nag-away na naman kayo ng mommy mo. Unawain mo na lang siya dahil walang ina na gustong naghihirap ang anak. Amelia Erie, walang problema sa'kin kahit dito ka pa tumira." Nakangiting wika ng kanyang lolo na niyakap siya ng mahigpit.
"Salamat lo. Mabuti na lang at mayroon akong gwapo na lolo na pwe'ding takbuhan ano ma'ng oras."
"Binola mo pa ako. Maiba ako, kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon nasisiguro ko na malalampasan mo din 'yan apo. Katulad ng sabi ng lola mo noon sa mommy mo, kung ano at sino pa man ang na sa puso mo, sundin mo, kung ano ang magpapasaya sa'yo. Basta siguraduhin mo lang na pinag-isipan mo ng maayos ang bawat desisyon na ginagawa mo sa buhay."
"Masaya at sigurado na po ako sa nararamdaman ko. Katawang babae ako, pero sa isip at puso, lalaki po ako. Alam mo Lo, pagod na pagod na ako sa mundo. Magmula sa tahanan hanggang sa paaralan nakakaranas ako ng mga diskriminasyon. Wala akong magawa kundi iiyak na lang sa langit ang paghihirap ko. Hindi ko naman kasalanan na maging pusong lalaki. Minsan sa dami kong nararanasan na pangbubuly gusto ko ng magpākamātay."
Hindi niya namalayan luhaan na pala siya habang sinasabi ang lahat ng iyon.
"Amelia Erie, huwag na huwag mong kikitilin ang buhay mo. Marami dyan na gustong mabuhay pero hanggang doon na lang sila. Ang buhay na ibinigay ng Diyos sa atin ay isang biyaya na dapat pinagyayabong. Ano man ang hirap na ating pinagdadaanan. Mapa mayaman o mahirap dumadaan sa mga problema at pagsubok."
Sa narinig mula sa kanyang Lolo tila nagliwanag ang kanyang isipan. Ngunit hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayanin paglabanan ang mga pagsubok na kinakaharap.
"Lolo, salamat po kahit paano naliwanagan ang aking isip. Pero Lo, paano ba maging matatag?" Maluha-luha na tanong niya habang lamlam ng luha ang mga mata.
"Apo, bawat tao may taglay na katatagan ngunit hindi pari-pariho ng tibay ng loob. Isipin mo na lang kung para kanino ka lumalaban at kung bakit ka lumalaban? May purpose ang Diyos kung bakit niya tayo binibigyan ng mga pagsubok. Ang buhay ay tulad ng sunflower, minsan ang hirap mamulaklak dahil sa dami ng struggles katulad ng init at ulan. Pero sa kabila ng mga iyon kailangan nitong lumiwanag upang pagsilbihan ang layunin nito sa mundo. Lumaban ka dahil sa bawat laban, doon mo malalaman kung ano ang purpose mo dito sa mundo."
Napahagulgol siya ng iyak sa mga sinabi ng kanyang Lolo Carlos. Pinunas nito ang kanyang luha at niyakap siya ng mahigpit.
"Lolo, tatandaan ko po ang sinabi mong ito. Pangako, simula sa araw na 'to magiging matatag na ako."
"Apo, masaya ako dahil nakikinig ka sa mga payo at pangaral ko. Ito ang pinaka importanteng kayamanang maiiwan ko sa inyo ni Vera."
"Amier, ang pag tahimik mo ba na 'yan ay wala kang planong umuwi sa mansion?"
Sa pagsasalita ng kanyang ama doon pa lang siya nagbalik sa kasalukuyan. Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa at pabuntong hiningang humarap sa ama.
"Naalala ko lang si Lolo Carlos nu'ng nabubuhay pa ito. Pakisabi kay mommy at Vera na darating ako."
Matapos na sabihin 'yon lumabas na siya sa opisina ng kanyang ama.
Hindi niya alam kung hanggang saan aabot ang paghihiganti ni Amier. Pailing-iling s'yang pinagmamasdan ang papalayong imahe ng kanyang anak.