Amythyst's POV
"Yes! Natamaan ko." isang malakas na sigaw at halakhak ang namayani sa Trojan Kingdom na kung tawagin ng mga elementians dito na Eleria. Tama sila... maganda nga rito. Sobrang tahimik ng lugar at sa mundong ito hindi lang pala mga elementians ang namamayani. Kundi mga sorcerer or wizard, witches, at mga fairies o hayop na hindi pangkaraniwan sa lahat na makikita lamang dito.
Sa lawak ng mundo ng Eleria ay alam kong marami pa akong dapat malaman dito.
"You're doing very well, Amy. And that's good." puri ni Chan na s'yang naging trainer ko sa isang buwang pananatili ko dito.
Oo isang buwan na ako dito sa Eleria at ilang araw na lang ay babalik na ako na ako sa Trojan Academy. Sa isang buwang pananatili ko dito ay marami akong natutunan kay Chan. Magmula sa mga tinuturo niyang techniques sakin hanggang sa mga misteryosong bagay na bumabalot dito sa Trojan Kingdom.
"You can rest for now, and mamaya magpapatuloy tayo." nakangiti niyang sabi at kinuha niya sa 'kin 'yong bow at arrow na ginamit ko.
Nadaanan ng kamay niya ang palad ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti lamang siya at umalis na. Sa isang buwan din na nandito ako. Minsan nahuhuli ko si Chan na halos tunawin na ako ng tingin habang nag-eensayo ako. Siya ang nagsilbing knight and shinning armor ko sa lugar na 'to. Nakakakilig lang kasi hindi ko naman maikakailangan crush ko siya, sa sobrang gwapo ba naman niya! Kaso hanggang doon lang. Prinsipe siya. Anak siya ng isang hari at ako ay isang simpleng elementians lamang hindi kami match.
At saka ayoko maging ambisyosa mahirap pa naman umasa.
Sabay kaming kumain ng lunch at nagkwentuhan ng kung anu-ano.
"Sana naman kapag pumunta ka na sa Trojan Academy kaya mo ng makontrol ang lahat ng kapangyarihan mo." Sumubo ng pagkain si Chan.
"Oo naman! Para sayo gagawin ko 'yon." wika ko at hinaluan pa ng biro. Ilang saglit namayani ang pananahimik ni Chan.
Tiningnan niya ako na para bang nahalina sa 'kin.
"Amy... "
"Hmm?..." Puno kasi ang bibig ko ng pagkain. Halos tunawin niya rin ako sa katititig.
"Paano kaya kung ligawan kita? Papayag ka ba?"
Napaubo ako sa ng 'di oras sa sinabi niya, kaya naman napainom ako ng tubig. Hindi naman siya masyadong straight-forwarded sa lagay niyang yan noh? As in deretsahan talaga kung magtanong?
Magsasalita na sana ako nang dumating si Master Morley.
"Kumusta Amythyst?" Nakangiting tanong niya sa akin.
Nakita ko ang 'di maipaliwanag na inis sa mukha ni Chan nang dumating si Master Morley. Siguro ay dahil nasira bigla 'yong moment namin.
*****
"Kumusta ang pagtrain sa 'yo ni Mr. Williams?" tanong niya sa 'kin habang sabay kaming naglalakad-lakad sa malawak na hardin kung saan marami akong nakikitang mga bata na naglalaro gamit ang mga abilities nila.
"Ok naman po, marami po akong natutunan sa kanya." nakangiting sagot ko.
"Good. Lumilitaw pa rin ba ang kakaibang kapangyarihan sa 'yo?" tanong ulit niya.
"Hindi na po. Pero napansin ko noong kabilugan ang buwan noong isang linggo may kakaibang lumabas na naman na kapangyarihan sa kamay ko." Kwento ko sa kanya. Napatingin siya sa 'kin at halatang binalot ng takot ang mukha niya.
"Kumusta? Napansin ba 'yon ni Mr. Williams?"
Umiling ako.
"Hindi naman po. At saka 'di ba sabi mo kapag suot ko ang kwintas na 'to hinding-hindi malalaman ng mga tao sa paligid ko ang kakaibang nangyayari sa kapangyarihan ko. Kaya ayon effective naman." nakangiti kong sabi sa kanya. Hinawakan ko ang kwintas na amulet na natatakpan ng damit ko.
Napahinga ng maluwag si Master Morley.
"Master Morley... bakit po? Ano po bang pwedeng mangyari kapag nalaman nila ang bagay na 'yon? Kapag hindi ko suot ang kwintas na 'to?"
Hinawakan niya ako sa balikat kapagkuwa'y ngumiti.
"Malalaman mo rin sa tamang panahon Amythyst. 'Yong nangyari sa Party Hall. Alam kong ayaw mo ng mangyari ang bagay na 'yon. Kaya naman isuot mo ang kwintas na 'yan palagi. Huwag na huwag mong aalisin iyan." paliwanag niya sa 'kin.
"P-pero. Ano po ba talaga ako Master? Bakit kailangan may itago pa ako sa kanila?" curiousity really hits me.
"Kakaiba ka sa kanila Amythyst. At hangga't wala pa akong sapat na kaalaman. Hind ako magpapanguna sa kakayahan mo. Basta ito ang tandaan mo Amythyst. Iba ka sa kanila. And you should apply it to yourselves. " paliwanag ulit niya.
Tumango na lang ako. Hindi na ako nagtanong pa sa kanya nang hilahin ako ng isang bata na makipaglaro din sa kanila.
*****
Zed's POV
Pumunta ako sa room ng commoner at doon ko nakita ang mga kaibigan ni Amythyst. Medyo malayo ang agwat ko sa kanila. Pumikit ako at pinakinggan ang pinaguusapan nila.
"Oy, sa isang linggo na raw babalik si Amy." sabi ng babaeng maputi at medyo kulot ang buhok na si Claire.
"Talaga? Sino nagsabi?" wika naman lalaking kulay brown ang buhok na si Gino.
"Balita ni Master Morley kanina." Wika naman ni Mark.
"Oh my gosh! Super excited na ako for that day. Miss na miss ko na ang kumag na 'yon eh." excited naman na dugtong naman ni Rizza.
Napangiti ako at iminulat ang mga mata ko. So next week na pala.
Well, I can't wait for that day too...
Nagsimula na akong maglakad para pumunta sa room ng mga spy.
I also missed her.
*******
Master Morley's POV.
Napalingon-lingon ako sa paligid para siguraduhing walang nakakita sa paglabas ko. Nandito ulit ako sa mundo ng mga tao para bisitahin ang puntod ng anak ko.
Nagsimula akong maglakad ngunit kusang napatigil ang mga paa ko nang may makita akong tao na nakabelong itim sa tapat ng puntod ng anak ko. Nasa labas siya pero papaalis na siya. Nagpatuloy ako sa paglakad para malapitan siya.
May nararamdaman akong kakaiba sa taong 'to kaya naman nagmadali akong puntahan siya.
"Anong ginagawa mo d'yan?" tanong ko sa kanya. At hinawakan siya sa balikat.
Halatang natigilan siya. At ilang segundo pa ang lumipas bago ito nagsalita. Itinaas niya ang kanyang kamay para ayusin ang belo na tumatakip sa ulo niya. Sa pagkakataon na 'yon doon ko nakita ang makulubot niyang mabutong kamay at puting buhok. Medyo sideview lang ng mukha niya ang nakita ko pero sa kabuuhan nito ay isa itong matandang gusgusin.
"K-kamag-anak mo ba ang nakalibing sa puntod na yan iho?" tanong niya sa paos na boses. Parang nabunutan ng tinik ang lalamunan ko nang mapagtanto ko na hindi naman pala masama loob ang kausap ko.
"Ahh, opo. Bakit po?" naningkit na tanong ko. Gusto kong makita ang mukha niya pero 'di siya tumitingin ng deretso sa akin.
"N-nagandahan kasi ako sa disenyo ng bahay. Kaya hindi ko m-mapigilang mapatulala." Wika niya. Halatang nauutal siya. Pagkatapos ay nagsimula na siyang umalis. Paisa-isang hakbang lang ang ginagawa nito.
Hindi na lang ako nagsalita pa at naglakad na lang para buksan ang gate ng puntod ng anak ko na mistula ngang isang bahay.
Sa paghakbang ko palapit sa puntod ay isang bagay agad ang nagpakunot sa noo ko. May fresh flower na nakalagay sa ibabaw ng puntod. Kinuha ko ito at hindi maikakailang bagong pitas pa lamang ito. Isang hyacinth flower that remind me of someone.
"Si Freya... " nasabi ko na lamang.
Pero bakit...
A glimpse of idea came out in my mind. T-teka!
Mabilis akong lumabas mula sa puntod ng anak ko at luminga-linga sa paligid. Patakbong dumaan ako sa dinaanan ng matandang nakausap ko kanina.
Ngunit hindi ko na nakita ang matandang babae.
As in wala na!
Ni anino ng matanda ay wala sa paligid.
May nakita akong lalaki na nagwawalis sa gate ng sementeryo. Lumapit ako sa kanya at nagtanong.
"Manong, may nakita ba kayo ditong matandang babae na dumaan? Nakabelo siyang itim."
"Wala po Sir. Kanina pa po ako nagwawalis dito pero wala akong nakitang dumaan." sagot nito at bahagyang umiling.
Parang tinamaan ako ng kidlat sa sagot niya. Imposible naman makaalis agad iyon eh halos isang minuto ang tagal ng bawat hakbang 'non. Nilibot ko ang iba pang daanan ng sementeryo pero nanlumo lamang ako nang wala akong matandang babae na nakita.
So maaaring tama ang hula ko. Dahil paanong may makakapasok na ibang tao? nakalock ang pinto ng puntod. At tanging may kapangyarihan lamang tulad ko ang makakapasok doon. Isa pa, ang hyacinth ay paboritong bulaklak ng kapatid kong si Freya.
Pero imosibleng si Freya ang nakausap ko kanina. Nagkataon lang ba na nakalabas na siya ng puntod noong lumabas ako dito mula sa portal?
Pero...
Imposible!
Kasi matanda ang nakausap ko kanina. And my sister, Freya... she's already dead.
****
Freya POV
"Ayan na ang mangkukulam! "
Tukso ng mga bata na nadadaanan ko sabay kanya-kanyang takbuhan palayo sakin at natawanan pa.
Hindi ko na lang sila pinansin. Pumasok ako sa loob ng bahay ko. Sa pagpasok ko sa bahay ay unti-unting nagbago ang anyo ko. Mula sa pagiging uugud-ugod na matanda hanggang sa dati kong anyo na malakas at magandang nilalang. Wala na 'yong kulubot at mukhang mangkukulam kong mukha na disguised ko kapag lumalabas ako ng bahay.
Inalis ko ang belo na tumatakip sa kabuuan ng mukha ko at pumunta agad sa kusina para uminom ng tubig.
Hapong-hapo ako sa nangyari kanina. Hindi ko talaga inaasahan na magkikita kami sa sementeryo.
"Hanggang kailan ka magtatago sa kapatid mo?"
Halos mabitawan ko ang hawak kong baso nung marinig ko ang isang tinig. Si Eron na siyang naglilinis ng kanyang pakpak gamit ang kanyang tuka.
"Nakita mo?" natanong ko sa kanya.
Lumipad siya papunta sa lamesa at tinuka ang tinapay na nandoon.
"Isa akong uwak at may pakpak ako, kaya naman, kaya kitang mahanap saan ka man pumunta." sagot niya.
Hindi na lang ako umimik at pumunta sa salamin para ayusin ang sarili.
"Hanggang kailan mo itatago ang totoo sa kanya?" tanong muli Eron
Napatigil ako sa pagsuklay at mula sa salamin ay tiningnan ko siya.
"Hanggat hindi ko pa nakikita ang anak niya." sagot ko.
Ngunit nabigla ako nang humalakhak siya sa sinabi ko.
"Paano mo makikita ang anak niya? Kung sa paglabas mo ng bahay ay isa kang gusgusing matanda? At isa pa wala kang kapangyarihan para maramdaman ang aura nito.Wala ka ng kapangyarihan Freya." wika nito na tila ba pinapahina ang loob ko
Napaisip ako sa sinabi niya. Tama siya. Wala na akong natitira pang kapangyarihan pa para halughugin at maramdaman ang aura ng mga kauri ko. Hindi narin ako makapunta pa sa Eleria. Ni magteleport ay halos bihira na lang gumana sa 'kin.
Gladly kanina nagawa ko. Pero ilang metro lang ay lumitaw ulit ako. Kaya kailangan ko na lang maglakad papunta dito.
At ang dahilan ng pagkawala ko ng kapangyarihan ay dahil sa gusto ko pang mabalik ang anak ko noon kaya naman ginawa ko ang lahat para isalin dito ang kapangyarihan ko pero... hindi ko naman nagawa.
"Sabihin mo na lang kasi sa kanya ang totoo."
Tumigil siya at tinumba ang basong ininuman ko. Natapon ang tubig na tira nito. At doo'y uminom iyon. Pagkatapos ay nagsalita ulit.
"Na buhay pa ang anak niya."
*******