Master Morley's POV
Halos umurong ang dila ko nang makita ang kakaibang liwanag na nasa bahay kung saan naroon si Amythyst. Isang hindi pangkaraniwang liwanag bumalot sa buong kabahayan. At kahit malayo ito sa kabilang bahay ay makikita parin ang liwanag ng sino mang gising pa ng mga oras na iyon.
"Arrrgghhh!" isang impit na sigaw ang narinig ko mula sa loob ng bahay na sadyang nagdulot sa 'kin ng takot at kaba.
"Amythyst!"
Mabilis akong nagteleport at pumunta agad sa bahay na iyon. Binalot agad ako ng takot na lagi kong nararamdaman tuwing nasa panganib si Amythyst.
Binuksan ko ang silid niya at doo'y nakita kong nandoon siya nakaupo sa kama niya. At isang malaking bolang apoy ang bumalot sa dalawang kamay niya na sadyang nagbigay sa 'kin ng sobrang pagkamangha. Oo nakita ko ang unang pagkawala niya ng kontrol sa kapangyarihan niya noong naganap ang Royal Enchanted Ball. Pero... ang makita ng malapitan ang pagiging isang Liwaru niya ay sobrang nakakamangha. Kasunod pa noon ay nag-iba ang kapangyarihan niya, mula sa Apoy, hanggang sa maging isang tubig, lupa, at hangin! Lahat iyon ay naipakita niya sa 'kin.
"A-Amythyst..." mahina ngunit puno ng takot na sabi ko. Ginala ko ang paningin ko at doo'y nakita kong nasa side table ang amulet na bigay ko sa kanya. Kaya pala...
Napatingin siya sa 'kin nang marinig niya ang tinig ko. Isang nakakalokong tingin ang binigay niya ngunit ang kanyang mga mata ay sobrang nanlilisik sa galit. Binabalot siya ng maitim ng pinaghalong itim at liwanag na aura niya.
Hindi ko na hinintay pang kumilos siya. Dahil mabilis kong kinuha ang kalahati ng amulet sa bulsa ko at mabilis na tinutok sa kanya. Hinigop nito ang kapangyarihan nasa kamay niya. At unti-unting humupa ang liwanag na sumakop sa buong kabahayan.
"M-Master Morley..." tawag niya sa akin sa nanghihinang boses.
Isang mahigpit na yakap ang binigay ko sa kanya. Sobrang nanghihina at nanginginig ako.
Kumalas ako sa yakap niya at hinaplos ang buhok niya. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at banayad na ngumiti.
"Matulog ka na Amythyst. Gabi na." kaswal na sabi ko. At sinuot sa kanya ang kwintas ng amulet. Ayokong sabihin sa kanya ang nangyari. Mas mabuti ng ako lang ang nakakaalam.
"Master Morley... alam ko ang lahat." seryosong wika niya.
Kumunot bigla ang noo ko sa sinabi niya at tiningnan siya ng deretso.
"Sinadya kong alisin ang kwintas ng amulet para subukan alamin ang pagiging iba ko sa kanila." pag-amin niya at maya-maya pa'y binalot ng takot ang mukha niya.
"Master... bakit po ganoon? 'Di ba isa lang akong commoner? Bakit taglay ko ang kapangyarihan na kaya lamang gawin ng mga royalties? A-at bakit lahat kaya kong gawin?" sunod-sunod na tanong niya sa 'kin.
Ilang minuto akong natulala sa sinabi niya. Hindi ko lubos maisip na alam niya pala ang ginagawa niya kanina. A-akala ko kasi... nawalan na naman siya ng kontrol at hindi niya alam ang nangyayari.
Huminga ako nang malalim at tumayo.
"Gabi na Amythyst. Kailangan mo ng magpahinga para bukas." pag-iiba ko ng usapan at tumalikod na para tunguhin ang pinto.
"How can I control this kind of abilities Kung ako mismo... walang alam sa bagay na 'to?. How can I manage to hide this to others kung ako mismo, walang ideya sa abilities na taglay ko?" sunod-sunod na tanong niya sa 'kin.
"Ano ba talaga ako Master Morley? Isa ba akong Royalties? Isa ba ako sa kanila? Sino ba talaga ako?"
It takes a minute bago ako napahilamos ng mukha at humarap sa kanya.
I place my both hands on her shoulder.
"Amythyst... iba ka sa kanila. Ibang-iba ka sa kanila. Dahil isa kang..." huminga ulit ako nang malalim habang siya naman ay matamang naghihintay ng kasagutan ko.
"Isa kang Liwaru."
******
Amythyst's POV.
"Amy..."
Mula sa pagkakatitig sa portal na daan papunta sa Trojan Academy ay tiningnan ko si Chan.
"Bakit?" tanong ko sa kanya at saka ngumiti. 'Yong ngiting sobrang excited dahil makikita ko na sa wakas ang Trojan Academy at ang mga kaibigan ko.
"Goodluck." ngumiti si Chan. 'Yong ngiting anytime pwede ng malaglag ang mga panty ng girls.
Ngumiti din ako. Syempre kahit papano kinilig din ang lola niyo 'no!
"Salamat."
"'Yong sinabi ko sa 'yo noong nakaraang araw," wika niya, "totoo 'yon. At hinihintay ko parin ang kasagutan mo."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kasi hindi ko na alam kung ano 'yong sinabi niya noong nakaraang araw.
Ano nga ba 'yon?
"T-teka..." hindi na ako nakapagsalita pa nang humakbang na siya papasok sa portal.
I just shook my head at humakbang narin para pumasok sa portal. Paglabas namin mula sa portal ay ginala ko agad ang paningin ko. I already feel those magical air inside the Trojan Academy. Lugar na kung saan una kong naramdaman that I am belong to this place.
I miss this place. Nasabi ko sa sarili ko at nagbreath-in ng hangin.
Medyo lumungkot ang mukha ko nang pumasok sa isip ko 'yong sinabi ni Master Morley. Hindi ko lubos maisip na ang isang duwag at bobong katulad ko na pumasok sa hindi ko man lang kilalang lugar ay isa palang Liwaru na mas malakas pa kesa sa Royalties. At nakakatawa lang dahil of all the people around. Ako pa? Wow lang!
Pero at the same time talaga nakakalungkot din at hindi ko maiwasang matakot sakaling malaman nila ang totoo sa identity ko. Isa pa, ay dahil sa iminulat na sa mga mata at isip ng bawat tao dito at sa buong Eleria na ang isang Liwaru ay masama.
But I don't have a regrets to this kind of ability. Kasi 'di ba nga gusto ko ng ganito? Fantasy lover nga 'diba ang lola mo. Kaya kahit sobrang nakakamangha ay wala tayong magagawa kundi tanggapin. At kung nasabi lang ng mas maaga ni Master Morley ang tungkol sa bagay na iyon atleast nagawang kong kontrolin ang kapangyarihan ko noong naganap na Royal Enchanted Ball.
"Amy!"
Napalingon ako sa pinagmulan ng ilang tinig at doo'y nakita ko ang mga kaibigan ko. Sina Rizza, Gino, Claire, at Mark. At mula sa likod nila ay may nakita pa akong isang elementians. Si Zed.
Teka si Zed?
I blinked my eyes twice para siguraduhing si Zed nga 'yon pero nang pagkurap ko ay wala na akong Zed na nakita.
Nag-unahan ang apat na yakapin ako. At halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap nila lalo na si Claire.
"Gosh girl! Namiss ka namin sobra!" masayang wika ni Claire.
"Oo nga, Amythyst!"
"Mas lalo naman ako noh!" malawak na ngiti na tugon ko. Yinakap niya ulit ako ng sobrang higpit. You know naman si Claire 'diba? Sobrang sweet niya.
"Excuse me, Amy... mamaya pala pumunta ka sa office ni Daddy. Kakausapin ka daw niya," wika ni Chan bago umalis. "Sige guys. Alis na muna ako," pagpapaalam nito sa amin. Medyo tinamaan ako ng konting kaba sa sinabi nito kasi alam niyo naman si King Charles tingin palang pwede ka ng mamatay.
"Sige, salamat," sagot ko
"Ah-Chan... " tawag ni Claire na halatang tinatago ang pagkakilig.
"Yes?" lingon nito sabay ngiti na halos ikamatay naman sa kilig ni Claire.
"A-ahm... a-ano."
"Push mo 'yan 'te..." bulong nina Rizza at Mark.
"Sabihin mo na." pakikisabay ko naman. Na halos itulak na si Claire palapit kay Chan.
"Ahm... teka! Ang g**o niyo," awat ni Claire sa 'min pero halata naman kinikilig. "Ahm... ano Chan... salamat sa pag-aalaga sa kaibigan ko, 'yon lang."
"Oh. You're welcome," wika ni Chan kasabay ng pagkindat kay Claire. Isang tingin ang ginawa niya sa akin bago nagteleport. Napahawak naman si Claire sa puso niya dahil sa lakas ng dating ng kindat ni Chan.
"Ano ba yan! Akala ko ba magtatapat ka na ng feelings mo kay Chan. Excited pa naman kami marinig 'yon," wika ni Rizza na halatang nabitin sa sinabi ni Claire kay Chan.
"Oo nga. Nakahanda na sana ang video cam ko oh," wika naman ni Mark.
"Magtatapat kayo d'yan. Magpapasalamat lang ako noh! Masyado kayo," saway niya sa 'min na kunwari'y naiinis pero kinikilig naman.
"At saka 'yong isa diyan ang totoong magtatapat noh!" dugtong pa ni Claire at tiningnan si Gino kasunod naman na tiningnan ay ako.
"Hmmm... Oo nga pala," gatong naman ni Rizza at tiningnan din ako. Biglang naging lowgets tuloy ako.
Mukhang nakuha naman agad ni Gino ang sinabi ni Rizza kaya mabilis siyang umiwas ng tingin nang tiningnan ko siya.
"Sus! Huwag niyo nga akong isama sa mga kalokohan niyo." saway ni Gino sa kanila at yumuko na para bang nahiya bigla.
Nagtawanan sila. Napangiti naman ako. Namiss ko talaga ang ingay ng mga kaibigan ko.
*****
Amythyst's POV
Ilang minuto ang lumipas naiwan ni Gino sa field na para bang sinadya nilang iwan kami. Naglakad kami sa napakagandang field ng Academy na namiss ko talaga ng sobra!
"Ang ganda mo Amy." wika niya sa 'kin nang pinatong niya sa ulo ko ang koronang bulaklak.
I widen my smile dahil sa sinabi niya.
"Thank you." wika ko sa kanya.
Ilang minuto kaming nag-usap at naghalakhakan hanggang may bigla siyang sinabi dahilan para mapatingin ako sa kanya at unti-unting maging seryoso ang mukha.
"I like you." wika niya sa 'kin sa seryoso at walang halong biro na pagmumukha.
Natigilan ako saglit sa sinabi niya.
"A-ahm..." parang biglang nawalan ako ng sasabihin sa sinabi niya.
"Pwede bang maging tayo?" seryosong tanong niya.
Unti-unting umiwas ang tingin ko sa kanya and I almost bite my lips dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
Ilang minuto din ang lumipas bago ako nagsalita.
"Gino... ahm ano kasi, ahmm, I really appreciate your love. Pero sorry... kasi," napatigil ako ng konti kasi ayoko naman saktan ng husto ang damdamin niya. "Hanggang friend lang talaga ang maisusukli ko sa 'yo."
Lumungkot bigla ang mukha niya at saglit na yumuko pagkuwa'y tiningnan ako.
"May... may mahal ka na bang iba?"
Hindi ako umimik pero tama siya, I already loved someone. He already owns my heart from the day that I entered in this Academy. From the day na nakilala ko siya. From the day na nakita ko siya.
"Ang swerte naman niya." Nasabi na lamang niya at tumingala na lamang sa kalawakan.
****