Amythyst's POV
"G-good morning po King Charles," nauutal ko pang bati kay King Charles na nakatalikod sa akin.
Unti-unting hinarap niya ako. Tumango siya at ngumiti pero ang kanyang mga mata ay nanatiling nakakatakot at sobrang cold ang pagkakatingin.
"Kumusta ang pagtrain sa 'yo ng anak ko sa Eleria?" tanong niya sa 'kin saka lumapit.
"A-ahm... ok naman po."
"Good. Sana naman hindi na maulit ang ganitong gawain sa 'yo Amythyst. Ayoko ng maulit pa ang sinasabi ni David na nawalan ka na naman ng control sa ability mo. Dahil..." sermon niya sa 'kin. At mas lalong naging cold ang tingin niya.
"Maghihinala na ako sa 'yo Ms. Lee. At kapag totoo ang hinala na 'yon. May kalalagyan ka dito," wika niya na para bang gusto niyang i-mean ang tungkol sa pagiging iba ko sa kanila. Ang pagiging isang Liwaru ko.
Napasinghap ako sa takot nang mula kamay niya ay lumabas ang bolang apoy. Kakaiba ito sa apoy na pinakita ni Ruby sa 'kin. Ito ang apoy na pinakamalakas sa lahat. Napakalakas ng pressure na napapaloob dito. At hindi ito pangkaraniwan sa lahat. Nanginginig na tumango na lang ako.
"Good," tumalikod siya at umupo sa upuan niya. "Anyway, Christian said that you're doing good sa pagt-train niya sayo sa Eleria. That's why pinatawag kita para personal na iabot sayo ang magandang balita."
Deritso akong napatingin sa kanya para alamin kung ano ang magandang balita na sasabihin niya.
"From now on you will be move to the next level. You will be now a Spy, Ms. Lee."
Ilang minuto bago nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya.
"S-Spy?" natanong ko sa kanya.
"Yes. And may kasalukuyang mission silang ginagawa ngayon. Hope matulungan mo sila."
*******
Gino's POV
"Gino... ahm ano kasi, ahmm, I really appreciate your love. Pero sorry... kasi hanggang friend lang talaga ang maisusukli ko sa 'yo."
Napatingala ulit ako sa langit para pigilin ang luha nagbabadya ng bumuhos mula sa mga mata ko. Nang muling bumalik sa isip ko ang sinabi niya sa 'kin kanina, halos hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba 'yong pabalik-balik sa utak ko. From the day she enter on this academy,masasabi kong isang love at first ang nangyari sa 'kin pero...
"Oh? Kumusta? " tanong ni Mark sa 'kin.
Hindi ako tumingin sa kanya kasi hindi ko alam kung paano ko pa itatago ang sakit na nararamdaman ko sa harap ni Mark.
Mukhang naramdaman niya ang lungkot ko kaya naman nilapitan niya ako and he tapped my shoulder.
"Ayos lang 'yan bro," Lalo ko lang naramdaman ang sakit nang inakbayan niya ako. At sa pagkakataon na 'yon ay hindi ko na napigilan mapaluha sa harapan niya.
Ang sakit lang kasi... sobra!
*********
Amythyst's POV
"Gosh, friend! We're so happy for you." masayang sabi ni Rizza.
"Ang galing mo naman Amy!" compliment ni Claire.
"Sobrang hindi nga ako makapaniwala na magiging Spy na ako. 'Yong duwag at bobong katulad ko. Napagka-unbelievable talaga," wika ko sa kanila.
"Uhhh. Paano ba 'yan. Bihira na lang tayo magkikita niyan. Balita ko pa naman laging pumupunta sila sa Mortal world para sa mission ginagawa nila," sabi ni Claire.
"Ano ba... 'wag nga kayong masyadong pa-miss parang hindi na tayo magkikita n'yan eh. Nagbago lang ang level ko pero hindi magbabago ang mga kaibigan ko. At kayo 'yon."
"Uhh, ang drama mo girl. Group hug nga," ani Rizza. Akmang magu-group hug na kami nang biglang may mag clear throat.
"Ahem! Pwede ba kaming sumali sa group hug niyo?" wika ni Mark na nasa pintuan ng room ko.
Napatingin ako sa kanya at mula sa likuran ni Mark ay lumabas si Gino.
Medyo nawala ang ngiti ko. Kasi iniisip ko na baka galit si Gino sa 'kin.
"Amy... congrats," wika niya sa 'kin at saka unti-unting ngumiti. 'Yong ngiting walang halong kaplastikan. Pero makikita parin ang sakit na nararamdaman niya. "Sana kahit pinagtapat ko sa 'yo ang nararamdaman ko. Hindi parin magbago ang pagsasama natin bilang isang magkaibigan."
Tumango ako at ngumiti.
"Oo naman, hinding-hindi yun magbabago," wika ko.
"Salamat."
"Hay naku Gino! Halika na nga! Mas madrama ka pa pala kay Amy eh. " wika ni Rizza at hinila ito para mag-group hug kaming lahat.
Napangiti na lang ako habang makakayakap kami. Tiningnan ko si Gino. And I mouthed the word 'sorry' at tinanggap niya naman 'yon nang maluwag sa puso niya.
********
King Charles Williams's POV
"Bakit nandito ka pa Morphene? 'Di ba ilang beses na kitang tinakwil. Ang lakas din ng loob mo na bumalik pa dito." mariing sabi ko sa kanya habang nakatalikod siya sa 'kin.
Alam kong siya ito. Ang katulong ko na sobrang obsessed sakin.
"Charles...hindi mo maitatago ang sekreto mo sa habang panahon. Lalabas at lalabas ang katotohanan," wika niya sa malamig na tinig. 'Yong parang nag-eecho sa pandinig ko. Habang nanatili parin siyang nakatalikod.
"Anong sekreto ang pinagsasasabi mo?" Galit na tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba alam? May nangyari sa 'tin Charles, at may anak ka," wika nito at bahagyang natawa pa.
"Hindi totoo yan!" galit at madiin kong sabi sa kanya. "Walang nangyari sa 'tin at kailanman wala akong anak sa 'yo."
"Bali-baliktarin mo man ang mundo hindi na magbabago ang lahat. Hindi na Charles. Pamilya mo narin kami. Kami ng anak ko," malamig na sabi niya at sa pagkakataon na 'yon humarap siya sa 'kin at doo'y nakita ko ang isang nakangising si Morphene.
"HINDI!" isang sigaw ang binigay ko sa kanya at sa pagkakataon na 'yon ay napabangon ako sa kama.
Napatigil ako at napalinga-linga sa loob ng silid. Doon ko lang napagtanto na panaginip lang pala ang nangyari.
Humugot ako nang malalim na hininga.
Dinalaw niya na naman ako sa panaginip. Wika ko sa sarili ko.
Bumangon ako at tinungo ang bintana at binuksan iyon. Mula sa magandang sinag ng buwan ay unti-unti kong binuka ang mga palad ko at doo'y lumabas ang bolang apoy doon.
Si Morphene ang babaeng may kakayahang kausapin ang bawat tao dito sa Eleria sa pamamagitan ng kanilang panaginip. Isa lamang siyang katulong dito sa Trojan. At kahit nakakainis sabihin ay may gusto siya sa 'kin. At lahat gagawin niya, mapunta lang ako sa kanya. Isa rin siyang baliw na pilit pinagtutulakan ang sarili sa 'kin. Magmula ng mamatay ang asawa ko. Nagsimula na rin ang pagiging baliw niya. At sa hindi inaasahang gabi ay may nangyari nga samin. B-but... I didn't mean to do it. Nakipag-ugnay siya sa isang tao na may dugong witch para bigyan siya ng potion at ginamit niya iyon sa akin.
At ang gabing iyon ay isang kasalanan.
At hindi iyon maaaring malaman nino man. Dahil paniguradong mawawalan ako ng trono. Mawawala sa 'kin ang kayamanan at ang pagiging hari ko. Mawawalan sila ng tiwala magiging mababa ang tingin nila sa akin dahil pumatol ako sa isang katulong sa isang commoner lamang.
Mas lalo kong pinalakas ang bolang apoy na nasa kamay ko.
At kung kailangan kong pumatay ng tao... gagawin ko. Huwag lang mabunyag ang sekretong matagal ko ng binaon sa limot!
********
Amy's POV
"Paano natin mahahanap ang bagay na 'yan sa mundo ng mga mortal ni wala tayong ideya kung saan siyang lupalop nakalagay," usisang tanong ni Faye.
They're on their mission at isang hourglass daw ang hinahanap nila.
"Oo nga Master Zed. It takes a long time para mahanap natin ito," pagsang-ayon naman ni Luis.
"Yeah. Idagdag pa na hindi natin ito ma- trace ito gamit ang advance tech. natin," segunda naman ni Jane
Sobrang out of place ako sa usapan nila. Honestly kanina pa nga eh. Noong pagpasok ko palang sa room nila. Nagpakilala lang sila sa 'kin pero hanggang doon lang. Hindi na nila ako tinanong ng kung anu-ano. Hindi ko tuloy alam kung sino ba ang pasimuno ng pagiging isang seryoso at supladong tao. Si Zed ba? O sila? Eh kasi parang may mga sariling mundo sila at nagkakaisa lang kapag nasa misyon. Tulad ngayon.
"Shut up guys... I know mahirap gawin ito. Pero kailan ba nagfailed ang bawat misyon natin?" tanong ni Zed sa mga ito.
Natahimik sila bigla sa sinabi ni Zed. Well, kailan nga ba sila nagfailed? As far as I know lagi nilang nagagawa ang misyon na binibigay sa kanila at never kong nabalitaan na na-failed sila.
"Trust yourselves guys," pagbibigay ni Zed ng lakas ng loob sa kanila.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi ni Zed. Karamihan kasi ang sinasabi ng isang leader is 'trust me' pero sa kanya iba. At hindi ko mapigilang humanga sa sinabi niya because he just wanted not only to have trust in him as their Master but also to trust themselves as a member.
Ilang minuto ay nagpaalam na sila para kunin ang gamit na dadalhin para sa paglalakbay sa mundo ng mga tao at gawin ang misyong iniatas sa kanila.
"Kumusta?" tanong niya sa 'kin habang naglalakad kami sa field. At hinihintay ang mga kasama namin para maglakbay papunta sa mundo ng mga tao.
"Ahm, ayos naman," sagot ko kay Zed at saka ngumiti.
"I'm glad that you will be part of our level. Atleast... masosolo na kita."
"H-huh?" medyo humina kasi 'yong boses niya sa last part ng sinabi niya kaya di ko maintindihan.
"'Di mo narinig?" Nilingon niya ako. Nagtama ang mga mata namin. Ngumiti siya. Sumunod naman ang biglang paggalawan ng mga paru-paro sa loob ng tiyan ko dahil sa ngiti na iyon.
Umiling ako habang nakatulala sa kanya. Lalo naman naging wide ang ngiti ni Zed. Lumapit siya kaya naman napaatras ako hanggang sa wala na pala akong maatrasan kasi I almost pinned to the big trunk of the tree.
"Ah-ahm, Zed," nasabi ko habang nakatingin sa kanya.
Napakacold parin ng mga mata niya. Hindi ko mabasa.
Unti-unti niyang inilapit ang ulo niya hanggang sa pigil-hiningang napapikit na lang ako. Pero dumilat lang din naman ako noong nagsalita siya malapit sa tenga ko.
Her husky voice makes my heart tremble.
"Namiss kita..."
Tumibok nang malakas ang puso ko sa sinabi niya. Pati buong mundo ko nagawa niyang patigilin sa sinabi niya. Instantly uminit agad ang pisngi ko.
"Master," tawag sa kanya ng mga kasama namin hudyat na nandito na pala sila.
Umalis agad siya sa harapan ko pero isang ngiti ang iniwan niya sa 'kin. Yong ngiting pwede na mabuo ang araw ko. Habang naglalakad siya palayo unti-unti ding sumilay ang ngiti sa labi ko. Hindi ko alam pero... abot-abot parin talaga ang kaba ko.
****