Master David Morley POV.
"Master Morley... pinapatawag niyo daw po ako?" bungad na tanong ni Amythyst sa 'kin pagkapasok niya sa office ko.
Mula sa pagsusulat ay tiningnan ko siya ng deritso. Hindi ko mapigilan ngumiti kasi parang si Irine lang ang nasa harap ko. Since the first day the she stepped on these Academy, nakita ko na ang pagmumukha ng asawa ko sa kanya. The way she smile, she talks, reminds me of my wife.
"Pinatawag kita dahil gusto kitang i-congratulate sa pagtaas ng level mo." bati ko sa kanya.
Ngumiti naman siya sa sinabi ko.
"Thank you po. " tipid niyang sabi.
Ilang minuto ang namahagi sa amin bago ako nagsalita muli.
"Anyway... you have a mission sa mundo ng mga tao, right?" wika ko kasabay ng pagtiklop ng librong sinusulatan ko at itinuon ang atensyon sa kanya.
Tumango siya bilang sagot.
"Meron lang akong ilang bagay na ipapaalala ko sa 'yo kapag nasa mundo ka na ng mga tao." wika ko kanya.
"Ano po 'yon?" curious na tanong niya.
Tumayo ako at tinungo ko ang bintana at tinanaw ko ang magandang tanawin sa ibaba bago siya ko siya muling hinarap.
Honestly kasi... hindi ko alam kung paano ko 'to sisimulan. Amythyst became an intelligent one. Nagiging matanong na siya. At parang lahat ay gusto niyang malaman.
"Ang taglay mong abilidad ay ang pinakamalakas sa Academy na 'to. I mean, sa buong mundo ng mga Elementians. Ngunit ang kahinaan mo ay ang mundo ng mga tao." panimula ko.
Kumunot ang noo ni Amythyst sa sinabi ko. Halatang nabigla siya.
"Nababawasan ang kapangyarihan mo kapag nasa mortal world ka. Kailangan aware ka sa mga kasamahan mo. Magiging mahina ka pagpunta mo sa mundo ng mga tao."
"P-pero... bakit po ganoo?" tanong niya sa 'kin na halos hindi makapaniwala sa narinig.
"Bawat elementians dito Eleria ay may mga kahinaan. At ang pagpunta mo sa mundo ng mga tao ay ang paghina ng ability na taglay mo."
Tumango naman siya at doo'y nakahinga ako nang maluwag. Mukhang mabilis niya akong makuha. Siguro naman wala na siyang masyadong tatanungin tungkol sa ability niya.
"So... 'yon ang sasabihin ko. Maaari ka ng uma-"
"Master Morley..." sabad niya ngunit sa mahinang boses.
"Yes?" tiningnan ko siya nang deritso. At medyo tinamaan ako ng kaba sa maaaring sabihin niya. I can see a curiosity on her eyes.
"May iba pa ho bang elementian dito sa Trojan ang may ganitong uri din na magic?" tanong niya ulit sa 'kin.
Bahagya akong napa-isip... sasabihin ko ba na si Zed ay pareho niya? Siguro... 'wag na muna. Mas mabuting i-lihim ko muna iyon hanggat wala pa akong sapat na kaalaman. Ako muna ang magtatrabaho ng tanong na palaging umiikot sa utak ko.
Ang tanong na kung bakit pareho sila ni Zed ng kapangyarihan.
Basta sa ngayon... Hindi ko muna ipapaalam ang ability nilang dalawa ni Zed sa isa't-isa. Hindi pa alam ni Zed ang totoong katangian ni Amythyst. Dahil 'di ba nga sinabi ko sa kanya noon, na hindi nagmatch ang dugo ni Amythyst sa pagiging Liwaru. B-but it change pagkatapos ng Royal Enchanted Ball.
Idagdag pa na there's still some difference between the blood of Zed and blood of Amy. Kaya talagang litong-lito pa ako sa ngayon.
"Ikaw lang Amythyst. Pero may ibang tao na maaaring may kapareho mong abilidad sa ibang paraan. Halimbawa, si Faye na may kakayahan din magamot ang sugat. Pero sa kabuuan ng pagiging Liwaru... Ikaw lang ang may ganoon."
Tumango na lang siya at ilang saglit ay pinayagan ko na siyang umalis.
Hinilot ko ang sintido ko. Kailangan kong malaman ang mga bagay na umiikot sa utak ko.
Dahil sa oras na bumalik sila dito sa Trojan, paniguradong may panibagong katanungan na naman si Amythyst sa 'kin. At ang masaklap pa, 'yong tanong na... Bakit pareho sila ni Zed ng abilidad. Magkasama sila sa iisang mission. And Amythyst is a keen observer kaya talagang kailangang kung humanap ng kasagutan sa lalong madaling panahon.
Kailangan ko ng kumilos habang maaga pa. Kailangan kong hanapin si Freya. Alam kong buhay pa siya. Alam kong siya ang matanda na 'yon. At alam kong siya lang ang makakasagot ng lahat.
***
Amythyst's POV.
Naglakad ako palapit kina Zed at sa mga kasama ko pang mga Spy. Habang sa harap namin ay ang malaking portal na dadaanan namin papunta sa mundo ng mga tao.
Hawak-hawak ko ang strap ng back-pack ko habang malayo ang iniisip.
So? Kaya pala noong nasa mundo ako ng mga tao. Wala akong nararamdamang kapangyarihan. Noong nagtry ako na i-levitate ang damit na pinapalabhan ng pinsan ko na si Vikie... hindi naman umepekto.
I also tried teleportation pero wala. And now I know... dahil wala naman pala akong ganoong powers sa mundo ng mga tao.
Pero ok lang, atleast kahit papano may alam na ako.
"Ready?" Pukaw na tanong sa 'kin ni Zed.
Natuon ang atensyon ko sa portal na nasa harapan namin. Tinamaan ako bigla ng kakaibang excitement. Yes! We will go to mortal world to do they're mission together with me.
Tumango ako saka ngumiti. Nagsimula na kaming maglakad papasok ng portal. Sa pagpasok ko unti-unting nag-iba ang pakiramdam ko sa paligid. At ang enerhiyang nararamdaman ko sa katawan ko ay unti-unting nawala. Siguro ito 'yong sinasabi ni Master Morley. Na mababawasan at hihina ang kapangyarihan taglay ko.
"We're here..." wika ni Zed.
Mula sa pagpikit ng mga mata ko, unti-unti akong dumilat at malamig na simo'y ng hangin ang dumampi sakin. At nakakasilaw na sinag ng araw ang bumulaga sakin na nagmumula sa silangan, na medyo naitakip ko ang mga mata ko gamit ang kamay ko. Isang napakagandang umaga. Isang bagong umaga at simula ng bagong pagsubok ang sumalubong samin.
Pumwesto si Zed sa unahan at humarap sa amin.
"So guys... nandito na tayo. Isang hourglass ang hahanapin natin. At wala tayong clue kung saan yun hahanapin dito. Wala tayong clue kung saang lugar natin hahanapin 'yon."
"Isang mahirap na mission." bulong ni Faye at medyo ngumiwi kaya napatingin ako sa kanya. Sa itsura niya. Siya 'yong babaeng walang sinasanto. Matapang ang pagmumukha at kayang harapin ang anumang panganib. Pero kung titingnan, likas na may pagka-nega siya lalo na kung ang mission ay 'yong ganito na mahirap.
"Huwag n'yong isipin na mahirap dahil talagang mahihirapan talaga tayo. Don't worry may isa pa tayong paraan para mahanap ang hourglass." wika ni Zed at ngumiti.
Lahat kami napatingin sa kanya. Paraan? 'Yon ang tanong ng bawat isipan namin.
"Paano?" halos sabay-sabay naming tanong.
Mas lumuwag pa ang ngiti ni Zed.
"I will show you later. Pumunta muna tayo sa bahay natin." wika niya at tumalikod para maglakad. Sumunod naman 'yong mga kasamahan namin.
Teka? Bahay? May bahay sila dito?
Nagteleport na ang mga kasamahan ko papunta sa sinasabi nilang bahay nila. Pumikit ako para magteleport din. Pero... Wala akong naramdamang enerhiya sa katawan ko. Napakunot ako pero mayamaya din ay saka ko lang napagtanto 'yong sinabi sa 'kin ni Master Morley.
Oo nga pala... magiging mahina ang ability na taglay ko.
"Magta-taxi na lang tayo. Anyway... malapit lang naman 'yong bahay na tutuluyan natin." ani Zed na mula sa likuran ko na sobrang ikinagulat ko.
"Ah-ahm... akala ko sumama ka na rin sa kanila?" Tanong ko sa kan'ya.
"Pareho lang tayo. Hindi din ako makapagteleport." sabi niya na nagpakunot ng noo ko.
"Bakit naman?" curious kong tanong sa kan'ya.
"I don't know." kibit-balikat niyang sabi.
Bahagya siyang nag-isip. Pagkuwa'y ngumiti.
"Gusto ko munang mamasyal. Gusto mong sumama?" tanong nito.
Magtatanong pa sana ako but I change my mind. Baka kapareho ko lang siya na hindi makapagteleport gaya narin ni Faye na kayang makagamot.
"Sure!" nakangiti kong sabi. Bigla akong na-excite kasi makakasama ko rin si Zed mamasyal.
Naglakad kami sa isang lugar na hindi ako pamilyar. Hanggang nakarating kami sa plaza. Maraming tao. Namiss ko ang ganito. 'Yong mga natural lang na tao ang makikita. Walang magic na ginagawa at namiss ko ang ganito kadaming tao.
Nakita ko ang ilang bandaritas na nakasabit sa iba't ibang dako ng plaza. Saka ko lang napagtanto na piyesta pala sa lugar na napuntahan namin.
"Wow... nakakamiss naman ang mga 'to. " wika ko sa sarili ko noong makita ang mga peryahan at palaruan ng mga bata.
"Ako din..." nasabi niya sa 'kin habang nakangiti. Napatingin ako sa kanya ng 'di sadya.
"Kapag naaalala ko ang kapatid ko at ang ginawa ko sa kanya. Pumupunta ako dito sa mundo ng mga tao. Nililibang ang sarili ko at iniisip ko na kung pwede lang... tao na lang ako kagaya nila." Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Zed. "Kapag kasi nasa mundo ako ng mga tao. Feel ko nababawasan ang kapanyarihan ko. At ang matira man sa 'kin ay hindi ko na ni-reregrets pa."
Ngumiti na lang ako sa kan'ya. Sobrang opposite talaga kami ni Zed. Kung ako gustong-gusto ko ng fantasy. Siya mas gugustuhin niya pang mamuhay ng normal gaya ng ginagawa dito sa mundo ng mga tao.
"Hello, lovers... gusto niyo bang i-try ito?" tanong ng baklang lalaki na nasa tingin ko ay nasa mid 20's na.
May pinakita siya sa'min na pulang tela kung saan may laman na coin at dalawang petals ng rosas.
"Ah. ano ba ang ibig sabihin niyan?" tanong ko sa kanya ng nakangiti kasi alam ko its his part to do his job.
"Ito ang kasangkapan para mag-wish kayo sa wishing fountain for better and good relationship bilang mag-jowa. " nakangiting wika ng lalaki na kung titingnan ay medyo bakla ang kilos pero- ano sabi niya? Mag-jowa? Kami?
"Ah-ahm. Hindi kami magjowa!" halos sabay pa naming wika ni Zed sa bakla.
Ngumiti ito na makikita ang pagkaaliw sa mga mata nito.
"Huwag na kayong magdeny pa. Alam kong magiging kayo 'din in the future kaya naman gusto kong i-try niyo 'to. It's a good charm. Tara ipapakita ko sa inyo ang wishing fountain." wika niya.
Nagkatinginan na lang kami ni Zed at naiiling na sumama na lang kami lalaki. Inaakala niya talaga na mag syota kami ni Zed.
Well, sana...
**