Amythyst POV. Pumasok kami sa isang hidden place na natatakpan ng kurtinang dahon na hindi ko akalain makikita ko dito sa plaza na punong-puno ng tao. Tae. The field was so romantic. Sa dekorasyon ng mga halaman na nakapaligid sa maliit na lugar na ito, parang anytime talagang mai-inlove ka sa kasama mo. Well, inlove na nga ata ako. Inaya kami ng bakla sa gitna kung saan naroon ang statue ni Cupid at mula sa arrow nito ay bumubuhos ang tubig, na dumadaloy sa paligid ng oval na punong-puno ng tubig. Maraming lumilitaw na rose. At ang iba naman nakalubog kasama ang coin. Hindi ko mapigilan mapataas ang kilay kasi akala ko ba hindi lumulubog ang petals ng rose? Bakit dito oo? Sobrang nakakapagtaka ah. "Eto ang petals ng rose. Symbolizing to love and passion. So kung may gusto po kayon

