Amythyst's POV "Amy!" Tinig ni Luis ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Napatingin ako kay Chan na noo'y napakamot ng batok kasi alam niyang may nag-istorbo sa moment namin kanina na lihim ko namang pinagpasalamat. "Bakit?" tanong ko habang palapit na sa pwesto ko si Luis. "Pinapatawag ka ni Master Zed. Dapat kumpleto tayo doon para sa gagawing mission natin bukas." "Alam niya na kung saan?" usisang tanong ko kay Luis. "Yup. Kaya kailangan natin ng pagpupulong para doon." "O-oh. Sige..." tumingin ako kay Chan para magpaalam tumango naman siya. "Maghihintay ako ng kasagutan mo Amy." Wika ni Chan at nagteleport paalis. Sumabay na ako kay Luis magteleport para pumunta sa bahay namin. Pero nagtaka ako nang bumulaga sa amin ang medyo mataong lugar na I guess nasa palengke

