Amythyst's POV "So? Ito nga ang museum na nasa drawing mo Master." ani Max kay Zed na kinukumpara ang drawing nito sa napakalaking museum na nasa harapan namin. "Yeah... at sigurado akong nasa loob n'yan ang mission natin." he answered. Yeah, 'Yon ang resulta ng ginagawa niya kahapon at resulta ng paglagnat niya kagabi. "Kung gano'n. 'Edi tara na! Para matapos na 'to." maangas na sabi ni Faye at akmang hahakbang na pero pinigilan siya ni Zed. "And we should be careful. May nakita akong kakaibang nilalang sa loob na siyang nagbabantay sa hourglass." he warned. "Sus! Madali lang 'yan" matapang na sabi ni Faye at mabilis pa sa isang segundo na pumasok sa malaking museum. Napailing na lang si Zed sa ginawa ni Faye pagkuwa'y ngumiti at humarap samin "Ok... we better get inside. Ba

