Third Person's POV Kinarga ni Zed si Amythyst palabas ng silid at tinahak ang pasilyo papunta sa mga kasama nila. Ilang minuto ang lumipas ay biglang may lumitaw na nilalang sa pinakagitna ng silid. Isang nilalang na natatakpan ang buong katawan ng suot na black hood, at ito rin ang tumatakip sa kabuoan ng mukha nito. Isang makislap na bagay ang umagaw sa atensyon nito. Na mismong nasa paanan niya lang. Yumuko siya upang kunin iyon. Isang kwintas! Masusi niyang pinagmasdan ang kwintas na nasa kamay niya. Tumalim ang tingin niya ng makilala ang kwintas. "Ang amulet." wala sa loob na sabi niya in a masculine voice. Na para bang galing sa ilalim ng lupa ang boses nito. Tumingin siya sa dako ng pintuan kung saan dumaan ang dalawang nilalang na kumuha ng hourglass. Kinuyom niya ang

