Ikalawang Piraso ng Palaisipan

1970 Words

CARL's POV Magdamag na akong nasa private room ng pasyente kong si Miguel pero alas tres na ng madaling araw wala paring kakaibang nangyari gaya ng sabi ng lola niyang si Mrs. Florencio. Napasulyap ako sa kasama kong matanda at himbing na itong natutulog sa couch na nasa kwarto. Habang ako ay nandito at patuloy na minamatyagan ang batang nakahiga sa kama ng ospital. Normal naman ang monitor nito at walang kakaiba sa guhit na ipinapakita ng monitor. Ang bata ay payat at maputla na..dahil sa tagal na ng pamamalagi nito sa ospital at hindi na ito nasisinagan ng araw. Dalawang taon na ang nakararaan ng ma-coma ang bata at malaki ang paniniwala ng kapamilya niya na magigising ito. Kaya kahit gumastos ng malaki ay hindi sila sumuko sa pag-asang babalik ang bata. Ilang taon na nga ba ang bata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD