" Iha..i-ire mo pa! Nakalabas na ang ulo ng bata! " sigaw ng kamadrona. " H-hindee..ko na k-kayaa! " impit na sigaw ng isang babae. " Konti na lang lalabas na ang bata! Hinga ka ng malalim at sabay ire! " utos ng kamadrona sa babaing namimilipit sa sakit. " Masakitttt!! Ahhhh! " ginawa ng babae ang sinabi ng kamadrona. " uwaaaahhh! " isang iyak ng sanggol ang narinig sa buong silid. " Isang malusog na lalaki ang iyong anak! Napaka-gwapong bata! " masayang pagbabalita ng kamadrona. Napangiti ang babae kahit nahihirapan dahil sa naubos na enerhiya sa panganganak. Pawis na pawis ang mukha niya at gulo gulo ang buhok. Iniabot niya ang kamay sa kamadrona para silipin sana ang bata bago siya hilahin ng kadiliman ng diwa... " G-gusto k-kong ma-makita ang a-anak ko.. " pabulong na sabi ng ba

